tumakbo ako ng 10K race in the rain nung sunday – ang tawag nila rito ay “dinosaur dash“. hindi ko alam kung bakit ito ang ginamit nilang pangalan. siguro dahil matatanda na lahat ng mga sumali. hehehe. actually, karamihan ng mga tumakbo ay mga bata dahil ang race na ito ay para sa tustin public schools foundation. naka publish na yung mga results at eto ang tinakbo ko:
367th place out of 634
43rd place in the 40 to 44 year old age classTotal time: 58:33 minutes
Pace: 9:25 minutes/mile
ang goal ko ay tumakbo ng 10 kilometers under 1 hour at (in the words of brother mike) tenksbitugad, na achieve ko naman. hindi na masama para sa 42 year old (pero may asim pa rin) na diabetic.
P.S. oo nga pala, prediction ko – si obama ang mananalo sa election mamaya. baka landslide pa nga.
