The easiest kind of relationship is with ten thousand people, the hardest is with one

dear unkyel batjay,

ano po ba ang magandang sabihin pag may nakilala po kayong babae na kursunado ninyo? pag may ipinapakilala po kasi sa akin eh tumitiklop po ako sa hiya. malimit na hindi ko alam kung ano ang sasabihin to break the ice, ika nga. yung lang po at lubos na gumagalang,

gentle reader

Continue reading

Ever has it been that love knows not its own depth

narito na ang mylabopmayn ko sa singapore pagtapos ng humigit kumulang ay mga apat na buwan din naming pagkakalayo. masakit talaga ang mawalay sa mahal mo sa buhay. pero sa isang banda, maigi rin ito dahil nalalaman mo talaga ang halaga ng isang tao pag siya’y wala sa tabi mo (kahit sandali lang as in our case – but it did feel like an eternity). minsan kasi you tend to take for granted, the things that matter the most to you simply because you see them everyday. separation, my dear friends, makes sure you never ever forget. sabi nga ni janice jurado kay johnny wilson doon sa sitcom of my childhood – “johnny baby, what are you taking me for? GRANTED?”

may nakakatawang nangyari sa amin kaninang madaling araw nang sunduin ko si jet – nakarating kami ng bahay from the airport carrying the wrong maleta. siguro dahil na rin sa over excitement namin or sa pagkapagod ko. perhaps both. we ended up going to the airport twice dahil we needed to return the wrong bag and reswitch. kaya pala biglang naging two wheels yung four wheel maleta namin. for a moment there, akala ko na-maligno ang suitcase. pero ok lang. masaya naman kaming nakauwi (ng dalawang beses din siyempre).

Ever has it been that love knows not its own depth until the hour of separation

Do you hear the Slang of Ages ?

WOW SEXY! GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang bastos bastos mo! kung ano-ano ang mga pinag sususulat mo, tapos kung ang dami mo pang mga mahalay na litrato. sira ulo ka talaga.

BATJAY: dear gentle reader, yung kapitbahay namin, mas bastos yon sa akin. paano kasi, nilululon niya parati ang plema niya pag nagki clear siya ng throat. pero enapopdat owlredi… nakabikini ako ngayon kasi mamayang ala una ng madaling araw ang pagdating ng mylabopmayn jet ko galing ng ‘merika. medyo matagal kaming hindi nagkita kaya siyempre – kailangan bagong ligo ako at extra sexy ang costume para pag salubong ko mamaya (kasama ng drum and bugle corps ng mababang paaralan ng saint andrew fields) sa changi airport eh bongga ako, baby. malapit na pala mag alas dose. sige na, magbibihis pa ako para maaga ako sa epot (yan ang english ng singaporean para sa airport at hindi ito ebs, ok?). natataranta tuloy ako. saan ko na nga ba nilagay yung pantalon ko? naalala ko tuloy nangyari sa akin kaninang umaga: muntik na akong lumabas ng bahay ng naka brief lang dahil nag aapura akong pumasok. akala ko, may pantalon na ako. ulyanin. hemingway, alis na ako. babu.

FOR THE HEART IS AN ORGAN OF FIRE

dear gentle reader,

nalaman ko ngayon na hindi pala pwedeng i-demanda ang partner na babae kapag nagse-sex kayo ng patambling tambling at aksidenteng mabagsakan niya ang pototoy mo at ito’y mabali. read on baby…

BOSTON – A woman isn’t legally responsible for injuries her boyfriend suffered while they were having consensual sex more than a decade ago, a state appeals court ruled Monday. The man, identified only as John Doe in court papers, filed suit against the woman in 1997, claiming she was negligent when she suddenly changed positions, landed awkwardly on him and fractured his penis.”

bakit ba ganyan sa ‘merika? lahat na lang pwedeng gawing grounds para magdemanda. kumain ka ng fast food at tumaba, pwede mo nang idemanda ang mcdonalds dahil mataas sa cholesterol ang ham-bur-dyer nila. pero mabalik tayo doon sa mag syota na nag demandahanFRACTURED his penis? ano kaya ginawa nila’t nauwi sa ganon? kailangan pa raw magpaopera para lang maibalik sa dati. sa tingin ko eh naupuan ito at nabaluktot. ARAY, bwakanginangyan, iniisip ko lang nanghihina na ako. pero teka, on sikantot, mukhang exciting ang sex kapag komang ang pototoy mo. isipin mo na lang ang mga acrobatic moves na pwede mong gawin para lamang magkaroon ng penetration. hmmm… kinky. heniwey, ingat ka na lang gentle reader, mahirap mapilayan.

