THE SECOND CHILDHOOD CLUB

SPIDEMAN-SG-08

MGA ANNOUNCEMENT: abangan nyo this week sa “Where in the world is Spiderman?” – guest puppets natin ang boxing doll ko na si george “dubya” bush at ang stoic statue ni batman. kung na tu-turn on kayo sa twisted humor ko and you want more, bisitahin din ninyo ang mga kapatid ko sa “2nd childhood club” na sina Cathy with her “Spiderman VS Garfield” at si Jop with her “lord of the ring dolls cooking adobo”. punta kayo at tiyak na ikakatuwa ninyo. nung una kong ngang binasa eh muntik na akong mabuwal sa silya sa kakatawa.

highly recommended naman para sa mga para sa mga medical practitioners at sa mga mahilig sa magandang storya: my wife jet’s “My Life… A Cup of Deja Brew”. read her great four part story on “the appendectomy of batjay”.
Continue reading

BEFORE: COOKING NG INA MO…

COOKING NG INA MO... weekend ngayon, ako ang nagluto ng brunch. hinanda ko ang paborito ni jet na ulam lately… pritong baboy (extra crispy), pritong itlog na sunny side, ginisang toge and my special suka, toyo, bawang, sibuyas at sili na sawsawan. niluluto ko nga kanina, nag hunger pangs na ako dahil ang bango bango. pwede na akong magtayo ng karinderyang karaoke. yehey, ayos ba ate sassy? pwede na rin akong gumawa ng cooking blog – “the prodigal chef“.

AFTER: COOKING NG INA MO RIN…

COOKING NG INA MO RIN... kita nyo naman – hehehe. kalahati ang simot sa baboy. ubos ang toge at itlog at busog na busog kami. dahil dalawa lang kami sa bahay, malamang ay ulam namin ito hanggang bukas ng umaga. ngyahaha. ang sarap ng luto ko. simple lang pero rock. marunong na akong magluto besides the fact na magaling akong umutot at mangulangot. pwede na siguro akong maging renaissance boy.

THE BLUE BUS IS CALLING US

na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun – sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.

Continue reading

NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD

pumasok na yung technical support engineer namin ngayon after three weeks. may mini salbabida ngang dala-dala. inoperahan kasi sa pwet at hindi makaupo ng diretso kung wala yung kanyang “lifesaver”. ang sabi niya sa akin, may cyst daw na tinanggal kaya kinailangan ng surgery. bull shit! sabi ko, in my country, we call that “PIGSA“.

packingsheet. three weeks para makarecover sa pigsa? PIGSA! pwet niyang blue. unfair yan kabayan. samantalang ako, two weeks lang pumasok na after a ruptured appendix. bwakanginangyan talaga. umiinit ang ulo ko. sana pala, nag 4 week vacation na lang kami ni jet sa pilipinas imbes na nagpilit bumalik agad sa singapore at pumasok. ayan kasi gustong magpaka bayani, pwede naman palang long term medical leave. gago. gago, ga..”furry happy monsters feeling glad “.

Continue reading

LET THIS BE A SONG CALLED ME

dahil commuter ako sa singapore, ang MP3 player ko ang nagtatanggal ng inip sa byahe. imbis na gayahin ko yung kupal na nangungulangot sa train, nakikinig na lang ako ng musika. ang aking gadget of choice sa tugtugan ay ang aking pinakamamahal na iPod.

Continue reading

WHERE BROKEN HEARTED LOVERS DO CRY AWAY THEIR GLOOM…

sa mga di nakakakilala sa akin, ako nga pala si batjay, ang “elvis presley ng quiapo“. tingnan mo yung picture ko doon sa upper right ng screen. hindi yung aso ha. your other right. di ba kamukha ko si elvis na may gitara? gawa iyan ng idol kong pinoy artist na si dengcoy miel. i digress, back to elvis… i’ve loved elvis’ music simula pagkabata. wala pa akong buhok sa pwet, paborito ko na siya. until the end of his life, in spite of the drugs, overeating binges, pagka praning and all that crap, his voice never failed him. i loved that voice and tried to imitate it but all i could come up with is a poor edgar mortiz imitation. dang. pero ok lang, sabi nga ni elvis eh “that’s alright with me”.

o siya. heto na ang tribute ko kay elvis: are you lonesome tonight, alay ko sa lahat ng mahahaba ang patilla. pakinggan nyo na lang. habang kinakanta ko nga pala ito, naghuhugas ng pinggan si jet kaya maraming mga platong kumakalampag. pakinggan nyo rin yung ending, parang si elvis mortiz talaga. hehe. andy kaufman man lang sana.

Continue reading

I’M CAUGHT MOVIN’ ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

I'M CAUGHT MOVIN' ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

HOLY SHIT, HALATA BANG NANOOD KAMI NG SPIDERMAN?

SPIDERMAN-0005-small

OUR FLAT, SINGAPORE: “HOLY SHIT!”, says spidey. binigyan ako ni jet ng isang 18 inch spiderman doll. ang galing nga nito kasi, mayron siyang 67 (that’s right SIXTY SEVEN) moving parts. puno ng inspirasyon, ang layunin ko ngayon sa buhay ay kunan ng litrato si spiderman sa kung saan saang parte ng mundo. so help me god.

the resultang mga kodakan ay ilalathala sa isang bagong website na pinamagatang: “Where in the world is Spiderman?” – puntahan niyo. sige na, para nyo nang awa.