HE'S BACK…

my brother dante, aka Howlin' Dave
my brother dante, aka Howlin’ Dave. legendary pinoy rock and rhythm rockjock. the nu107 lifetime achievement awardee in 2001. nagpasimuno ng punkrock at nu wave sa pilipinas. MC ng maraming mga pinoy rock concerts sa kung saan-saan. in my book, probably the best disk jocky who ever lived. he’s right there at the top of my list with my dad Uncle Nick.

kung nalalakihan kayo sa boses ko, bubwit lang ako compared sa daddy ko at dalawa kong kuya. sabi nga ng mommy ko pag may pumupuri sa boses ko: “naku, yang si jay-jay, boses kiki nga yan eh. pag narinig nyong boses ng daddy at 2 kaparid niya: pag nagsalita sila, parang galing sa ilalim ng lupa“. hehe.

well, HE’S BAAAAAACK! hear him again sunday mornings at RJ 100.3 FM (and probably see him too at RJTV29). tune in…

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

WHEN I GET OLDER MAKAKAPAGSAMPAY PA KAYA AKO?

sabi sa dyaryo rito nung isang araw: “singaporeans have problems having children because they don’t have enough sex”. busy kasi sila masyado sa trabaho. pasok sila ng monday to saturday hanggang, sabihin na natin, mga 7:00 pm. dating ang mag-asawa sa bahay ng mga 8:00 – gutom, pagod at inaantok na. kaya iyon, di pa nag uumpisa, bagsak nang bataan.

sabi nga sa isang survey, people even prefer to sleep rather than have sex. wala yan sa lolo ko: in another survey for people 40 yrs or over, some have admitted that thay actually fell asleep while having sex.

ang hiling ko lang, sana naman pag dating ko ng 40 eh pwede pa ring magsampay ng twalya sa pototoy ko pag may flag ceremony. hehe. sigurado naman ano, kasi… ako ay pilipino! a tapang, a tao. a pugot a kamay, hindi a takbo… etc. etc.

walang kokontra. pag may magsabing “in your dreams” o kaya “wishful thinking” sa comments, sasapakin ko.

MUSLIM WOMEN JOGGERS ARE COOL!

kasabay ko everyday mag exercise ang mga muslim womem joggers ng singapore. they are a sight to behold – running women in long flowing robes, tudong (or muslim headscarves) and sneakers. how do they look? imagine mo na lang si virgin mary na naka nike rubber shoes, tumatakbong mabilis sa kalsada. o, na-imagine mo na? yan ang hitsura nila.

nung nag jogging ako kagabi, all i could ever think of was the first time akong nakapanood ng colored tv. in particular, yung first time kong makita si cookie monster sa colored tv. blue pala siya – bwahaha. tuwang tuwa ako. growing up in the 70’s was cool. it was the time of the transition from black and white to colored. it was like the “wizard of oz” scene where dorothy steps out of that kansas door into munchkin land. while thinking of this colored tv thingy, naisip ko rin na masarap ang singkamas na may toppings na asin at bagoong na alamang. don’t ask me why i juggle 2 incongruent things in my mind while jogging. wala naman akong control sa kung anong pumapasok sa ulo ko pag ako’y idle.

finally, speaking of “pinagpala sa babaeng lahat” – birthday na ni jet sa thursday. happy b-day mylab! tumatanggap nga pala kami ng labada kung linggo regalo. padala nyo na lang!

WAXING PILOSOPIKAL ABOUT LIFE, DEATH AND MOVIE SETS

how fragile life is. isang araw you’re at the top of the world and the next you’re fighting for your life. parang randomly, we’re chosen to live or die. the thought scares me. i do not want to be the victim of a god playing dice with the collective fate of humanity. then again, perhaps there is no gambling god. who knows, baka we’re just acting up some bad script in some great big movie set in the sky. o kaya, no one up there’s taking charge.

sa pagkamatay ng kaibigan ko, heto na naman akong nagtatanong: is there or isn’t there? i will make a confession: i’ve been an agnostic for a long time now. well, give or take a basic truth or two, sort of an agnostic catholic, if there is such an oxymoronic person.

para sa akin, ang pinakaimportante ay to do the right thing. ang goal ko sa buhay ay simple lang: to be the best person i can be at tumulong sa pinakamaraming tao na bahagi ng mundo ko. when the time comes for me to go, kung mayrong ngang diyos, i will be able to look god in the eye and say to him (or her) that i did not fuck up.

siyempre, itatanong ko rin sa diyos kung bakit milyon-milyon ang namamatay sa africa, kung bakit tanga sa pag-ibig si kris aquino at kung bakit walang snow sa pilipinas.

