AUGUST 9, 2004: importante ang araw na ito para sa lahat ng mga singaporeans. ngayon kasi ang opening night ng singapore idol! bwahaha. AKSHULI, ang tutuong dahilan kung bakit importante eh dahil ngayon din kasi ang national day ng singapore. wala kasi silang history ng pag aaklas from a foreign power kaya “national day” at hindi “independence day” tulad ng sa atin. matanda lang pala ang singapore sa akin ng mahigit apat na buwan. 39 years na siya today. magaling talaga ang mga pinanganak ng 1965 (year op da snik): tulad ko, mga over achieving prick. well, more like laid back over achieving prick. meron bang ganoon?
Monthly Archives: August 2004
JIMMY CORRIGAN, THE SMARTEST BOY ON EARTH
lahat ng perang pambili ko supposedly ng sigarillo ay napunta na ngayon sa pambili ng libro, DVD at CD. sa isang banda ok na rin. healthy na, enjoy pa. dito sa singapore, makukuha mo halos lahat ng mga gusto mong books, film and music. unless may “pornography” at topics na against the government. hehe. may censorship pa rin. pero maraming mga loophole para macircumvent mo ang mga censors. pinakasikat dito ang mga online stores tulad ng “amazon.com”. pag di available ang mga gusto ko, dito ako kadalasan bumibili.
matagal na rin pala akong di nagkukwento ng mga latest books, films and music na bagong sali sa collection namin. eto ang catalog, baka gusto ninyong subukan…
Dulce et decorum est Pro patria mori
ang paborito kong meal of the week… saturday brunch. ako kasi ang nagluluto pag sabado ng umaga at nakakapag experimento ako sa mga cooking ng ina ko. siyempre kung cooking ng ina ko eh, cooking ng ina nyo rin. ngayong umaga, gumawa ako ng “tortang patatas”. specialty ito ng mommy ko at regular fare namin sa bahay simula pagkabata hanggang tubuan ako ng pubic hair. nilagyan ko lang ng kaunting singapore twist by adding “black sweet and thick soya sauce“. tapos kasama netong torta ay fried bacon, with my ispesyal “tomato with extra virgin (tulad ko nung araw) olive oil“. pakingsheet ang sarap.
LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU’RE BUSY MAKING OTHER PLANS
ngayon ang ikatlong taong anibersaryo ng pagdating ko sa singapore bilang isang alipin OFW. bilang pagpaparangal sa araw na ito, hayaan ninyong aliwin ko kayo sa pamamagitan ng pagsasayaw ng nakahubo isang collage na pagsasalarawan ng aking buhay itong nakaraang 3 taon. panoorin nyo na lang… scroll down a bit and look at the right hand corner of your screens. it’s been a great 3 years. thank you mylabopmayn for joining me in this journey. it wouldn’t have been this great without you.
LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU'RE BUSY MAKING OTHER PLANS
ngayon ang ikatlong taong anibersaryo ng pagdating ko sa singapore bilang isang alipin OFW. bilang pagpaparangal sa araw na ito, hayaan ninyong aliwin ko kayo sa pamamagitan ng pagsasayaw ng nakahubo isang collage na pagsasalarawan ng aking buhay itong nakaraang 3 taon. panoorin nyo na lang… scroll down a bit and look at the right hand corner of your screens. it’s been a great 3 years. thank you mylabopmayn for joining me in this journey. it wouldn’t have been this great without you.
A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND
dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!”
THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR
dear uncle batjay,
kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?
nagmamahal,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…
THE SANDMAN SAYS MAYBE HE’LL TAKE YOU ABOVE
simula august 1, 2004 ay nakapaskil na sa lahat ng kaha ng mga sigarillo dito sa singapore ang iba’t ibang graphic pictures ng masamang epekto ng smoking. talaga namang nakakabagabag ng puso. yung kuha ko rito ay isang still born baby na agaw buhay. part ito ng shock campaign ng gobyerno para patigilin na ang population na manigarillo. buti nga. pero ewan ko kung effective ang bagong campaign na ito. sabi ng mga kausap kong smokers, wala rin daw effect. gumanda pa nga raw ang kaha dahil nagkaroon ng picture. hehe. mga ulul. huminto na kasi kayo eh.
THE SANDMAN SAYS MAYBE HE'LL TAKE YOU ABOVE

CONFESSIONS OF A DANGEROUS MIND
muli na naman tayong magbalik-tanaw sa true confessions ng mga baliw. ito’y bahagi ng ating radio drama series na pinamagatang “true confessions of a dangerous mind”:
sabi ng kaibigan kong si ting: “kung kaya lang daw niyang chupain ang sarili niya, hindi na niya kailangan pang mag-asawa“. bago nga siya ikinasal ay nag-aral muna siyang maging isang contortionist.
THE END. ang “true confessions” na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit”.