wala pong problema ang mga monitor ninyo mga braderensister. at hindi po tutuo ang tsismis na naging kulay itim ang boobs ko. hindi rin po yan eccentric na chupon ng dede ng mga satanista. hindi rin ito black eye (paano naman magkakaroon ng black eye ang suso?). eto na siya, ladies ang gentlemen, ang version 2.0 ng aking “EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG“. maraming mga enhancements ang version 2.0 – una, presentable na siya. pwede na itong gamitin ng mga tulad kong sexy macho dancer sa pagsayaw sa entablado. ikalawa, may mga hook siya na pwedeng lagyan ng lubid para sa pag execute ng mga kinky sex moves (pwede ring sabitan ng mga pinamili sa palengke). ikatlo, yung tassle po na burloloy ay pwedeng gawing pambugaw sa langaw. en paynali mga kababayan – mali rin po ang tsismis na ito ang pantakip ng utong ang ginamit ng serial killer na si jame “buffalo bill” gumb doon sa pelikulang “silence of the lambs“.
Continue reading
Monthly Archives: September 2004
SEE HOW THEY RUN LIKE PIGS FROM A GUN
teka lang, taympers. may naalala kasi akong importanteng payo tungkol sa humility and forgiveness. this is in the tradition with the “love your enemy“ philosophy at passive resistance techniques ni mahatma gandhi. eto ang payo: kung mayron ka raw kaaway ay magpakababa ka – humble yourself, scratch your betlog, apologize and shake the hand of your now ex-enemy profusely. i bet, there’s no apology as satisfying as this. ayan mga braderensister, isa na namang libreng tip tungkol sa kababuyan ang natutunan ninyo sa akin. next time, sisingilin ko na kayo.
Continue reading
LAUGHING LIKE CHILDREN, LIVING LIKE LOVERS, ROLLING LIKE THUNDER UNDER THE COVERS
ngayon ang ikatlong anibersaryo ng blog ko. tatlong taon na pala. parang kailan lang ay para akong tatanga-tangang bagong salta rito sa singapore. ngayon ay umasenso na ako: tatanga-tanga na lang at hindi na bagong salta. sobra kasi ang lungkot ko during my first two months at sinimulan ko ang blog na ito para gawing outlet. bilang celebration (of sorts), nagpunta kami ni jet sa bintan island during the weekend. kasama namin sina leah at eder (maraming salamat sa inyo ulit. it was a special weekend). naku! napakasaya. dahil sikat sina leah sa bintan, kung ano anong mga upgrade ang nakuha namin. por eksampol, binigyan nila kami ng sariling three bedroom villa near the beach. at saka… ang daming itlog doon. prinito, nilaga at oo virginia – mayron ding may pulbos. naka dalawang sunny side ata ako at saka isang napakalaking omelette during breakfast. egg heaven, i tell you. CLICK HERE to view the web album. makikita ninyo ang utong ko sa mga litrato kaya huwag ninyo akong isumbong sa MMDA.
GASPING AT GLIMPSES OF GENTLE TRUE SPIRIT, HE RUNS, WISHING HE COULD FLY
SABI SA BALITA: “may fine daw na P500 pag nakita kang shirtless in public sa metro manila“. sabi ni MMDA chairman bayani fernando: “sign of decay in moral and cultural values” daw ito. decay in moral values? putangina, what is he trying to exit (in madertang: “ano ang gusto niyang palabasin”) by saying this? pero, patay tayo diyan pag na enforce ito, dahil ang hilig ko pa namang maglakad ng naka hubad sa mundong ibabaw. uuwi ako sa end of the month, kaya nag imbento ako ng damit na pwedeng isuot sa maynila para hindi makotongan mahuli. ayan, tingnan ninyo sa picture (click to enlarge). ang tawag ko riyan sa aking imbensyon ay “THE EMERGENCY SUPER DUPER PANTAKIP NG UTONG”. simple lang ang material – scotch tape at papel na dilaw. o, teka lang. huwag nyong masyadong tingnan yung boobs ko, baka ma arouse kayo niyan.
I AM HE AS YOU ARE HE AS YOU ARE ME AND WE ARE ALL TOGETHER (YET ANOTHER EGGLESS IN SINGAPORE STORY)
TANONG: dear unkyel batjay, di po ba “KINAKAMOT” ang tamang sagot kung may nag tanong sa iyo kung “ano po gusto nyo sa itlog nyo?” MWAHAHA!
SAGOT: dear gentle reader, medyo mag-ingat ka lang. pag kinamot kasi yung itlog, magiging itlog na maalat yon. bwahaha! pinaalala mo tuloy – wala pa ring regular supply ng itlog dito sa singapore. BWAKANGINANGYAN. pero teka: napaka uncomfortable talaga pag sinumpong ka ng kati sa betlog kaya huwag ninyo itong ismolin. lalo na kung ikaw ay nasa gitna ng maraming tao. talagang pagpapawisan ka ng malamig. you’re at a crossroads and must decide fast. do i scratch my balls or ignore the itch? magpapasimple ba akong magkamot na kunwari ay dumudukot ng barya sa bulsa? ikakaskas ko ba sa lamesa na kunwari ay sumasandal? gagayahin ko ba ang mga bumbay who blatantly scratch their balls in public? yan ang mga day to day issues na kinahaharap naming mga kalalakihan. it’s really tough, but a man’s got to do what a man’s got to do. anyway, in conclusion gentle reader, the next time you see some guy with his hands in his pockets on a hot and humid day – be afraid. be very afraid.
