saturday morning and our first day in LA, nagpunta kami sa redondo beach nina jet at ninang kong si ate sienna para kumain ng parang wala nang bukas makipagkita kay g – ang bagong miyembro ng pansitan na dito rin nakabase. sige na nga, kumain talaga kami na parang wala nang bukas. hehehe. masarap kasi ang seafood sa redondo beach at tangina, umandar na naman ang seefood diet ko (ie, when i see food, i order it). apat lang kaming kumain pero good for fifteen ata ang kinuha namin. mayroon kaming lobster, pritong tilapia, shrimps, lobster, sashimi, oysters, lobster, chips, rice, katakut takot na sauce at nabanggit ko na ba na may lobster? hehe. ang tangkad pala ni g, mestisahin at ang galing pang mag english. BWAHAHAHA. siyempre dito na siya pinanganak eh. nabulol tuloy ako sa pagsalita dahil kung saan saan ko hinanap ang english ko. parang lumabas tuloy ang cebuano-kapampangan english accent ko pag nagsasalita. pero sa tutuo lang, the redondo beach lunch was the best meal i had since arriving here. sariwa ang sea food doon at reasonable ang price. at ang pinaka importante sa lahat ay kasama kong kumain doon ay mga tunay na tao – magaganda, mababait at napakalakas kumain. BWAHAHAHA. salamat g (thanks for the gifts as well) and ate sienna for taking us around redondo beach. jet and i had a blast!