FOLLOW THE YELLOW BRICK ROAD

Kansas Education Board First to Back ‘Intelligent Design’ – effective immediately, ituturo na sa mga school sa kansas ang intelligent design bilang challenge sa theory of evolution and natural selection ni darwin.

tumatanda ata ng paurong ang mga amerikano. what’s next? siguro idi-declare nila that the world is flat, na yung apollo landings on the moon eh hollywood special effects lamang and being kansas – baka i-declare din nila na yung “wizard of oz” ay true story. gardenget.

Continue reading

TOWARD THE TWILIGHT ERASING STATUES

sabi ng kaibigan kong bumbay, pag gusto raw ng mga taga china na bigyan ng pangalan ang mga bagong panganak doon eh kukuha raw ang mga ito ng tinidor at ibabagsak sa sahig. yun daw tunog nito ang magiging pangalan ng baby – “toyng! tang! ting!”

All weddings, except those with shotguns in evidence, are wonderful

dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong humingi ng payo sa inyo. malapit na po akong ikasal, unkyel. balak ko nga po sanang gawin ito ngayong june. ang dami po palang mga kailangan ano? mayroong reservation sa reception, schedule sa simbahan, pagkuha ng pari, pag ayos ng ceremony at liturgy ng misa. mayroon ding pag-aayos ng mga damit ng mga abay, sali na rin po ang damit pangkasal. tapos mayroon din pong pag ayos sa cake. pati nga rin yung mga puting kalapati, kailangan pa yatang bihin sa pet shop sa cartimar. nalilito na nga po ako. ano pa bo ba ang kailangan ko unkyel, para maging successful ang aking kasal?

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

I couldn’t commit suicide if my life depended on it

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE USA. isang babae na nagpakamatay sa delaware kamakailan ay napagkamalang isang holloween decoration. ayon sa mga reports, ang babae ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigte sa isang puno malapit sa sidewalk kung saan maraming mga nagdadaan na mga tao. may ilang oras nakabitin nang 15 feet (above sea level?) ang katawan ng biktima bago ito na discover dahil ang akala nga ng karamihan, ito ay isang holloween decoration. bayan, ang moral lesson ng report na ito ay – “kung may balak kayong magpapakamatay, gawin ninyo ito sa valentines day”.

ang balitang ito ay inihatid sa inyo ng “birch tree holland power milk, ang gatas na may gata”.

Continue reading

I couldn't commit suicide if my life depended on it

NOTHING LAST FOREVER BUT THE EARTH AND SKY

dear unkyel batjay,

kamusta naman po ang all saints day ninyo diyan sa america? mayron din po ba diyan dumadalaw sa sementeryo tulad dito sa pilipinas?

ingat na lang,
gentle reader

Continue reading