IT’S ALL ABOUT JOY THAT COMES OUT OF SORROW. IT’S ALL ABOUT SOUL
isa sa mga pangarap ni boss idol kaibigan kong si dengcoy miel ay lagyan ng kaunting ‘intellectual stimulation’ ang cartoons ng pilipinas. kung nabasa na ninyo ang comic strip niya sa philippine star, makikita ninyo na mayrong laman ang kanyang gawa (‘substance besides form’ as he’d always like to call it). kung kaya, bukod sa humor na parating kasali ng kanyang artwork, you will also notice an inherent intelligence. at dito sa McBayan, dengcoy has shown how an intelligent strip could look like. basahin ninyo ito sa comic section ng philippine star and enjoy the work of a true pinoy artist. nasa 2nd month na ang strip at ang star of the show ngayon ay isang pusa na nagtatago sa pangalang SPIDERMANX (isang spoof ng spiderman). masaya talaga ang mundo ng idol ko kaya masarap basahin. click na sa pic to enlarge, para masampolan ang gawa niya.
IT'S ALL ABOUT JOY THAT COMES OUT OF SORROW. IT'S ALL ABOUT SOUL
isa sa mga pangarap ni boss idol kaibigan kong si dengcoy miel ay lagyan ng kaunting ‘intellectual stimulation’ ang cartoons ng pilipinas. kung nabasa na ninyo ang comic strip niya sa philippine star, makikita ninyo na mayrong laman ang kanyang gawa (‘substance besides form’ as he’d always like to call it). kung kaya, bukod sa humor na parating kasali ng kanyang artwork, you will also notice an inherent intelligence. at dito sa McBayan, dengcoy has shown how an intelligent strip could look like. basahin ninyo ito sa comic section ng philippine star and enjoy the work of a true pinoy artist. nasa 2nd month na ang strip at ang star of the show ngayon ay isang pusa na nagtatago sa pangalang SPIDERMANX (isang spoof ng spiderman). masaya talaga ang mundo ng idol ko kaya masarap basahin. click na sa pic to enlarge, para masampolan ang gawa niya.
SOUNDS OF LAUGHTER SHADES OF EARTH ARE RINGING THROUGH MY OPEN VIEWS INVITING AND INCITING ME
isang beses ko pa lang siyang nakita pero alam ko na agad that he has a kind hearted soul. nakakatawa ang una naming pagkikita dahil ito yung time na ako’y naospital. medyo nahihiya nga akong humarap nung time na yon, kasi hindi pa ako nag toothbrush. hehe. sa mga online kaibigan sa pilipinas, siya lang ang dumalaw sakin – and for that, i am eternally grateful. very private kami ni jet which is why we value friendship so much. perhaps even more than people with many friends. and these gestures, like making my website template or visiting a sick friend – they mean a lot to us.
HAPPY BIRTHDAY TITO ROLLY! di ko alam kung ano ang ibibigay sa iyong regalo sir. nag-iisip ako kung isang banig na viagra or isang sakong korean bug. hehe, biro lang – alam ko namang tumatayo pa yan. hiling ko sa iyo ay mas maligayang buhay, good health at patuloy na pagdami ng mga taong katulad mo sa mundo.
SIR, ANONG GUSTO NYO SA ITLOG NYO? NILAGA? PRINITO? O MAY PULBOS?
alleluiah, dear braderensister. ayon sa aking computation (based on the facts, which cannot be denied). by the power of grayskull, today is my 100th day na hindi nanigarillo. patawarin nyo na ang pagyayabang ko. i have been a smoker for more than 20 years and pakingsheet i am so proud of da pak na nakahinto ako. through sheer guts and determination (not to mention da help of a beriberi labli en byutipul wife), i have stopped. kaya isuot na natin ang ating mga maingay na amerikana at iwagayway na po natin ang ating mga puting bimpo, braderensister, at sabay sabay nating isigaw – SEKSI!
ONE WAY SUNDAY
nag swimming kami kanina sa condo nina regina sabay dinner na rin. ulam namin ay yung niluto ni eder (ang papa ni leah) na sinigang na baboy. tapos, bumili rin kami ng apat na spring chicken (oo virginia, tumatalon na manok. bwahaha). enjoy kami ni jet. nakita ko na naman si leah na nag synchronize swimming mag-isa (pardon da oxymoron) at tawang-tawa na naman kami. nakakatawa, kasi kuhang kuha niya ang facial expression ng mga synchronized swimmers. nung nakita ko nga ito for the first time, mayrong isang chinese kaming kasama sa pool. pigil siya ng pigil ng kakatawa. nakita ko nga parang bumubula yung tubig doon sa tabi ng intsik. siguro nautot sa kakapigil ng tawa.
