malapit nang matapos ang album ko. may mga ilang kanta akong ni record ngayon kasali rito at ipaparinig ko sa inyo. siguro buwan na lang ang bibilangin at lalabas na ang unang collection na tatawagin kong “Songs from Ma Mon Luk”. nakapag conceptualize na ako ng album cover. iniisip ko eh gagayahin ko si john lennon at yoko ono doon sa kanilang “Two Virgins” na record. pinagawa ko na nga ang album cover sa aking kaibigang designer na si master polo. isa na siya ngayong sikat na artist at in demand ang trabaho niya sa buong mundo. kaya lang medyo malabo na yata ang mata. nilagay niya ang mukha ko doon sa katawan ni yoko ono. para tuloy akong transvestite na may LBM sa litrato. pero initial layout lang naman yan. hemingway, here are the four new songs i’ve recorded. sana ay magustuhan ninyo.
1. HAY BILANGIN MO CHIPMUNK VERSION – ito ay isang classic na kanta nung 1970’s. hindi ko na nga alam kung sino ang may original nito. parati itong kinakanta sa mga tambayan nung araw lalo na pag medyo nakainom na ang barkada. here is my “kinapon” version. PAKINGGAN NINYO.
2. BIRDS – memorable ang kantang ito ni neil young dahil ito parati ang kinakanta ng kuya ko everytime he closes a pinoy rock concert nung araw. his fans know that this is his signature song. tuwing naririnig ko ito, naaalala ko siya. PAKINGGAN NINYO.
3. HOW YOU GONNA SEE ME NOW – in 1979, alice cooper released an LP called “from the inside”. the songs there tell of his struggle with alcoholism. in this song, he’s about to come out of rehab and he’s not sure if his wife will accept him again. ang dami niya kasing atraso at medyo apprehensive siya na papalayasin na siyang tuluyan. PAKINGGAN NINYO.
4. HAY BILANGIN MO REPRISE – ito yung original version ng kanta. walang putol betlog epeks dito – straight forward kanta lang. PAKINGGAN NINYO.