PAALAM PARENG CARLO…

SO LONG CARLO. i'll miss you dear friend
my friend carlo, taken in front of my house during one of my birthdays a few years ago. carlo died yesterday. he was 40 years old. paalam kaibigan. inom mo na lang ako ng isang shot na tequila na may chaser na beer pag nag-inuman kayo ng mga anghel sa langit.

ingat diyan sa bago mong mundo,
jay

MY INDIO SINKRA-C #1

tagilid ang kamay ko pag nagsusulat. parehong pareho ng itsura ng kamay ni kevin spacey sa pelikulang “the usual suspects”. force of habit siguro dahil nung estudyante pa ako, walang arm rest na nagsusuporta sa aking writing hand. i am left-handed.

but, i eat with fork and spoon, play the guitar, aim a rifle, use the computer, play golf, wash my pwet righthanded. asamateropak, my right hand is stronger than my left hand. kaya lang, for all of the intricate and fine work, i use my left hand – e.g. writing o kaya pag nagkamay kumain.

i love being left-handed. somehow, it makes me feel unique. i love the sinister implications that it brings. i love the fact that leonardo, paul mccartney, jack the ripper, bill clinton, michelangelo, raphael, kermit the frog, marlyn monroe, oprah, alexander the great, ceasar and ate sienna are all lefthanders like me.

my wife jet is also lefthanded. kaliwete kami parehong mag-asawa.

INTERCOURSE AGAINST THE ORDER OF NATURE

sabi sa Section 377 ng Singaporean Penal Code: ‘Whoever voluntarily has carnal intercourse against the order of nature with any man, woman or animal, shall be punished with imprisonment for life…’

matunog itong section na ito ngayon kasi mayron mga nagmumungkahi na i-repeal na ang law na ito dahil archaic na. siguro, napansin na rin nila na walang kakwenta-kwenta ang sex life ng mga citizens dito. sa isang article ng today newspaper kahapon (en ay kwowt, aytaliks mayn): “HETEROSEXUAL Singaporean adults may soon be able to indulge in oral sex without breaking any laws, following a review of the penal code.”

kung mahilig ka sa oral sex dito sa singapore, you are in effect, breaking the law and could be jailed for life. betchabaygollywow!

TANONG: kung makipag sex ako, tapos itaas ko ang kaliwang paa ko habang kinukumpas ko ang aking kanang kamay habang umiikot ang ulo ko at kumakanta ng “sana’y wala ng wakas”, intercourse against the order of nature din ba ito?

BEAUTY AND THE BEAST

beauty and the beast
si ninang ate sienna at si batjay, taken sometime in september 2003, in an undisclosed location in southern california. gusto ko lang i-post ito, hindi dahil maganda ang porma ko with maong jacket. hehehe. nais ko lang i-announce na, pagtapos ng sandamukmok na creative pawis, buhay na naman ang pansitan ni ate Sienna. siya ang magandang nilalang na cheif cook ng “pansitan.net”. doon din natutulog sa pansitan si kiwi pinay at utol ni ninang ko na si gretchen, kasama ang mga pamangkin niyang sina pancho and maki.

punta kayo sa pansitan dahil bukod sa masarap ang pansit doon, nakakatawa, nakakaaliw at nakakabagbag damdamin ang mga kwento niya. in two weeks time, isasama ko si jet sa actual pansitan sa california para ma-meet niya for the first time ang ninang ko. excited na nga kami.

THE PINK URINAL OF MANILA

my pink urinal

eto na ngayon ang pumalit sa mga “BAWAL UMIHI RITO” signs sa metro manila: mga pink na urinals. tuwang tuwa nga ako nung una ko itong makita. ang galing. tayong mga pinoy lang ang makaka-isip ng ganito. at pink pa ang kulay – with polka dots! hehe. paano ba ito gamitin? simple lang. “no frills”, ika nga nila. enter, take cover, pee, leave. yon lang. eto ang procedure:

1. pasok ka through the right side (doon sa may nakalagay na “MA-002”), 2. harap sa kaliwa, 3. buksan ang zipper, 4. ilabas ang pototoy at umihi sa sahig (pagmasdan ang medyo basang sahig sa lower left).

magkakaron kaya ng female urinal? kung ako ang gagawa ng design, lalagyan ko ng mga monkey bars para pwedeng lumambitin. dapat din sigurong lagyan ng pinto para may privacy. teka, masalimuot ang mga design considerations. kailangan pag-isipan itong maigi.