nagpalit na ng daylight savings time dito last sunday kaya alas siyete ng gabi ay mataas pa rin ang araw. medyo umiinit na rin. in fact, parang summer na nga ang feel dahil nung weekend ay umabot na sa 100 degrees farenheit ang temperature sa southern california. ‘tanginangyan, mukhang nakakalimutan ko na ata ang metric system. ano na nga ba formula? teka… 100 degrees maynus 32 equals 68 dibaydibay 1.8 equals 37.78 degrees C. piso na lang, impyerno na.
sa sobrang init nga ay nagkaroon ng malaking sunog dito. galing kami nina jet sa las vegas at nadaanan namin yung brush fire sa anahein hills. malaki ang sunog kaya sinara nila yung toll road na papasok sa city namin at kinailangan ko pang umikot para makauwi. pero ok lang, sabi nga ng supertramp – “take the long way home.”