And I see through your brain like I see through the water

GENTLE READER: dear uncle batjay, marunong ka palang mag drawing. ang dami mo talagang mga talents. pareho kayo ng idol mong si Renaissance Girl, ate mona. ano-ano pa ang mga nagagawa mo?

BATJAY: gentle reader, di naman sa pagmamayabang pero marami akong mga special talents. bukod sa pagkain ko ng bubog, butiki at apoy kapag “chine-noo-yir” (ika nga ni ninang ate sienna) – kaya ko ring mangulangot habang nagmamaneho, kumain ng maraming kanin, magkulot ng buhok, pagalawin ang tenga ko, magpalobo ng laway at umutot tuwing alas tres ng hapon, kasabay ng three o’ clock prayer. may isa lang talaga akong hindi kaya eh at ito yung dahilan kung bakit gusto ng kumpare kong maging isang contortionist.

And I see through your brain like I see through the water that runs down my drain

GENTLE READER: dear uncle batjay, marunong ka palang mag drawing. ang dami mo talagang mga talents. pareho kayo ng idol mong si Renaissance Girl, ate mona. ano-ano pa ang mga nagagawa mo?

BATJAY: gentle reader, di naman sa pagmamayabang pero marami akong mga special talents. bukod sa pagkain ko ng bubog, butiki at apoy kapag “chine-noo-yir” (ika nga ni ninang ate sienna) – kaya ko ring mangulangot habang nagmamaneho, kumain ng maraming kanin, magkulot ng buhok, pagalawin ang tenga ko, magpalobo ng laway at umutot tuwing alas tres ng hapon, kasabay ng three o’ clock prayer. may isa lang talaga akong hindi kaya eh at ito yung dahilan kung bakit gusto ng kumpare kong maging isang contortionist.

THE ELASTIC BATMAN

THE

ang elastic batman artwork na gawa ni renaissance batjay ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang gatas na may gata”. sundan ang patuloy na pakikipagsapalaran ng ating super hero sa kanyang malas na buhay dito lamang sa “kwentong tambay, ang tambayan na may gata”.

A BEAUTIFUL MIND

nung nag-aaral pa ako sa college, mayroon kaming isang instructor na talagang borderline baliw. napaka eccentric niya pero beloved in a twisted kind of way ng buong school. he was a legend even then. ang pangalan niya ay si mr. sison. kahit na sinong graduate ng mapua during my time ay dumaan sa kanya, one way or another. binigyan ko nga siya ng tribute sa isa kong entry dahil talagang ang galing niya. basahin ninyo DITO.

sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang teacher na naglalakad sa corridor ng school na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse. na bumababa sa hagdan ng paatras dahil baka raw may tumulak sa kanya. na nagtatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher. pag-tagal siyempre, aalis na yung mga studyante. bigla syang lalabas from under the table at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”. what a character. credit din to my school who ignored his eccentric behaviour and embraced his genius mind with open arms.

Continue reading

ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

ISANG project engineer ako all throughout the 1990’s kaya kung saan saan ako napupunta sa iba’t ibang parte ng pilipinas upang magtayo ng kung ano anong mga planta. maraming mga pagkakataon na ang assignment namin ay nasa bundok. sa katunayan, ang picture na ito ng dalawang shaolin master na engineer na naka kung fu pose ay kinuha sa itaas ng bundok sa bacon, lalawigan ng sorsogon, bicol region. kasama ko ang aking kumpareng si constantino (ang pangalan ng napangasawa niya ay elena, i shit you not. kaya sikat sila pag may mga santacruzan). ang isang problema pag tumira ka sa bundok ay ang pag ligo. minsan naglalakad kami ng malayo sa paghanap ng water source. at malamig ang tubig sa bundok. parang galing refrigerator na halos umurong ang pototoy mo sa lamig.

Continue reading