Strangers passing in the street

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”

sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

Strangers passing in the street by chance two separate glances meet

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng – “good morning, fine thank you”

sumagot naman ako ng – “good morning, how are you?”

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

I hear the blood of my blood

dahil sa diabetes, tatlong beses sa isang araw akong nagsusukat ng blood sugar. madali na lang ito ngayon kasi mayroon nang mga glucose meters na digital at mura na ang mga ito. impak may mga model nga ngayon na less than $10. ang catch dito ay yung mga test strips dahil ito ang mahal. ang isang 50 piece nga na packet ay mga $20. simple lang kumuha ng blood sugar: tusukin mo ang daliri mo, kunin ang dugo at ilagay sa test strip na nakapasok sa glucose meter. after a few seconds lalabas na yung blood sugar mo.

may lanseta na ginagamit sa pagkuha ng dugo. sa umpisa ay masakit pero pag tagal ay masasanay ka na rin. buti nga hindi ko kailangan ng insulin kung hindi panibagong tusok na naman yon. naiinis lang ako doon sa lansetang ginagamit ko dahil minsan tinutusok ko ang sarili ko pero walang lumalabas na dugo. pinaglihi yata ako sa elepante kasi sobrang kapal ng palad ko. iniisip ko nga baka dahil sa panay ang mariang palad ko nung bata ako kaya kumapal nang husto ang kalyo ko sa kamay.

I hear the blood of my blood cryin' from the ground

WELL THEY’LL PASS YOU BY

nung 5-10 years old ako (1970-1975), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: jolens, teks, trumpo, kung masakit magpatuli, kung talagang bakla si batman at robin, bakit mabaho ang kupal, taguan, tumbang preso, kung bakit paliit ng paliit ang size ng double bubble gum, ano ba ang lasa ng beer

nung 10-15 years old ako (1975-1980), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: yung size ng bra ng mga teacher namin, magkano ang bedtime stories sa recto, paano magpisa ng tagyawat, kung talagang nakakabulag magjakol araw-araw, paano manligaw, saan mura magpunta para mabinyagan, ano bang mabisang gamot sa tulo, CRISPA-TOYOTA, sino mas magaling si voltes v o si daimos, ERIKA-RICHARD, bakit makati ang titi pag may kalkal, sino pinakamalakas uminom

nung 15-20 years old ako (1980-1985), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: ano ang magandang course na kunin sa college, saan magandang school, sino ang may discount card sa anito, kung ano ang mas effective withdrawal method o condom, masarap bang magpachupa sa bakla, ano gagawin pag hindi niregla ang syota, saan pwedeng magpa secret marriage, paano paalisin si marcos, kung hero ba si ninoy, saan mura ang beer

Continue reading

WELL THEY'LL PASS YOU BY IN THE WINK OF A YOUNG GIRL'S EYE

AN EYE FOR AN EYE, A TOOTH FOR A TOOTH $150

nakatanggap ako ng sulat galing sa dentista ko kahapon. sinisingil na nila ako sa pinabunot kong wisdom tooth. muntik nang matanggal yung natitira kong ngipin ng buksan ko ang sulat at makita ko yung bill – $130 para sa tooth extraction at $20 para sa x-ray. covered naman ng insurance ko ang part ng bill pero bwakanginangyan, 7500 pesos para sa isang ngipin? kaya pala maraming mga kaibigan ko ang nag uuwian sa pilipinas para magpadentista.

kunsabagay, maganda kasi ang clinic ng dentista ko rito kaya siguro mahal. computerized lahat ng mga machine na ginagamit nila – yung xray ng ngipin ko halimbawa ay kita ko agad sa computer monitor na nakaharap sa akin habang nakaupo ako sa dentist chair. pero siyempre hindi ko maintindihan kung ano ang nakalagay. yung histura kasi ng ngipin sa xray ay parang ultrasound ng baby. tinanong ko nga yung dentista ko – is it a boy or a girl? tawa tuloy ng tawa. tapos maganda at very professional din yung setting. malayong malayo doon sa dati kong dentista sa novaliches na nasa loob ng beauty parlor yung clinic. medyo unnerving nga kasi habang inaayos ng dentista ang ngipin mo ay tinitingnan ka ng maigi ng alaga niyang matandang aso na ginagalis. ang isang maganda nga lang sa dentista ko sa pilipinas ay pwede kang magpakulot habang nagpapabunot.