BREAK A HEART OF STONE

i recorded a new song. it’s a cover of alice cooper’s classic “i never cry” which came out in 1976 (from the “alice goes to hell” album). memorable ang kantang ito sa akin dahil ito ang isa mga unang natutunan kong tipahin sa gitara. we used to sing this song a lot sa tambayan namin sa novaliches when i was growing up. ito rin ang kinanta ko nung nag audition ako sa parish choir ng aming simbahan nung 1981. awa naman ng diyos eh nakuha ako – sa “bass” ako napunta pero “soprano” ang inaplayan ko. hehehe.

iniba ko nga pala ang ending. HERE IT IS – sana magustuhan ninyo.

You have a talent for causing things pain!

last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.

Continue reading

You'll be a dentist. You have a talent for causing things pain! Son, be a dentist. People will pay you to be inhumane!

last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.

Continue reading

THE AMBIVALENT CROWD

am-biv-a-lence, noun 1. having two opposing feelings at the same time, or being uncertain about how you feel. 2. simultaneous and contradictory attitudes or feelings toward an object, person, or action.

GAMITIN SA SENTENCE:

naging AMBIVALENT ako kanina dahil bigla akong tinawag ng kalikasan habang may kausap na customer sa exhibition. conflicted ako kasi hindi ko alam kung mananatili akong nakikipag usap o tatakbo papunta sa banyo. in the end, tiniis ko na huwag matae kaya lang, halos nagkanda sakang ako sa pagkakatayo ko. natapilok pa ako sa pagmamadali. buti na lang hindi tumulo.

ang word power na ito ay ay hatid sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE – ang pomada ng mga nag-aahit”.

POPE BATJAY DA PERS

POPE BATJAY DA PERS gusto ko lang pong i-announce na may bago nang pope ang mga demonyito sa mundo – si pope batjay da pers. BWAHAHA. yan ang magiging pope kung nagkatutuo yung “super suspension of disbelief” angels and demons story ni dan brown. kanina nga pala, nagpunta ako sa suntec city for a trade exhibit. may nakasabay na naman ako sa train na may bitbit na “da vinci code”. lalapitan ko sana at ibubulong ko ang ending ng libro. hehehe. kaya lang, baka sapakin ako. nginitian ko na lang at ibinulong na kanya na – “hoy pssst, repeat after me: mary magdalene is the holy grail, mary magdalene is the holy grail“. na bad trip kaya yon? mukhang kakasimula pa lang niya ng pagbabasa eh. ‘nga pala, yung exhibit na pinuntahan ko ay tungkol sa mga drug lords pharmaceutical industry. may dumating nga na customer kanina. eh di kinamayan ko. firm handshake raw, sabi ng daddy ko para sign daw ng confidence. ok na sana eh, kaya lang pagkatapos kong makipag handshake sa kanya, bigla ba namang tumalikod at nangulangot. bwakanginangyan. di ko alam kung matutuwa o maiinis. matutuwa dahil nangulangot siya pagkatapos kong kinamayan. or, maiinis dahil baka kanina pa yon nangungulangot at ginawa lang niyang interlude ang aming handshake. ah, better not dwell on that thought.

KARAGDAGANG BALITA: punta nga pala kayo sa blogkadahan.com site dahil toka ko po ngayon. basahin ninyo ang blog kong pinamagatang “GUSTO KONG MAGING ASTRONAUT NA MARUNONG MAGKULOT NG BUHOK“. sana po ay magustuhan ninyo. mag iwan din kayo ng comment doon para masaya.

IT PUTS THE KETCHUP ON ITS FORESKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN

GENTLE READER: dear unkyel batjay. mayron po akong suliranin na gustong ikwento po sa inyo in the hope na mabibigyan po ninyo ako ng magandang payo. ako po ay isang OFW na naka assign dito po sa isang private zoo ng isang prominent family sa middle east. nagtapos po ako ng veterinary medicine at nag-aalaga ng iba’t ibang mga hayup rito. naiwan po ang asawa ko’t mga anak sa pilipinas kung kaya’t sobrang lungkot po talaga ng buhay ko. ang problema ko po ay tungkol sa sex. napakataas po ng sexual drive ko at minsan nga ay naiisip kong makipagtalik na lang sa mga alaga kong tupa. ano po ang pwede kong gawin para hindi matukso? salamat po sa inyo.

BATJAY: dear gentle reader, mahirap nga yang problema mo. may fetish ka pala sa mga pek pek ng mga sheep. bad yan. ang payong ibibigay ko ay galing pa sa kaibigan ko na isang batikang abogado. ganito raw ang gawin mo: kapag ika’y may malakas na sexual urge, kumuha ka ng ketchup at ipahid mo ito liberally sa pototoy mo. tapos padilaan mo na lang raw ito sa alaga mong aso.

FULLY EXPOSED

BATJAY PORNSTAR nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas – may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan – BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang “BLOG-O-RAMA” article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech…

ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

BLOGKADAHAN IN ANTIPOLO

blogkadahan in antipolo nagkaroon ng salo-salo ang blogkadahan kahapon sa aming munting tahanan sa antipolo. marami namang nagsidatingan. from left to right: batjay, tito rolly, apol, mari, doc emer, soulmate jane, ajay at si mec. dumating ding late si ate sassy lawyer. at nag call in sina cathy, rogue at ang aking mylab opmayn jet. ang saya nga – as usual may kantahan (nagdala ng gitara si tito rolly) at maraming tawanan. at siyempre, ginawa rin namin ang paborito naming gawain pag ganitong may salo-salo: pag-usapan ang mga hindi nagpunta. BWAHAHAHA. maraming pagkain (tuwang tuwa nga si soulmate jane).

Continue reading

ALMA MATER THE SONG OF THE BUILDER

madugo ang friday ko. gising ng 6 am at diretso sa airport after spending a night drinking with former buddies in cebu until 3 am. ok naman ang flight from cebu to manila. kasabay pa namin sa airport ang alaska basketball team – kita ko na naman si jojo lastimosa. hehehe. ay oo nga pala, may minor delay na naman. mayron daw on-board navigational intrumentation na ayaw gumana. isip-isip ko nga kung magloko kaya ang navigation intruments ng eroplano, maliligaw kaya ang pilot? hemingway, i still had a meeting in manila na naka schedule ng friday evening. so, to waste time nagpunta ako sa malayan colleges dati kong alma mater para kumuha ng transcript of records. nakakatawa nga ang exchange namin ng pleasantries sa mga taga roon sa school.

Continue reading

SHOOT TO KILL

isa sa mga masarap kainan sa cebu ang SUTUKIL sa mactan island ng cebu. tulad ng mga tagalog (TAPSILOG, LONGSILOG, etc), may mga acronym din ang mga cebuano sa mga pagkain. ang ibig sabihin ng SUTUKIL ay SUgba (ihaw), TUwa (tinolang isda) at KILaw (kinilaw sa suka). nung araw pa ako nagpupunta rito kaya nagulat ako’t medyo maganda na rito ngayon. mas marami nang kainan at na develop na nang husto ang shrine ni magellan at ni lapu-lapu. yung SUTUKIL place kasi sa mactan ay right beside the actual site kung saan pinatay nina lapu-lapu ang dayuhang si ferdinand magellan (ika nga ni pareng yoyoy eh “in march siktin piptin-handred-tweynteewan, wen pilipin was diskowberd by mahdye-lahn”). medyo mahirap lang nga mag explain ng history sa mga foreigner.

Continue reading