WE ARE CRUISING FOR BRUISING MY BABY

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilib naman ako sa yo’t ang lupit mong mamisikleta. grabe, baka ma-dethrone mo si lance armstrong niyan.

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, si lance ba yung kapatid ni steve na leader ng voltes V? MWA-HAW-HAW (TV corny joke canned laughter). di naman siguro lance armstrong. ikaw naman gentle reader. muntik na nga akong mahimatay doon sa taas ng flyover dahil sa sobrang tarik ng pagakyat, puro ka pa diyan lance armstrong. pero sa tutuo lang, ngayon ko lang na appreciate ang mga nagawa ni lance armstrong sa tour de france. kaya pala nabighani si sheryl crow sa kanya kahit isa na lang ang betlog niya. ang galing ni lance to get over cancer like he did. meyknomisteyk, idol ko siya.

Continue reading

JINGLE ALL THE WAY

nakakagaling daw ng sakit ang pag inom ng isang cup ng ihi everyday. well, yan ay ayon sa mga thai. di ko alam kung ano ang logic behind it, pero eto raw ay centuries old traditional remedy para sa balakubak. hehehe. i shit you not, this is a true story. siguro, eto rin ang dahilan kung bakit walang kasing sarap ang paborito kong “tom yum”.

para naman sa akin ay magpapakalbo na lang ako kaysa uminom ng isang basong ihi araw-araw. una dahil ayokong mapanghe ang amoy ng bibig ko. pardermor, naniniwala ako sa dalawang basic truth (na dapat ay kasali sa 10 commandments ni noah). ang una ay: “what comes in must come out“. ang ikalawa ay: “what comes out must stay out“.

MARY PALMER IN TAGALOG IS MARIANG PALAD

TANONG: dear unkyel batjay, bagong kasal po ako. dahil po sa hirap ng buhay ay nag decide akong mag abroad. kailangan po namin ng pera pambili ng bahay at para rin po sa kinabukasan ng aming magiging anak. sinubukan ko po talagang lahat ng dapat gawin para mabuhay sa pilipinas ngunit di po talaga namin mapagkasya ang maliit kong kita. nagkanda utang na nga kami dahil parating short. aalis na po ako bukas at ang masakit po niyan ay maiiwan po sa pilipinas ang misis ko. ano po ang mabuti kong gawin?

SAGOT: “magbaon ka ng maraming lotion para hindi kalyuhin yang kamay mo.”

NOW HERE I GO AGAIN, I SEE THE CRYSTAL VISIONS

mayron akong recurring dream lately tungkol sa paninigarillo. sa panaginip ko, nakaupo ako sa isang tabi, kakatapos lang kumain at enjoy na enjoy sa kakahitit. siguro, it’s my subconscious working overtime on my craving. i haven’t had a smoke since may 30. ako’y proud diyan sa record ko at pakiramdam ko, napaka healthy ko nang talaga. but i really do miss it. all things considered though, ok na rin ngayon. at least, mayron pa rin akong paraan para makapanigarillo – kahit sa panaginip lang.

Continue reading