WHERE EVERYBODY KNOWS YOUR NAME

CLICK TO ENLARGE. sina tin at ronald, ang aming mga bagong kaibigan sa singapore. nakasama namin silang nag dinner last saturday.

gusto kong i-feature ang mga kaibigan naming pinoy rito sa singapore na may mga websites. nag kita-kita kami 2 sabados ago at karamihan sa kanila ay nasa dalawang photo na iyan. sina christine at ronald, ang aming mga bagong kaibigan at nakasama namin silang nag dinner. puntahan niyo ang site ni tin na “My World.. My Life” para ma explore ninyo ang bago niyang buhay bilang temporary homemaker.

CLICK TO ENLARGE. birthday rin ni nona kaya nagkita kita ang mga ibang pinoy sa singapore. great party pero di ako makainom kaya nasa isang tabi lang ako. hehe

birthday rin ni nona and she hosted a great party pero di ako makainom, kaya nasa isang tabi lang ako. hehe. naroon ang sweet na mag partner na sina reggie at si sexy cherrie. siyempre, naroon din sina leah at eder. matagal na kaming di nagkikita pero, si world famous boss idol dengcoy miel ay dito rin nakabase sa singapore. abangan ninyo ang kanyang bagong cartoon strip sa philippine star this july.

si donita rose din ay dito nakabase sa singapore. pero hindi ko siya kaibigan at di ko alam kung may website siya. nakita namin siya a few months ago, buntis na buntis. sobra nga ang laki nga ng tiyan niya, akala mo puputok na. nahihiya ako, pero itatanong ko sana kung virgin pa siya. hehe.

ROUND LIKE A CIRCLE IN A SPIRAL, LIKE A WHEEL WITHIN A WHEEL

binibilog bilog,
tingin sa daliri
binibilog bilog
punas sa t-shirt
binibilog bilog
subo sa bibig

paglalarawan ng kaharap ko sa train kaninang umaga. isang pasaherong walang patid na nangungulangot simula pagsakay hanggang pagbaba. gusto kong kutusan ang kupal na iyon dahil muntik na akong maduwal. naalala ko tuloy yung linya ng isang paboritong pink floyd song… “ticking away the moments that make up a dull day, you fritter and waste the hours in an offhand way“. that’s exactly what the kulangot guy was doing.

SATURN IS RIGHT BEFORE YOUR ANUS

kung nasa bahay kayo, open your TV sets, pumunta sa national geographic channel (9:30-12:30 GMT+8) at panoorin ang pagdating ni cassini. pagtapos ng pitong taon na space travel, the space craft “CASSINI-HUYGENS” will be inserted into the ringed planet saturn. very tricky nga yung orbit insertion dahil papasok yung space craft sa pagitan ng saturn at ng kanyang mga rings (tapos through the gap in the rings itself). if you’re online and at work, pwede kayong sumilip sa “live webcast”. huwag lang kayong papahuli sa bossing niyo at baka magkaroon naman kayo ng ring around your necks.

kaunti lang ang pinagpapasalamat natin sa mga amerikano lately dahil sa mga kagaguhan ng foreign policy ni dubya and company. but this is one time na ok ang mga kano. this euro-american mission will last for four years (maybe more). in that time, it will bring discoveries that will make us richer as a species. our children will dream and wonder again and perhaps look to a future that is beyond war and poverty and all that crap.

iniisip ko nga, kung nilaan na lang ni dubya sa space exploration ang 87 Billion fucking dollars na ginastos niya sa iraq, baka malayo pa ang narating ng gobyerno niya in terms of goodwill. pwede rin perhaps para sa aids research, or for poverty and third world debt. do you know what $87 billion buys? click here and find out weep.