ANG TUNAY NA DAMDAMIN

nung bata ako, isa sa paborito kong kanta yung “awiting pilipino” ni boss mike kahit di ko masyadong naintindihan ang mga lyrics. after 30 years and after moving to another country eh parang ngayon lang nagkaroon ng kahulugan ang kanta sa akin.

“hinahanap ko ngayon
ang tunay na damdamin
hinahanap ko ngayon
ang tunay na sariling atin”

Continue reading

ANG FACIAL NI MOMMY DAVID

nung isang araw dinala namin ni jet ang mommy niya at mommy ko sa megamall para magpaayos sa parlor ni ricky reyes. ang kulit nga ng mommy ko, ayaw pumasok sa parlor at hindi na raw niya kailangan magpaganda dahil 83 years old na raw siya. sabi ko naman eh sige na mommy at baka sakaling may makakita sa iyo na mayamang biyudo at mabighani sa beauty mo, who knows.

Continue reading

PHILIPPINES 548 DAYS HENCE

isang taon at kalahati rin bago ulit kami nakauwi ni jet dito sa pilipinas. matagal tagal din pero parang walang nagbago. pag labas ko sa eroplano, may naghihintay pa rin na kombatsero band na tumutugtog nga mga pinoy folk songs sa mga bagong dating na balikbayan. yung isang guitarista pa nga ay bungi, bagay na lubos kong ikinagalak. pipila ka pa rin ng mahaba sa immigration kahit na may balikbayan fast lane. naroon pa rin ang maraming taong nag o-offer sa iyo ng taxi, libreng buhat ng bag na hindi naman libre. naroon pa rin ang mga bagong ligong mga asawa na naghihintay sa kanilang mga mister sa labas ng airport. siguro wala silang ibang naiisip kung hindi ang makapiling ang mga asawa nila dahil matagal tagal ding hindi sila nakapag sex. at siyempre, naroon malapit sa “letter D” ng arrival area naghihintay ang aking sundo. packingsheet, it’s so nice to be back home.

Continue reading

IF I KNEW THE FUTURE, YOU’D BE FIRST TO KNOW

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }.flickr-yourcomment { }.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }

Continue reading

IF I KNEW THE FUTURE, YOU'D BE FIRST TO KNOW

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }.flickr-yourcomment { }.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }

Continue reading

KUNG BAKIT MAGANDA ANG QUALITY NG MGA PRODUKTO NA MADE IN JAPAN

dear jay san,

how are you? i hope you are fine and had a good sleep. kawaguchi san will pick you up at the hotel at exactly 8:46 for your siteseeing tour of tokyo. here is your complete schedule for today:

8:46 kawaguchi to meet you at hotel lobby

at 8:47 you will walk to the hotel door
at 8:48 you will enter the subway station
at 8:50 you will ride the train on the way to the tokyo tower

train ride takes approximately 11 minutes

at 9:01 you will leave train station and walk for approximately 12 minutes
at 9:13 you will take pictures outside tokyo tower for 6 minutes
at 9:19 you will enter tokyo tower

you will stay at tokyo tower from 9:20 until 10:06 am

at 10:07 you will leave the tokyo tower
at 10:08 you will walk to nearby sushi bar

it will take approximately 8 minutes to walk

at 10:16 you will enter sushi bar and the waitress will give you hot sake
at 10:17 will have early lunch

from 10:18 until 11:47 you will have lunch
kawaguchi san will order – uni sushi, tuna and hamachi sashimi

at 11:48 kawaguchi san will take you straight to the airport
at 11:49 she will say goodby and you will be on your own

jay san, i hope this schedule is acceptable. if you have any questions, please give me a call.

sincerely,
sekimura

One kind word can warm three winter months

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TOKYO. lumapag si spiderman sa tokyo ngayon upang imbestigahan ang isa sa pinaka importanteng invention ng mga hapon – ang electronic fully automated toilet seats. napag-alaman na muntik nang mahulog si spiderman sa loob ng inodoro pero sa pamamagitan ng kanyang special spidey sense ay naagapan niya ito. ang automated toilet sa japan ay tunay na kinagigiliwan ng mga tao sa tokyo dahil sa kanyang kakaibang epeks – umaandar itong mag-isa pag umupo ka sa trono.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas ng dalagang ina.

Continue reading

LET THE WINE OF FRIENDSHIP NEVER RUN DRY

pag pumupunta ako ng korea, siguradong umuuwi ako sa hotel na tabinge ang lakad. national pastime kasi rito ang pag-inom. mahirap makipagsabayan sa korean dahil baka magaya kayo sa akin na nakarating sa hotel ng hindi niya namalayan kung paano nakabalik dahil sa sobrang dami ng nainom. naalala ko pa yung last time ko rito, two years ago: may kasama akong amerikano na nagyabang na malakas daw siyang uminom. ayun, pinatulan tuloy siya ng kasama naming koreano.

siyempre, damay din ako sa kabaliwan dahil magkakasama kami. sa dami nga ng nainom kong soju at whiskey eh hindi ko naalala kung paano ako nakabalik sa hotel. one moment, papalabas kami sa bar. the next moment, umaga na, naka empake ang maleta ko’t ready na para umalis. hindi ko alam kung ano ang nangyari in between – iniisip ko nga, kung may kabayo na gustong mang rape sa akin nung gabing yon eh baka hindi ko ito napansin.

WE ARE THE WORLD

nung araw, in my warped sense of justification, parati kong sinisisi ang mga bata sa africa kung bakit ako mataba. pag wala kasi akong ganang kumain, sinasabi sa akin ng mommy ko – “hoy bata ka, hindi ka na nanghinayang sa pagkain, ubusin mo lahat yang niluto ko para sa iyo. ang dami daming mga bata sa africa ang nagugutom samantalang ikaw…” siyempre, unfinished ang sentence para mas may emphasis ang point. dahil sa masunuring bata eh naging tendency ko tuloy na ubusin lahat ng pagkain sa plato kahit busog na ako. ayun tuloy – tumaba ako ng husto.

Continue reading

The woods are lovely, dark, and deep, but I have promises to keep

after spending the weekend in shanghai, lumipad kami ngayon accross the yellow sea into south korea. para i-celebrate ang pagdating ko rito, umorder ako ng spicy seafood soup for dinner. packingsheet ang sarap. medyo maanghang nga lang at pinawisan ako ng husto. pero ok na rin – gusto ko kasi pag gising ko bukas, hindi ako mahihirapan mag banyo. yan ang isang ok sa pagkain ng korean food… may guarantee ka parati na may mangyayari pagpasok mo sa kubeta sa umaga after having korean food for dinner. baka nga hindi na ako abutin ng bukas, medyo may nararamdaman na kasi akong hindi maipaliwanag na pagkulo sa loob ng tiyan.

malamig dito sa seoul ngayon. hindi ko na nga kailangan tumingin sa thermometer para malaman kung gaano kalamig. pag ihi ko kasi kanina, tumingin ako sa ibaba at wala akong nakita. ibig sabihin noon eh below freezing. BWAHAHA!