di ako makatulog. excited siguro masyado sa pag-uwi ang tumbong ko at di mapakali. lipad na kami ni jet in a few hours time pabalik sa bayang magiliw. special ang pag uwi na ito: makakapag celebrate kami ni jet ng aming 13th anniversary with our family and friends. siyempre 80th birthday din ng mommy ko. it’s also about the same date that jet and i decided to move to singapore, three years ago.
looking back nga, ang dami nang nangyari sa buhay ko itong mga nakaraang taon. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan kami dadalhin nitong byaheng ito. ok lang, kahit saan. pero teka, huwag lang sa india. marami kasing holy cow doon eh.
isa sa paborito kong kanta ng beatles ay yung “in my life”. somehow, it best describes how i feel about this trip home. ni record ko nga kanina. practice lang dahil baka ito ang kantahin ko sa program during my mom’s party. alay ko rin ito sa mylab ko. pakinggan nyo. bibilisan ko lang siguro ng kaunti. nababagalan ako at para akong lasing na DOM. kulang na lang magsuot ako ng puting pantalon, bulaklaking polo at alahas.