THE MOMENTUM OF MEDIOCRITY

nabalitaan na ba ninyo na may nakawalang jaguar sa singapore zoo recently? oo virginia, yung jaguar na hayup at hindi yung security guard (na tulad nung sa pelikula ni lino brocka starring philip salvadorr). nakawala daw ang malaking pusa doon sa kanyang kulungan at kinailangan pa nilang i-evacuate ang lahat ng mga bisita at isara ang zoo ng mga 30 minutes hanggang sa mahuli ulit nila ito. how bizarre is that? buti na lang walang nakain. ang ganda sana ng headline sa newspaper: “FILIPINO TOURIST EATEN BY HUNGRY JAGUAR“. hehehe. pero two days after that, muntik nang magkatutuo ito. hindi pinoy, pero isang chinese tourist ang nakagat ng serval cat sa animal show ng night safari dito rin sa sinagpore (and not far from the zoo where the jaugar escaped). yung serval cat ay isang pusang haliparot (wild cat) na kasing laki ng aso. kinagat niya yung chinese tourist ng mahigit 2 minutes at kinailangan pa nila itong ipa hospital (yung turista ang na hospital at hindi yung pusa).

ang sabi ng kaibigan ko, parang gumaganti lang daw ang pusa kasi mahilig daw kumain ng mga serval cats ang mga intsik. kaya simula nang incident na iyan ay banned na sila from the night safari (yung mga servil cats ang banned at hindi ang mga chinese tourists).

Trust me when I say I know the pathway to your heart

kung nasa bintan, indonesia kayo nung sabado ng hapon at may nakita kayong isang lalaking tumalon mula sa itaas ng bangka papunta sa beach at sumemplang sa tubig dagat, pagulong gulong pa at tumihaya ang dalawang paang nakaturo sa langit – ako yon.

bwakanginangyan. basa ang cellphone at digital camera ko. ayun, hindi na umaandar pareho.

WHEN THE NIGHT MEETS THE MORNING SUN

GENTLE READER: Dear Unkyel BatJay, ano po ba ang standard sa beauty? attracted ka ba doon sa mga super model na nakikita mo sa Fashion TV na bakat ang mga utong? ok ba sa iyo ang mga artista na lumalabas sa mga noontime show? ayos ba sa iyo ang ganda ng mga commercial model ng close up toothpaste? para sa akin kasi, medyo retokado ang gandang iyon dahil sa make-up at lighting epeks – gusto kong makita muna ang babae sa umaga. yung wala pa talagang make-up! pag nagandahan ako sa babae during this time of the day, talagang maganda sya.

BATJAY: dear gentle reader, kasama rin ba sa beauty test mo ang pag amoy sa hininga ng babae sa umaga right after waking up? naalala ko tuloy yung eksena ni julia roberts at john cusack sa “AMERICA’S SWEETHEARTS” – maghahalikan sana sila sa morning after sleeping together pero nagtakip sila pareho ng bibig. pero kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit amoy imburnal ang hininga niya sa umaga – tatanggapin mo pa rin siya di ba? regaluhan mo na lang siguro ng toothbrush.

Everyone has talent

1. kaya kong itaas ang kanang kilay ko

2. napapagalaw ko rin ang tenga ko

3. kaya ko ring pagalawin ang magkabilang pisngi ng pwet ko pero mas malakas ang galaw ng kaliwang pisngi (siguro dahil left handed ako)

4. pag tulog ako, nagigising ako kasi naririnig ko ang sarili kong humihilik.

5. sa umaga pagkagising, kaya kong gawing korteng tent ang underwear ko.

Everyone has talent. What is rare is the courage to follow the talent to the dark place where it leads