kung nasa NAIA kayo kanina at may nakita kayong malaking damuhong naka wheel chair… ako yon.
pagtapos ng isang linggo sa ospital at isang linggong exile sa antipolo, pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumipad. bago yon, tinanggal muna niya yung drain ko nung monday. tapos ang tahi ko naman nung wednesday, kasama na rito ang final check-up para siguraduhin na kaya ko nang sumakay ng eroplano. nung thursday, yung doctor naman ng singapore airlines ang tumingin sa akin. daming hassle ano?
sa arrival din ng changi airport ay naka wheel chair ako. nakakahiya nga ang special treatment, at saka, parang di ko rin ma take na medyo invalid ako. pero malaking relief talaga ito. hanggang ngayon kasi, di pa rin ako makalakad ng mabilis. at siyempre, mayron pa ring sugat na kumikirot kirot. bikini cut nga pala ang tahi ko. ok na ok nga. pag malakas nang loob ko pag magaling na ako, pwede pa rin akong mag bikining itim.