"IGOR, it's ALIVE!"

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE CHINA. isang lalaking intsik ang nagpanggap na kuba para maipasok sa eroplano ang alaga niyang pagong. ang pagong na may timbang na limang kilo, ay nakitang nakatali sa likod ng lalaki habang sinisiyasat siya ng mga pulis sa airport na nakapansin sa kanya dahil kakaiba raw ang umbuk niya sa likod.

ako rin, gagayahin ko siya. susubukan ko namang ipasok sa aking pantalon ang alaga kong sawa pag sakay ko sa eroplano next month. idadahilan ko na lang sa mga security sa airport na pinaglihi ako sa kabayo.

GENTLE READER: baka naman bulate at hindi sawa.

gago!

THE SHORT WEEKEND BEGINS WITH LONGING

4 EYES hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it’s funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you’ve shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it’s the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.

THE MELANCHOLY DEATH OF OYSTER BOY

ano bang mga bago mong binabasang mga libro?time’s eye” ni arthur clarke, “bamboo in the wind” by nina azucena grajo uranza, “sideways” ni rex pickett, “out” ni natsuo kirino, “The Melancholy Death of Oyster Boy” ni tim burton at “twisted flicks” ni jessica zafra.

Have you ever had a crush on a fictional character? you bet – snow white, lady chatterly, si galema na anak ni zuma, death.

what are the books you would bring if you were stuck in a desert island?the world according to garp” ni john irving, “Songs of Distant Earth” ni Arthur Clarke, “COSMOS” ni Carl Sagan, “Twenty Love Poems and a Song of Despair” ni pablo neruda (sorry follks, hindi kasali ang “THE HOLY BIBLE”)

nagbabasa ka ba ng porn? nung nagbibinata ako, bumibili ako ng bed time at burikak sa recto.
Continue reading

One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing

kung sakaling umalis kami ni jet sa singapore, siguro ang mami miss ko most of all ay ang mga super seksing babae na mahilig mag suot ng low waist na pantalon na halos kita nang buhok sa ibaba ng pusod at ang pagkain. last week pa akong nasa food trip mode. nung weekend kumain kami ng paborito kong “curry fish head” sa chinatown. sinabayan pa namin ito ng “shrimp paste chicken“. last tuesday naman, nag “chili crabs” kami sa no signboard at halos matae nga si bong pogi sa anghang pero tuloy pa rin ang kain. kagabi naman, nagpunta kami nina eder, tintin, ron, owen at jet sa geylang para kumain ng “beef hor fun” at “oyster omelette“. kain kami sa kalye, walang pakialam sa mundo. then this lunch, nag yaya ako sa old airport road para makatikim ng paborito kong lomi (“lor mee” ang spelling dito) – thick dark sauce over noodles, shredded pork and fish, garlic, kikiam at kung ano ano pang secret ingredients. muntik na akong tigasan ma arouse sa sarap.

habang kumakain ng lomi, pinagusapan namin ng mga kaopisina ko ang mga style ng panliligaw ng mga singaporean. dalawa kasi sa kanila ay mga binatang nasa mid 30’s. bading ba sila? hindi naman siguro. hindi lang marunong manligaw. pinayuhan nga sila ng isang kasama ko na magpunta na lang sa vietnam. kasi doon, sa halagang $10,000 (mga 300,000 pesoses) may mga agency na maghahanap sa iyo ng asawa. all in na ito – kasali na yung wedding proper, reception sa vietnam, plane tickets, yung professional fees at siempre yung bayad sa mga magulang ng babae. kabisadong kabisado nga ng kasama kong binata ang ins and outs tungkol rito. mukhang nag apply na siya dati.

One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing and devote our attention to eating

Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened

Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened dumating ang kaibigan ko na si bong pogi rito sa singapore last monday at nilabas namin siya ni jet kagabi. bihira kasing dumalaw ang mga malapit na barkada kaya sabik din akong maipasyal namin siya. matagal ko nang kaibigan si bong pogi. we went to high school and college together. isang grupo kami sa malayan colleges mafwa na mga notre dame alumni (about 30 or so all in all), kaya parang itinuloy lang namin ang high school sa ibang skwelahan. sa tambayan ng mapua, kami pa rin ang magkakasama. we were really tight. mayron pa ngang time na we almost shared the same girlfriend. hehe. magkakasama kasi kami sa isang inuman sa makati after school: si bong pogi, gelpren niya, ako, si pareng vikoy at si momon. nang magpunta sa toilet si bong pogi, biglang lumapit ang gelpren niya, nag byutipul eyes at tinanong ang telepono ko. sabi ko, “sweetheart, hindi tayo talo. umihi lang ang boypren mo, kung ano ano nang ginagawa mo”. lumayo bigla at umuwi na kami after a while. a few weeks later, nabalitaan ko na lang na lumipat na kay pareng vikoy ang gelpren ni bong pogi. tawa ng tawa tuloy si momon. gusto daw atang tuhugin kaming lahat. THE END. actually, marami pa kaming pinag usapan – katulad ng pagtulo ng laway niya na parang gripo habang natutulog sa economics class namin nung 3rd year high school. kung paano naman nabagok ang ulo ko nang tumama ito sa lamesa dahil bigla akong nakatulog sa sobrang kalasingan. pinagusapan din namin yung time na malakas ang nakawan sa school during our senior year kaya tuloy naplilitang magbigay ang aming english teacher na si miss hojilla ng word power excercise kung saan itinuro niya sa amin ang 20 definitions ng pagnanakaw. dito namin natutunan ang mga salitang “purloin“, “filch“, “snatch“, “pilfer“, “shoplift“, “poach” at “pick” na siyang ginagamit pa rin namin hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang tungkol sa nakawan. e.g. “Uy, may na purloin palang bangko sa kalookan last week”. masaya talagang kasama ang mga matagal mo nang kaibigan. sa circle ko – mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila. salamat sa dalaw bong pogi, here’s to 35 years of friendship. hanggang sa muli.