PROTECTION PARA SA SIRAULO

Helmet para sa Sira Ulong Malaki. CLICK to enlarge and find out kung talagang duling ako bumili ako ng helmet doon sa paborito kong bike shop. kahit medyo mahal ay binili ko na rin. iniisip ko eh since i only have one head, mas mabuti nang mag invest ako sa equipment na mag po-protekta rito. sira na nga ulo ko, sisirain ko pa. pero teka lang… kung sira nang ulo ko ngayon tapos ay mabagok ako, dapat titino ako di ba? negative taymis negative equals positive. hekshuli, dalawa ang ulo ko kaya lang yung isa ay maliit lang at hindi nag-iisip. at saka hindi helmet ang protection doon – condom. heniwey, “limar” ang brand at pusha, fhusya, pusia, fushiah kulay pula siya. binili ko nga rin pala ng helmet ang asawa ko. this is also for my protection. baka kasi siya mauntog, magising sa katotohanan at iwanan ako.

It’s Not Easy Being Green

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba sa tagalog ang “Horny Toad“? kailangan po ng anak ko para sa science homework niya. maraming salamat po in advance.

BATJAY: dear gentle reader, pati ba ba naman anak mo eh ginagamit mo sa katarantaduhan. mahiya ka naman. pero sige, sasagutin ko ang tanong mo. ano ang “horny toad“? eto mamili ka: A. malaking palakang may sungay, B. malaking palakang malibog, C. malaking palakang hindi marunong magpatawa, or D. malaking butiking may sungay na mukhang palaka sa malayo. o, ano sa tingin mo ang tamang sagot, gentle reader?

GENTLE READER: malaking palakang hindi marunong magpatawa? corny toad po yon!

BATJAY: i rest my case.

It's Not Easy Being Green

Ang mga Predictions ng Manghuhulang Bano

Madam BatJay, Ang Manghuhulang Bano magandang araw po sa inyo mga kababayan. muli na naman po tayong makikinig sa mga predictions para sa bagong taong 2005 ni Madam BatJay, ang manghuhulang bano. ang mistika na nag predict na magkakaroon ng presidenteng sakang at unano ang pilipinas. ang mga predictions na ito ay handog sa inyo ng “black jack shoktong, ang inumin ng mga manghuhula“. walang kokontra… heto na po ang mga hula niya:

PREDICTION NO. 1: “may isang artistang babaeng anak ng ex-president na magkakatulo dahil mahahawa siya sa boyfriend niyang ex-mayor na mahilig makipagtalik sa mga pokpok na parating nagkakamot ng singit“. GENTLE READER: si kris aquino po ba ang tinutukoy ninyo madam batjay? nangyari na po yan last year eh! MADAM BATJAY: o tignan mo, eh di naniwala ka na sa kapangyarihan ko? lahat ng sinasabi ko ay nagkakatotoo!

But night comes and starts to sing to me. The moon turns its clockwork dream.

kakadating lang dito sa singapore ngayong gabi. opo mga brader and sister, tapos nang maliligayang araw at panibagong taon na naman ng pagpapakaputa para may maipon na namang pera upang makauwi. cyclic lang naman yan – trabaho… gastos, bakasyon, pasyal. trabaho… gastos, bakasyon, pasyal. parang gulong ng palad. kung mahilig kang magjakol – gulong ng mariang palad. BWAHAHAHA. speaking of gulong: muntik na akong magulungan ng truck ngayong gabi. nag bisikleta kasi ako agad dahil kailangan kong bayaran ang phone bill sa 7-11. after spending 2 and a half weeks in manila, nalito ako sa kalye at nagbisileta on the wrong side of the road. tamang tama naman at paparating ang maliit na truck, head on sa beauty ko. nagkatinginan kami ng driver bago ako nag change lane. nakangiting demonyo. sasagasaan ata akong talaga ng kupal na yon.

Continue reading

I’M SO HAPPY I CAN’T STOP CRYING

alam mo ba yung pakiramdam na talagang compatible kayo ng partner mo? ito yung pakiramdam mo pagkatapos ng nakakatirik matang sex. in a way, ito rin ang naramdaman ko kagabi ng makasama ko ang mga kaibigang bloggers for dinner and coffee. hindi naman ako nakipag sex sa kanila. ganoon lang yung feeling na naramdaman ko – yung feeling na ang mga kasama mo ay kapareho mo ng frequency at walang masamang pwedeng mangyari sa gabi ng inyong pagtatagpo. from left to right: tanyaloca, toni and husband, mari, tito rolly, bongK, dindin, doc emer and soulmate jane at ang mylabopmayn na si jet. puntahan ninyo ang mga site nila and discover how cool, intelligent and funny these people are. let me put it this way… ok lang sa akin kung mapunta ako sa impyerno basta kasama ko sila roon. alam ko kasi mageenjoy pa rin ako.

SAMAHAN NG MGA MATUTULIS... I-CLICK ANG LITRATO PARA SA MAS MALAKING BERSION

I'M SO HAPPY I CAN'T STOP CRYING

DAYS, ALL ONE KIND, GO CHASING EACH OTHER

BATJAY And TJ: parang nakakaloko ang ngiti ko rito. marahil naalala ko pa yung lalaking nakalulon ng pito nung bagong taon. nag family christmas party kami ngayong gabi. celebration na rin ito dahil ok ang heart operation ng kapatid ko. nakalabas na siya sa hospital nung 31st at nag spend ng new year sa bahay. siyempre di pwedeng walang kantahan sa party ng mga david kaya nagbida ulit ang apo kong si TJ… “christmas in our hearts” ulit for the 100th time. meanwhile, may kaunting downtime pa rin sa site ko. naglipat ako ng server. simula kahapon ay busy si yuga sa pag transfer ng mga files ko sa PLOGHOST, kaya huwag kayong magtaka kung medyo bungi pa ang nakikita ninyo rito kasi mahigit 500 MB ang ililipat.

Continue reading

PRRRRRRRRRRRRRRT, HAPPY NEW YEAR!

ang balitang nagpatigil sa aming lahat na kumakain ng medya noche ay iyong tungkol sa isang dinala sa hospital dahil nakalulon ng pito.

PITO!?!

packingsheet, kundi ba naman gago… hindi naputukan, hindi naputulan ng daliri o natanggalan ng kamay kundi nakalulon ng pito. nagulat ba siya sa paputok at biglang napalunok habang pumipito? kahit anong pag-imagine ang gawin ko, di ko maisip kung papaano makakalulon ang isang tao ng pito. BWAHAHAHA. sana huwag na nilang tanggalin para kakaiba ang maging tunog ng utot niya. maraming salamat sa channel 2 sa pagbalita nito – muntik na rin akong itakbo sa hospital dahil nabulunan ako sa kakatawa.