Smells Like Teen Spirit

masarap palang magtrabaho sa opisina ng walang underwear. pakiramdam ko kanina, para akong si britney spears na nag commando. huwag mag-alala, hindi ko naman pinakita ang short comings ko. nakalimutan ko lang mag baon ng boxers (oo virginia, baduy na kasi ang briefs) dahil sa pagmamadali kong umalis sa bahay. tumakbo kasi ako during lunch at nalaman ko lang na wala pala akong spare underwear ay nung tapos na akong mag shower.

Continue reading

Back in Black

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS: bumalik na sa pag blog si jet. mahigit isang taon din siyang nawala at hindi ko naman siya masisi. naging abala kasi siya sa trabaho at sa pag-asikaso sa akin. oo virginia, minsan kasi medyo high maintenance ako. ngayon, tenksgad, medyo ginanahan na ulit siyang magsulat. buti naman kasi di hamak na mas magaling siya kaysa sa akin.

Continue reading