gusto kong bigyang pugay ngayon ang aking ninang na si ate sienna. ang ninang ko ang pinaka unang kaibigan namin ni mylabopmayn jet sa pinoy blogging community. nagsimula ito, mga 3 years ago, nang mag search ako ng “tambay” sa google in the hope na makita ko ang site kong nakalista doon… wala. pero naroon ang Pansitan site ng ninang ko. pinuntahan ko at binasa namin ni jet – tawa kami ng tawa sa kabaklaan niya. from then on, we were hooked at nakababad na sa site niya parati. first as lurkers. then pagtagal, di na nakatiis – nag comment na ako. HIMALA! sumagot siya. at may dagdag pang feature ng email namin ni jet sa kanya. isip isip ko, ang bait bait naman ng aleng ito. she takes time to respond to fan mail. from then on, naging kaibigan na namin siya ni jet.
naka feature ang ninang ko sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin simula pa nung lunes. kung may oras kayo eh imbis na mangulangot o magajakol eh puntahan ninyo ito at basahin. i swear (i got more hair), there are blogging tips there that will help you.
