IT'S A BIRD

lipad ako ngayong madaling araw for a business trip. i’ll be visiting three cities in five days. tomorrow i’ll be in beijing, tuesday in seoul and thursday in tokyo. quite a busy trip at di pwedeng walang dalang libro dahil sa mahabang paghihintay sa airport at sa matagal na byahe sa loob ng eroplano.

i’ll be bringing dan brown’s “angels and demons” and three comic books graphic novels… volume 5 of grant morrison’s “invisibles”, garth ennis’ “preacher” volume 6 and one of the newest graphic novels that came out this month… “it’s a bird” by steven seagle. this is a superman story that isn’t really about superman. i’m looking forward to getting my hand on it once i’m up in the air.

ingat ka mylab. balik ako kaagad. lab U!

ALAY PARA SA AKYAT BAHAY GANG

parang nagbigay ako ng welcome party sa magnanakaw. kagabi, in a fit of forgetfulness, nakalimutan ko yung susi ng bahay na nakasaksak sa lock ng front door namin. buti na lang at walang akyat bahay gang dito kundi yari sana ang pinagputahan. thank you singapore for having one of the lowest crime rates in the asia-pacific region.

STIR FRIED NA PAG-IBIG

nininerbyos ako ngayon. mas enjoy ko pa kasing mag hiwa ng bawang kaysa magtrabaho. hehe. nag-aaral akong magluto at pinag eekspereminentuhan ko ang asawa ko. pag di niyo siya nakitang on-line itong mga darating na araw, ibig sabihiin, hindi ako nagtagumpay. bakit cooking? ala lang. gusto ko lang idagdag ito sa listahan ng aking spectacular talents. nagsabi na ako sa kanila. suportado naman ako ng pamilya sa balak kong ito. mwahahaha. aaminin ko, hindi ako natutong magluto nung bata ako. yan ang napala ng spoiled na bunso. ngayong taon nga lang ako natututong magsaing. lately, nag-aaral akong mag stir fry. stir fry this, stir fry that.

para sa hapunan ngayong gabi, nagluto ako ng beef and mushroom with oyster sauce at stir fried spinach. hindi masyadong masarap yung beef dish pero may pag asa yung stir fried. ok lang, bata pa naman ako. at 38, i am learning to become a cook. today, stir fried. tomorrow? the world! BWAHAHAHAHA! (tawang demonyo)

baka mayron kayong gustong matikman, sabihin nyo lang sakin. pero huwag yung mahihirap tulad ng adobo o kaya sinigang. sa stir fried muna tayo mag concentrate.

‘PEOPLE LIKE US’

talk about regulation galore – mayron palang “registrar of societies” dito sa singapore. ito yung government body that approves all the organizations and associations in the country. so bago ka makabuo rito, for example ng “organisasyon para sa muling pagbabalik ang tambalang guy and pip“, kailangan mo munang gawin ang paperwork at ipa-approve ito sa registrar. nalaman ko lang dahil may article nung isang araw tungkol sa pag deny sa “People Like Us“. ito’y isang grupo na itinatag ng mga federasyon ng kabadingan dito sa isla. message sa kanila ng gobyerno: we tolerate the gay community pero bawal pa rin ang lifestyle ninyo.

kung gusto ninyong maaliw, read about the correspondence of “people like us” and the registrar of societies here.

'PEOPLE LIKE US'

KABABAYAN KO SI LAURICE GUILLEN!

the 17th Singapore International Film Festival (which starts today) will be paying tribute to laurice guillen through a retrospective of her films. laurice daw, ang sabi sa news article, is “one of the strongest female directors of the Filipino New Wave (anong ibig sabihin nitong “New Wave”? Post Brocka Punk?) and “a potent voice for a distinctly female perspective on gender, sexuality and identity“. congrats laurice. you make us all proud.
Continue reading

PINALO NG KUTSILYO

ang caning ay valid na judicial punishment dito sa singapore. common din dito ang pag palo sa anak as a means of discipline. ak-shu-li, makakabili ka ng “mini yantok” sa palengke na may colored pang hawakan. masakit din ito ha – nasubukan ko na kasi mayron kami rito sa flat at pinalo ko ang sarili ko (kinky ‘no? hehe). hindi. ang tutuo eh, pamalo ito ng may-ari sa anak niyang makulit. pero pag bad boy siguro ako, baka ipalo ito sa akin ni jet.

nasa newspaper kahapon ang isang extreme case ng child punishment. dahil siguro may tililing (ie loose turnilyo) siya, isang babae ang kinasuhan dahil pinalo niya ng kutsilyo ang kanyang anak. ang ginawang dahilan ng nanay eh di raw makita ang pamalo kaya kutsilyo ang ginamit niya. nalaslas tuloy ang kamay ng bata. bakit pinalo bakit nilaslas? di raw natapos ng 8 year old boy ang kanyang homework.
Continue reading

JOEY REYES AND THE RUNAWAY ELEPHANT

teka muna. taym pers… nabalitaan nyo ba yung elepanteng nakawala sa cubao? may nakakatawang account si direk joey reyes na pinadala sa akin ng pamangkin kong si sara. to read about it in full, click here. tutuo ba ito?

IF YOU TAKE A WALK, I’LL TAX YOUR FEET

deadline ng bayaran ng tax sa singapore itong april 15. kanina lang dumating ang mga tax forms ko. pakingsheet. may penalty pa naman ang late payment. what to do? simple lang ang solution – go online (which is what i did) at within 5 minutes, tapos lahat ang problema sa filing ng income tax. ang galing.

pwedeng magbayad dito ng tax over the internet. isang paraan ito para madaling kunin ng gobyerno ang pera mo. mwahahaha. ang konswelo de bobo ko lang eh pwedeng hulugan ang bayad. hahatiin ito in 12 monthly interest free payments. singapore has a procedure called GIRO na kung saan bibigyan mo ng authorization ang bangko mo na payagan kaltasan ang iyong account ng pera every month. it’s simple, efficient and it works.

pag inimplement kaya ito sa pilipinas, mababawasan ang mga kurakot sa BIR? iniisip ko ng matagal ito kagabi habang nagbibisikleta. sa sobra ngang pag iisip, di ko alam, baligtad pala ang pag suot ko ng aking helmet. hehe. kaya pala nakangiti lahat ng mga kasalubong kong bikers. akala ko pa naman, nakukyutan sila sa akin.
Continue reading

IF YOU TAKE A WALK, I'LL TAX YOUR FEET