IBALIK

nagkita kami nung lunes ng gabi ni ibalik at dinala namin siya ni jet sa isang japanese restaurant sa huntington beach. si ibalik ay isa sa mga senior citizen ng pinoy blogging community. nung nagsimula akong mag blog nung 2001, well established na ang kanyang dekarabaw blogging community at parati ko itong dinadalaw para kumuha ng inspirasyon. based na ngayon sa las vagas si ibalik, pagkatapos niyang lumipat galing ng minnesota via daly city sa bay area. gala talaga ang kaibigan natin. at oo nga pala, pitong taon na raw siyang hindi nagpapagupit ng buhok. siya lang ata ang nakita kong pinoy na may dreadlocks, bagay na nagpa-endear kaagad sa akin.
Continue reading

IN THE PROVINCE OF THE MIND

pag may nagtatanong sa akin kung saan ang probinsya ko, ang parati kong sinasagot ay “PASAY CITY”. wala kasi kaming probinsya, bagay na ikina-iinggit ko lalo na kapag parating na ang holy week at pasko kasi isa ako sa mga naiiwan sa maynila. ang daddy ko ay pinanganak sa singgalong at ang mommy ko naman ay sa malate. ako? pinanganak ako sa isang malaking bahay na bato sa pasay city, somewhere in between the pet shops of cartimar and the manila bay.
Continue reading

DANI CALIFORNIA

ALBUM OF THE MONTH: red hot chili peppers, stadium arcadium – sa libro ko, ito sigurong double CD na ito ang pinakamagandang ginawa ng chili peppers, ever. unang dinig mo pa lang mai-in love ka na agad sa mga kanta. there is a genius in the simplicity of the songs at masarap itong patugtugin habang overspeeding ka sa mga freeway ng southern california. hindi siguro ito aksidente kasi taga rito sa los angeles ang mga members ng chili peppers. ang carrier single sa CD ay dani california at ang galing ng pagkagawa ng video. di ako nagtataka kasi ang director pala nito ay si tony kaye, ang gumawa ng isa sa paborito kong pelikula ni edward norton na “American History X” (useless trivia: the word “fuck” is spoken 205 times throughout the film). ang video ng dani california ay pagpapakita ng evolution ng rock music. nagsimula ang Chili Peppers looking like elvis then they morph into the beatles, hendrix, david bowie, alice cooper, etc. packingsheet kick-ass talaga.


Continue reading