pag medyo pagod na sa kakalakad sa cubao, diretso nood muna ng sine. either coronet, diamond or new frontier. naalala ko, parating malagkit ang mga sahig ng mga sinehan nung araw. siguro dahil sa mga natapon na coke. SANA, dahil sa mga natapon na coke. baka kasi may mga manyak na mahilig mag mariang palad at sa sahig pinatatalsik yung kanilang, ahem, semilya. i digress – anyway, paglabas sa sine, pasok naman sa fiesta carnival – sakay sa roller coaster na maliit o kaya laro ng mga video games – either pong, night rider, brick game or space invaders. pacman would come later, much to our delight. pag labas mo sa kabila ng fiesta carnival, malapit ka na sa ali mall. masarap umikot doon nung araw dahil marami kang makikitang mga kung ano ano (mga pokpok, mga pekpek, mga anghel na may malalaking pakpak, etc). mayroon pang skate town rink doon pero di ako nagpupunta kasi rocker dude ako at mga disco kid ang mga tambay doon. from ali mall, lakad kami towards COD or the marikina shoe expo para tumingin ng sapatos. naalala ko tuloy yung glenmore shoes commercial sa pinoy rock and rhythm during those times. si pepe smith ang kumanta ng theme song and i remember the lyrics to this day…
“hinahanap mo ba ang tunay na toga
glenmore ang tatak ng sapatos
sa bawat hakbang ay walang paltos
yan ang glenmore shoesglenmore, glenmore
matibay, may class at may uri
glenmore, glenmore
yan ang glenmore shoes”
TO BE CONTINUED (na naman)





