ngayon ko lang ulit na appreciate ang aking kinareer. iniisip ko nga kanina habang papauwi galing sa cotabato na masuwerte ako sa napili kong propesyon. hindi man malaki ang kita eh marangal naman ang hanap buhay ko. bakit ba masarap maging isang engineer? kasi walang halong pulitika sa trabaho. hindi kailangan ng pogi points, walang SONA, walang wire tapping at walang masyadong tae ng lalaking baka (bullshit ata ang tawag nito sa english).
simple lang actually – you build things from scratch and make things work. then you take your paycheck, have a beer with your friends and take your wife out shopping.