GENTLE READER: dear unkyel batjay, may seryosong tanong po ako at sana makatulong kayo. may proffesor po ko sa isang major subject, soooobrang lakas ng anghit talaga, as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do?
BATJAY: dear gentle reader, mahirap talaga ang magkaroon ng teacher na may putok. mas masahol pa kasi iyan kaysa doon sa teacher na talsik laway. lalo na in your case kasi may anghit na, boses kiki pa. ispiking of putok, mayroon kaming dating tauhan sa pilipinas, ang pangalan niya ay tata. sa sobrang lakas nga ng anghit eh nagtutubig ang mata ko pag lumalapit siya. ang tawag nga namin sa kanya ay tata 45, kasi malakas pa sa kwarenta’y singko ang putok niya. nung nag-aaral pa ako sa malayan colleges, mayron din kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem napuno na ang salop nang nagsisimulang magka nosebleed ang mga classmates ko sa front row. una, sinulatan namin siya anonymously. pangalawa, sinumbong namin siya sa dean. the next day, nagreklamo sa class – bakit daw kailangan pang umabot sa dean ang body odor niya. tapos nagkaroon kami ng mahabang open forum kung saan tinanong niya sa class kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot. pero pagtagal nawala rin ang anghit niya. hindi dahil nasermonan siya ng dean o dahil sa sulat namin. nawala ang putok niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. dito ko napatunayan na mas mabagsik ang pag-ibig kaysa sa tawas. pag inspired ka talaga, mapipilitan kang maligo araw araw.
