MUNTIK KO NANG MAIWAN ANG SANITY KO SA NAIA KANINA

chaotic kanina sa naia. sa labas pa lang eh ang haba na ng pila. pagkuha pa lang ng pushcart eh life and death struggle na. hehe. sabi sa dyaryo, magbigay ka raw ng extra 30 minutes doon sa normal na three-hour check-in requirement. how true. dumating kami ng 2 and 1/2 hours before the flight eh natapos kami sa processing, 15 minutes before take-off na. pag dating nga namin sa gate ng singapore airlines eh boarding na. di tuloy ako nakabili ng dried mango at ube ice cream na kinalolokohan ng mga singaporeans.

kanina siguro ang pinakamahirap na departure ko sa pilipinas. in the heat of it all, parang gusto mong sumpain ang naia. parang ayaw mo nang bumalik sa pilipinas. hehe. drama lang yon. nung lumamig nang ulo ko, tinanong ko sa sarili ko kung babalik pa ako sa pilipinas kahit na napakihirap sa airport. ang sagot ng aking kunsensya ay isang malakas na: OO, kahit si satanas pang sumalubong sa akin sa airport kasama ang sanlibong bumbay na may anghit, uuwi pa rin ako!

BAGONG TAON POSTSCRIPT

bukod sa marami na namang nasunugan, natamaan ng mga ligaw na bala at naputukan sa iba’t ibang parte ng katawan nung “relatively peaceful” new year (“relatively peaceful” my pwet!), ang pinaka weird na news ay yung napanood ko sa MGB kanina: isang lalaki ang naospital dahil kinagat ng kainuman ang kanyang tenga. ang sabi sa interview eh nag-away daw sila dahil walang pulutan.

TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading

TOKWA'T BABOY ONE LAST TIME…

SI IDOL IBET, SI BOSS TEDDY AT ANG ARAW NG KAMATAYAN NI RIZAL

isa sa highlights ng pag-uwi namin ni jet ay ang makasama ang mga iba’t ibang tao na nakilala namin over the year through the internet. karamihan sa mga nakatagpo namin ay mga kaibigan ni jet. siya na siguro ang bahalang magkwento sa mga encounters namin with them. ako, dakilang driver lang at tagahatid sundo sa kanya. pero mayron kaming mga mutual friends tulad ni ayeza at in a way si neil na i was glad to meet. si belle, ang idol kong makata ng UP ay nakita ko na rin sa wakas. binigyan pa nga niya ako ng “university of the philippines” t-shirt which i proudly wore yesterday. si tanya (ang producer-director) rin with nick, (coming all the way from ilocos) met us on the 29th and we had a great time exchanging stories.

Continue reading