Plan to be spontaneous tomorrow

maulan ngayon dito sa taas ng bundok at malamig. pag bukas ko ng bintana, may pumasok na ulap. yan lang ang konswelo ko – kahit maraming ginagawa, mayroon pa ring mga bagay bagay (ulap, in this case) na nagpapasaya sa akin. ang hitsura ko ngayon ay parang puyat na unggoy – wala pang tulog simula nang dumating and busy as ever.

nakita ko ang peak ng mount apo ngayong umaga, nangiti ako nang makita ito ni jet. first time kasi niyang makita ang paborito kong bundok. ok na sana kaso lang ang dami kong kulangot ngayong gabi. siguro dahil sa alikabok. rough road kasi paakyat dito.

On the other hand, you have different fingers

pagkatapos ng ilang taon, nakaapak na naman ako sa sa beloved kong davao. mas special nga ngayon kasi kasama ko si jet. makikita na niya kung bakit gustong gusto ko ang davao. kinuha namin ang 10:20 am cebu pacific trip from manila. ang daming tao sa airport – dami ring mga koreano. mukhang paboritong destination nila ang pilipinas dahil may special phone pa sila doon sa airport para tumawag ng collect sa bansa nila – siguro pag naubusan na sila ng kimchi at soju, pwedeng tumawag para may free delivery.

from davao diretso kami ni jet sa kidapawan. pahinga sandali tapos akyat na dito sa taas ng mount apo. it feels like home. siguro in a former life, dito ako sa bundok nabuhay (bilang isang lamok). when i die, scatter my ashes in this mountain.

Ticking away the moments that make up a dull day

time anong oras na? limang minuto makaraan ang truck ng basura! ngyehehe. nag imbento ako ng wrist watch para sa mga malalabo ang mata. magandang balita ito para sa mga milyong milyong mga taong kailangan pang magsalamin upang malaman ang oras. simple lang ang design at ginamit dito ang mga latest swiss technology upang makagawa ng orasang matibay, maaasahan at may mga numerong madaling mabasa.

GENTLE READER: unkyel batjay, bakit ka naka helmet?

BATJAY: ah, sa sobrang laki kasi ng relo eh doon nakalagay ang baterya.

If you’re going to tell people the truth, be funny or they’ll kill you

dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol – ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!

dear gentle reader, hindi lang intelligent – pogi pa. bwahaha. thank you – maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng “pantene with diatabs – ang shampoo para sa mga nagtatae”.

kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.

VOICE OVER: “kris, are you using pantene with diatabs again?”

KRIS: “keee-wreck!!!”

If you're going to tell people the truth, be funny or they'll kill you

Life stinks, but that doesn’t mean you don’t enjoy it

TAGAYTAYJULY-046

curious lang ako… pag nakita nyo ba ang picture na ito, ang ang naaalala ninyo? pagkain ba or “lord of the flies” ni william golding. ako, paiba iba at depende sa oras – pag lunch eh naiisip ko lechon cebu, sawsawang suka na may toyo na binudburan ng siling labuyo at hanging rice (puso). sarap non. ispokening of pagkain. na mi miss ko ba ang pagkaing singapore? oo. dalawang linggo na kami ni jet dito sa maynila. nag iba nang panlasa ko at parang ang layo na namin sa nakagisnang buhay sa singapore. hindi ko na sana aaminin pero sige – ang isa ko pang nami miss ay ang anghit. hehehe. packingsheet. akala ko hindi ko ito hahanap hanapin. medyo weird nga eh. kanina lang nasa mall ako at napapaligiran ng maraming mga tao, i was half expecting na makakaamoy ako ng putok. wala. kahit putok ng paltik – wala. hina hanap hanap ko tuloy ang mabagsik na amoy langkang hinaluan ng sibuyas na halos mag pabiyak sa ilong ko.

Life stinks, but that doesn't mean you don't enjoy it

Age is not a particularly interesting subject.

darning-small

ayan, kontra sa kagustuhan ng mommy ko, nag darna costume na ulit ako. bwahaha. kinailangan kong maging super hero kasi umakyat ako sa bubong kanina dahil pinutulan ko yung jasmin at masyado nang malago. nahirapan ako ng husto. ngayon lang ulit ako naka akyat ng bubong in 5 years. bwakanginang yan, iba na pala pag 40 years old ka na. hindi na sumusunod ang katawan sa kagustuhan ng utak. sabi ko sa sa paa ko – akyat! may time delay atang 10 seconds bago ito gumalaw at sumunod. hinihingal na rin ako sa akyatan. muntik pang naipit ang tiyan ko sa pagitan ng trelis. kailangan ko nang paliitin ito dahil darating ang araw, iihi ako isang umaga eh hindi ko na makikita ang titi ko. ano bang kailangan kong gawin para maibalik ang katawan ko sa tamang shape? to dream on? yeah right. lalo ko tuloy hinangaan si lance armstrong. pinataob na naman niya ang mga kalaban niya sa akyatan ng bundok kahapon. siya talaga ang malakas ang resistensya. siguro kaya ganoon na lang ang kapit ni sheryl crow sa kanya. pag nagse-sex kaya sila eh para pa rin siyang nasa tour de france?

Continue reading

"Age is not a particularly interesting subject. Anyone can get old. All you have to do is live long enough."