umalis kami nung birthday ni jet sa california nung sunday para sa isang linggo dito sa florida. may conference kasi kami sa orlando. eto ang trip na gusto ko – company event sa isang resort city. accidental tourist na naman at libre ang lahat ng accomodations at pagkain. pwedeng magsama ng asawa kaya parang mini vacation ang lalabas. plane fare lang ni jet ang babayaran ko. naka kuha ako ng murang ticket sa continental airlines – $200 lang ang balikan from california.
galing ano? for a coast to coast trip, ok na ang price na ito. nag stop over lang kami sa houston, texas. kaya halos walong oras ang total na byahe. na delay lang ng kaunti sa houston dahil naligaw daw yung eroplano.