And ev’ry stop is neatly planned for a poet and a one-man band

ang pinaka consuelo ng isang OFW ay ang pag-uwi sa pilipinas ng christmas season pagkatapos ng matagal na pagtiis sa ibang lugar. para sa mga OFW na may naiwan na asawa at anak sa pilipinas, ang homecoming ang pinaka highlight ng taon. miss mo na ang mga anak mo at yung nilabasan ng anak mo kaya nasa eroplano ka pa lang eh kung ano-ano nang kademonyohan at iba-ibang mga patambling tambling na position ang naiisip mo.
Continue reading

And ev'ry stop is neatly planned for a poet and a one-man band

ang pinaka consuelo ng isang OFW ay ang pag-uwi sa pilipinas ng christmas season pagkatapos ng matagal na pagtiis sa ibang lugar. para sa mga OFW na may naiwan na asawa at anak sa pilipinas, ang homecoming ang pinaka highlight ng taon. miss mo na ang mga anak mo at yung nilabasan ng anak mo kaya nasa eroplano ka pa lang eh kung ano-ano nang kademonyohan at iba-ibang mga patambling tambling na position ang naiisip mo.
Continue reading

Cuddle up angel cuddle up my little dove, Well ride down baby into this tunnel of love

kung talagang gagawin mong career ang pagiging OFW, as much as possible, isama mo ang pamilya mo. ang pinaka importanteng benefit siguro ng pag-alis namin ni jet ay naging mas close kami. 15 years na kami ngayong mag-asawa and 5 of those years were spent overseas. sa tingin ko naman ay maganda ang relationship namin. para ngang pelikula ni dolphy: may sayawan, may kantahan, may iyakan, may tawanan at maraming sex (mostly off camera). ang pagkakaiba nga lang siguro eh mas malaki ang titi ni mang dolphy kaysa sa akin. bwehehe.
Continue reading

The sun is the same in the relative way, but youre older – Shorter of breath and one day closer to death

si raymund ang isa sa mga barkada ko from notre dame na based na rin dito sa california. nagkikita kami every other week para pumalo ng maliit na bolang may dimple. malaking pagbabago dahil during our younger years, pag nagkikita kami eh siguradong uuwi kami pareho ng nakainom. hindi na ngayon. una, mahigpit dito ang DUI (driving under the influence). malaki ang multa at baka makulong ka pa. pangalawa eh pareho na kaming health conscious kaya ang idea namin ng good time ngayon eh magkwentuhan. pinagkukwentuhan namin madalas yung mga pagkain at inumin na hindi na namin makain at mainom. ganyan ata talaga ang tumatanda. alam mo nang hindi ka indestructible at iniisip mo na parati kung ano ang gagawin para hindi ka mamatay ng maaga.
Continue reading

Magpunta ka sa tindahan sa tapat, magpalit ka ng balat

tuwing naririnig ko ang “reklamo ng reklamo” ng jerks eh parang kinukurot ang puso ko. halos araw-araw pa naman ata eh pinapatugtog ko ito dahil isa ito sa aking paboritong kanta kaya every now and then eh mayroon akong mga little heart attacks.

Kay dami ng problema
ang iyong makikita
Ngunit ito’y lalala pa kung aalis ka
Pagkatanggap ng pagkatalo
Kung ika’y tatakbo
At kung ikaw’y susuko
Puri mo’y ilako

pakiramdam ko kasi minsan, ako yung binabanggit ni chikoy sa kanta na tumanggap ng pagkatalo’t hindi na nakayanan ang hirap ng buhay sa pilipinas at umalis. sinasabi ko na lang sa sarili ko na kailangan talaga na nasa abroad dahil marami kaming tinutulungan na mag-asawa. iniisip ko na lang na kahit nasa ibang bansa kami ay ipagmamalaki ko pa rin ang pagka pinoy ko. hindi naman talaga pwedeng ipagkaila kasi pinoy na pinoy talaga na dating ng kutis betlog ko. kaya nga sana eh hindi ako magka stiff neck para makalingon ako sa aking pinanggalingan.
Continue reading

They paved paradise and put up a parking lot

kung gusto mong itaas ang estado ng buhay mo, hindi talaga pwedeng parati na ka na lang kuntento at maligaya. magiging stagnant kasi ang buhay mo at kamot bayag at tiyan ka na lang habangbuhay. for some people, acceptable ito but not for us who want to make our world better and our lives meaningful. sinasabi ko ito kasi karamihan ng mga OFW na tulad ko ay nag decide mag abroad kahit alam nilang mahirap dahil gusto nilang pagandahin ang buhay nila at ng kanilang pamilya.

pero may mga trade-offs kang dapat timbangin. pag nasa pilipinas ka, masaya pero walang pera. pag abroad, may pera pero hindi kasing saya. kailangan ata eh tanggapin mo na ganito talaga ang takbo ng buhay para makadiskarte ka at makagawa ng paraan para magkaroon ito ng kabuluan.
Continue reading

Tired of lying in the sunshine staying home to watch the rain

hindi ko namalayan dahil lumipas ang september ng mabilis. limang taon na pala ang kwentong tambay. nagsumula akong magsulat ng journal ng september 2001, a few days before 9/11. kakarating ko pa lang sa singapore – malungkot dahil naiwan si jet sa pilipinas, homesick at miserable. worried din dahil naiwan ang mommy ko who at that time was 77 years old. conflicted din ako dahil sa isip ko, parang tinalikuran ko ang aking bayang magiliw.

pero anong magagawa ko? kailangan ko namang kumita ng pera para buhayin ang pamilya ko. pera na hindi ko kayang kitain sa pilipinas kahit magtrabaho ako ng 24 hours. wala naman akong magic kaya hindi ako pwedeng tumae ng ginto. hindi naman ako gwapo kaya di ako pwedeng mag-artista (although sabi ng misis ko eh kyut daw ako). hindi naman ako garapal kaya ayokong pumasok sa pulitika at mag take advantage ng ibang tao. ang pinaka praktikal na option ay umalis.
Continue reading