nung nagbibinita ako, around this time of the year parati kaming sumasali sa pagkanta ng pasyon. kadalasan nagsisimula ito ng holy thursday at pipiliting tapusin ng bago mag easter sunday. pag inaantok nga kami sa madaling araw ay iniiba namin ang tono ng kanta. ang paborito ko ay yung refrain na ginagawa naming medyo upbeat. subukan ninyo itong kantahin to the tune of “electric dreams” and you’ll know what i mean. ang hirap kasi sa style ng pasyon eh kontra ito sa lahat ng mga natutunan mo sa pagkanta ng tamang paraan. yung mga hindi nga sanay na makarinig sa kanta ng pasyon eh akala nila ay nakakarinig sila ng ginagahasang kambing.
Continue reading
Monthly Archives: April 2006
ROSES ARE RED
dear unkyel batjay,
mayroon po akong napansin doon sa sikat na “roses are red, violets are blue…” na tula. bakit po ba sinasabi nila na “violets are blue”? di po na dapat “violets are violet“? aminado po ako na tama ang “roses are red” pero “voilets are blue”? it just doesn’t make any sense. ano po ba ang masasabi ninyo tungkol dito?
lubos na gumagalang,
gentle reader
LOVE POTION # 9
ang isa ko pang nami-miss simula nang mag diet ako ay ang lasa ng beef. hindi na kami kumakain ng red meat ni jet. sayang nga, kailan lang ay tinuruan ni eder na magluto si jet ng kare-kareng ox tail at ngayon ko lang nae-enjoy. ang sarap pa naman ng buntot ng baka lalo na pag napalambot ng husto. bagay na bagay itong sahog sa kare-kare kasi halo ang taba at laman ng buntot at masarap ito pag mayroon kang sawsawan na bagoong na ginisa sa bawang, mainit na white rice at coca-cola.
Continue reading
To lengthen thy life, lessen thy meals
nung araw, ang takaw takaw ko. kahit ano basta may sawsawan na patis o suka, kinakain ko. pati nga yung mga mabangong eraser na sikat nung elementary kami ay nginunguya ko. nabanggit ko na ba na mahilig ako sa kaning lamig? masarap kasi itong kainin kahit matigas, lalo na pag may tutong. pag ang ulam namin ay sinigang na baboy, ang gagawin ko ay ibubuhos ko ang maasim na sabaw sa plato, tapos papatungan ko ito ng isang malaking bloke ng kaning lamig. akala mo nga iceberg ang hitsura niya. doon ko naman sa kanin ilalagay ang kangkong, tapos dudurugin ko yung gabi sa sabaw para lumagkit ng kaunti. para mas masarap, kukuha ako ng isang platitong patis at didikdikan ko ng sili na galing sa pinaglutuan ng sinigang. packingsheet, ang sarap.
Continue reading
All happiness depends on a leisurely breakfast
eight months na pala kami rito sa america. ang bilis talaga ng panahon – parang kahapon lang ay umalis ako sa apartment namin para sunduin si jet sa hospital. teka muna – sinundo ko naman talaga si jet kahapon sa hospital. ngyehehe. pakiramdam ko kasi, parang naka assimilate na kami kahit papaano. ang isang indicator ko ay pagkain. kapag nakakain mo na ang mga kinakain ng mga native, para ka na ring native. parang nung nasa singapore kami, the moment na nagustuhan na namin ang laksa, prata at fish head curry was the moment we became integrated into the country. para kasi itong balut at burong talangka – acquired taste na sooner or later you’ll learn to love (or hate forever). dito sa america, ang cereal siguro ang pagkaing hindi ko akalain na magugustuhan. sino ba namang gago kasi ang nakaisip na gawing breakfast ang rice and wheat flakes na binabad sa gatas? pero aaminin ko, nagustuhan ko na rin ito pagtagal. magaan lang kasi sa tiyan, healthy pa.
pero paminsan minsan napapanaginipan ko na rin na kumakain ako ng aking paboritong breakfast: garlic rice, longganisang lucban na sinawsaw sa sukang iloko na may siling labuyo, crispy daing na espada, dalawang sunny side eggs na pinatakan ng tabasco, hot pandesal na may palamang kesong puti at liver spread. kahit papaano, sa kailaliman ng aking bituka eh pinoy pa rin ako siyempre.
When the gods wish to punish us, they answer our prayers
medyo matunog ngayon sa news ang isang study na ginawa ng mga researchers dito sa america tungkol sa power of prayer. or apparently the lack of it. ayon sa study, wala raw epekto yung mga dasal na ginawa ng isang group of strangers para sa mga pasyente na kakatapos lang ng heart surgery. actually nakasama pa nga raw kasi yung mga pasyente na sinabihan na may mga taong nagdarasal para sa kanila ay nagkaroon ng mas maraming complications.
kung sabagay, kung ako yung kakatapos lang maoperahan sa puso at nakita ko na may mga nakapaligid na tao sa aking hospital bed, kapit kamay at nagdadasal eh kakabahan din ako. ang unang papasok sa isip ko siyempre ay “tangina, bakit nila ako pinagdarasal? malubha bang kalagayan ko? nagkaroon ba ng complication ang operasyon at mamamatay na ako?” baka mapasigaw pa nga ako ng “hoy mga ulol, huwag ninyo akong ipagdasal at baka kunin akong bigla ni lord”.
pakinggan ang MAHALAGANG BALITA PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.