weird things about myself:
- tatlong beses ako kung maligo araw-araw kahit malamig
- minsan, pag ako lang mag-isa ang nakasakay sa elevator, umuutot ako.
- may dilaw na manok na nakasabit sa ding-ding ng opisina ko na umiiyak pag pinipisil
- parati akong may dalang spiderman doll sa mga business trip
- pag nag-iisa lang ako, tinatanong ko sa sarili ko kung may ilokano sa tower of babel
- pag nag concentrate ako, kaya kong pagalawin ang tenga ko
- nung bata pa ako, gusto kong magkaroon ng buhok sa kili-kili
- pag talagang nag concentrate ako, kaya kong pagalawin ang kanang suso ko
- pag nangungulangot ako, minsan hinlalaki ang ginagamit ko
- hindi ko kayang pagalawin ng magkasabay ang tenga ko at kanang suso


