ngayon ang sixth month anniversary ng paghinto ko ng paninigarillo. i had my last stick, the day i entered the hostpital for an appendectomy (i had a ruptured appendix and i almost died, the doctor dramatically said). siguro daw dahil sa sobrang ginamit na anaesthesia kaya ganito ako karetarded. bilang celebration sa aking 6th smoke free month ay bumili ako ng isang kahang winston nag lunch kami sa labas ng mga kaopisina ko. kumain kami ng masarap na chicken rice sa dover road (sikat ito sa singapore). presko rito dahil malakas ang hangin at sa ilalim ka ng malalaking acacia nakaupo. medyo minalas nga lang ako dahil nataihan ng ibon ang kamay ko. tanginangyan. buti na lang tapos na akong kumain, kundi baka kung ano pang kahihiyan ang nangyari. wala namang nakapansin kaya dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinunasan ko ng bimpo. iniisip ko na lang, sign ito from heaven. sana lalo akong swertehin dahil dito. taya kaya ako sa lotto?
Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman
29