Your nuclear boots and your drip dry glove

tinubuan ako ng sungay during the 80s. nung pumasok ang 1980, 15 years old ako at uhugin. when the decade ended in 1990, i was 25 and irrevocably changed. kaka graduate ko lang at may trabahong maganda. in a year or so, i would be happily married.

i hated the 1980s. di ko kasi gusto ang style ng damit: baston na maong na may zipper sa laylayan, technicolor crayon shoes, spikes, ang buhok ng mga babae ay korteng pagodang di mo malaman.

i loved the 1980s. lahat ng dapat kong malaman sa buhay ay dito ko natutunan. love, loss, lifelong friendships formed, virginity lost, found god, lost god, got education, exciting job, found true love.

Sugarplum Fairy, Sugarplum Fairy

isa sa pinaka paborito kong kanta ang “a day in the life“. ang kwento eh, nagbabasa lang si john lennon ng newspaper during a recording session break at bigla na lang niyang pinag dugtong dugtong ang balita to create the lyrics of the song – ie, four thousand holes in blackburn, lancashire, he blew his mind out in a car, etc. sinubukan ko nga ring gumawa ng kanta galing sa diyaryo natin sa pilipinas pero wala. kahit anong pilit ko, hindi ko mapantayan ang genius ng beatles.

Continue reading