SHARING THE THINGS WE KNOW AND LOVE, WITH THOSE OF MY KIND – LIBATIONS, SENSATIONS THAT STAGGER THE MIND

KASALUKUYANG BINABASA: “the rule of four” nina ian caldwell at dustin thomason. excited akong basahin ito dahil isa na namang secret sect and ancient code story in the tradition of the “da vinci code“. pero according to some of the reviews, it would be a disservice to the authors if you simply compare this new book with the work of dan brown. hekshuli, nabasa ko na ang first chapter and if this is the basis of a comparison between the da vinci code and this book, i would say that “the rule of four” is much better written. sana hindi ako ma disappoint sa huli. ang hula ko eh mamamatay lahat ng mga bida in the end. hehe.

KASALUKUYANG NILALARO: “ang toto ko” – pero minsan-minsan lang (parang si kevin spacey sa “american beauty“). hehehehehehe. seriously – it’s “Tiger Woods PGA Tour 2005 for the Xbox“. ang isang gusto ko rito ay ang “game face” feature kung saan pwede mong i-customize ang hitsura ng player para maging kamukha mo. weird nga ang pakiramdam when you see a replica of yourself inside the game. parang absurd “out of body” experience. di pa ako nakaka hole in one pero ang dami ko nang natalong mga professionals at marami nang mga endorsements. feeling ko nga, playing professional na ako, kahit sa Xbox lang.

Continue reading

(BATJAY)

parehong pareho ang suot namin ng kasabay kong sumakay ng train kaninang umaga. red long sleeves at brown pants (or is it green?). mylab, ano na nga ba ang kulay ng pantalon ko ngayon? pasensya na kayo, ako po ay partially color blind and i have trouble with shades of red and green. si jet nga ang aking guide sa color combination – lalo na sa damit. minsan kasi, gusto kong i-match yung orange na t-shirt sa pink-reddish na shorts. baduy, alam ko. kaya, the next time na makita ninyo ako at kulay pula ang medyas ko, huwag nyo na lang pansinin. nag digress na naman. asan na ba ako? ah, ok…

Continue reading

LET YOUR EYES SPARKLE AND SHINE, NEVER A TEAR, BABY OF MINE

si tj, nagpapakyut sa punta fuego matagal ko na siyang di naikwento pero eto na si tj ngayon. she just turned 4 years old at super cute pa rin. tj is my apo. anak siya ni donna na anak ni gigi na anak ni angela na mommy ko. di makapaghintay makapag-aral kung kaya’t pinasok na namin siya sa isang nursery school malapit sa bahay namin sa novaliches. ang balita ko eh na accelerate siya dahil sa kanyang super katalinuhan na namana niya sa kanyang favorite kyut na tito batjay (ahem, dasme). daig pa niya si sofia coppola sa kanyang rendition ng pambansang awit. panoorin ninyo ang video ng pagkanta ni tj ng “bayang magiliw” – CLICK HERE. medyo mabagal kung walang high speed connection kaya mangulangot ka na lang habang naghihintay.

IT WAS MANY AND MANY A YEAR AGO, IN A KINGDOM BY THE SEA, THAT A MAIDEN THERE LIVED WHOM YOU MAY KNOW

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.