ang topic ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga multo. malapit na kasi ang holloween at araw ng mga patay. kaya kung may oras kayo, imbis na magkamot ng galis eh baka gusto ninyong basahin ang mga entry doon. toka ko ngayon kaya nag post ako ng top 10 places kung saan magandang makakita ng multo – sana matakot din kayo tulad ko.
Monthly Archives: October 2005
ON VOLTES V
napag isip isip ko lang… kung ako si steve armstrong at ako ang nagmamaneho ng voltes v, pag dating pa lang ng boazanian robot, ilalabas ko na agad ang lazer sword para patay na agad ang kalaban. ano ba yang mga walang silbi na ultramagnetic top na yan at mga voltes bazooka. i say, bring out the lazer sword and get it over with.
There’s one for you, nineteen for me
isa sa mga mahirap ma take dito sa california ay ang damiing bawas sa suweldo. tinitingnan ko nga ang payslip ko eh parang litanya ng dasal ang mga deductions – income tax, preyporas. state tax, preyporas, disability tax, preyporas… enso-on, enso-port. AMEN.
isa isahin nga natin – may income tax na super laki (sabi ko nga 3 times more than what i paid for in singapore). may state tax na pupunta kay governor arnie (bwakanginang i’ll be back na yan), may old age survivor and disability Insurance (ano bang ibig sabihin nito? may suwledo ka pag tanda mo at buhay ka pa?), may disable tax (ano ito – disability insurance na, disable tax pa), may life insurance, mayroong legal fund (para pag nahuli ako ng pulis, may darating na abogado na aareglo sa kaso ko), may 401K contribution, health care deductions (nagamit na namin ito para sa pag pagamot kay jet), may dental plan para pag nagpa pustiso ako ay maliit lang ang bayad (gusto ko kasing gawing puro bagang ang ngipin ko, hehehe) at panghuli ay ang vision plan – para yata ito sa kung sakaling lumabo ang mata ko dahil sa sobrang pagjajakol.
There's one for you, nineteen for me

If The Phone Don’t Ring, You’ll Know It’s Me
dear unkyel batjay,
naging americanized na ba kayo? balita ko kasi yung mga pilipino na nagpupunta diyan sa amerika nagbabago ang mga ugali.
yon lang po,
gentle reader
If The Phone Don't Ring, You'll Know It's Me
dear unkyel batjay,
naging americanized na ba kayo? balita ko kasi yung mga pilipino na nagpupunta diyan sa amerika nagbabago ang mga ugali.
yon lang po,
gentle reader
Give me your tired, your poor, your huddled masses
Image
Give me your tired, your poor, your huddled masses yearning to breathe free, the wretched refuse of your teeming shore
You raise the blade, you make the change
dear unkyel batjay,
gusto ko lang pong malaman kung maganda pong tumira diyan sa amerika. kamusta po ba ang buhay diyan? ok ba? di po ba kayo nahirapan mag adjust? may balak po rin akong magpunta sa US kaya ako nagtatanong.
yon lang po – ingat.
gentle reader