Change is inevitable, except from vending machines

question and answer portion pa rin dear brader en sister. maraming salamat nga pala sa mga sumulat sa akin at nagtanong. heto na po ang partial reply.

T: ano ang ginagawa mo ngayon unkyel batjay?
S: nagsisimula ng bagong hobby – collection actually.

T: collection ng alin, comics ni neil gaiman?
S: hindi. kinukulekta ko lahat ng kulangot ko simula nung miyerkules, tapos nilalagay ko sa kahon ng posporo.

T: ano gagawin mo kung maging presidente si jinggoy estrada?
S: pupunta na lang ako sa mindanao para sumali sa bagong republika ni mayor duterte sa davao.

T: ano itatawag ninyo sa bagong country na itatayo ninyo sa mindanao?
S: durian republic

T: eh kung si JV Ejercito ang maging presidente?
S: itutuloy pa rin ang durian republic, tapos papalitan ko ang time zone para maiba ang oras namin sa luzon. oo, galit galit muna tayo.

T: tutuo ba na muntik mo nang matamaan si mike arroyo ng golf ball sa ulo?
S: oo, na miss ko lang ang ulo niya by a few feet. nangyari ito sa wack wack nung late 90’s. VP pa lang si GMA. kung tinamaan ko sana si mike, malamang patay yon (at the very least, masisiraan ng ulo). it makes you wonder how a simple swing of a golf club could have changed history. kung tinamaan ko ang ulo ni mike, eh di sana wala nang problema si GMA ngayon.

A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?

question and answer portion tayo ngayon, dear brader en sister. magtanong kayo kay unkyel batjay at pipilitin niyang sagutin ang inyong mga katanungan.

TANONG: dear unkyel batjay, why does superman always come to the rescue?

SAGOT: tinanong ko na yan dati kay superman kung bakit siya parating to the rescue. sabi niya eh ano raw ba ang suggestion ko na pwede niyang gawing alternative.

TANONG: anong alternative ang binigay mo kay superman?

SAGOT: sabi ko mag “BUY and SELL” na lang siya kasi malaki kita roon.

TANONG: napanood mo na ang war of the worlds? ano opinion mo rito?

SAGOT: oo napanood ko na. ano opinion ko? masarap panoorin si tom criuse pag tumatakbo siya ng mabilis.

TANONG: any other opinion?

SAGOT: oo mayroon pa – ang tatanga ng mga aliens doon sa movie. para tuloy nainsulto rin ang intelligence ko as a movie viewer. biro mo nga naman, the aliens had the advanced technology to build all those machines of destruction pero… bagsak sila sa biology dahil hindi nila alam ang tungkol sa germs? ngyehehe. sumasablay na ata si spielberg. sana ET part 2 na lang ang ginawa niya!

TANONG: should gloria resign?

SAGOT: oo

TANONG: sino ipapalit?

SAGOT: si mareng winnie

TANONG: bakit si mareng winnie?

SAGOT: mas maputi yung kanyang sabong panlaba.

TANONG: ayaw mo ba kay susan roces?

SAGOT: yung last press con niya kasi parang over acting siya dahil pasigaw sigaw pa. mas gusto ko si ate guy kasi mas magaling talagang siyang umarte kaysa kay susan. lalo na doon sa pelikulang “sidhi”. napanood nyo na ba yon? gandang pelikula noon. nakaka sikip ng pantalon ang mga sex scenes ni glydel at ni albert martinez.

Remember in elementary school?

dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.

"Remember in elementary school you were told that in case of fire you have to line up quietly in a single file from smallest to tallest? What is the logic in that? What, do tall people burn slower?"

dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.

“Men have forgotten this truth,” said the fox.

ang buhay ko nitong past three days ay parang prototype ng magiging buhay ko pag semi retired na ako. balak sana namin ni jet, 5-10 years pagkatapos naming mag abroad ay mag semi retire na pero mukhang nagbabago na ang plano namin dahil sa bwakanginang problema sa bayang magiliw natin pero that’s another story. para na nga akong domesticated animal husbandry itong mga nakaraang araw. dito lang ako sa bahay – nagtatrabaho every now and then. natutulog pag inaantok. sumisilip sa internet. inaasikaso ko rin ang mga halaman ko pag huminto ang ulan. nakikinig ng radio habang kumakain ng hot pandesal na may palamang reno liver spread. nanonood ng balita at nakikipag kulitan – ginagaya ko ang boses ni mike enriquez pag kinakusap ko ang mga kasama ko rito. subukan ninyong sabihin ang “anna banana, maghanda ka na ng hapunan” sa style ng pagbabalita sa GMA 7 kung di kayo matawa.

kaya all things considered, ok na rin. masaya ako at contento (i.e. always busog, sometimes tulog). i would trade my high speed internet in singapore for a chance to spend some time in my garden. altough sa sobrang bagal ng connection ko rito eh napipilitan tuloy akong mangulangot habang naghihintay na bumukas ang mga website.

"Men have forgotten this truth," said the fox. "But you must not forget it. You become responsible, forever, for what you have tamed"