I PRESENTED A TECHNICAL PAPER AND GOT SCREWED

nag present ako ngayong linggo ng isang technical paper sa isang conference dito sa singapore. bongga nga eh (may $650 entrance fee para sa mga utu-utong gustong makinig). kung kaya, i had to break one of the sacred rules of the batjay manifesto – “don’t wear a business suit in a tropical country lest you sweat like hell and smell like hinog na langka“.

for all my preparations (make-up, manicure, kulot with haircut na pantay ang patilla, late night rehersals in front of my sleepy wife), all i got was (not a t-shirt, dummy) a stainless steel cork screw in a fancy box. TO THE ORGANIZERS: i got your subtle message, thank you very much.

event highlight: nakalimutan ng isang speaker tanggalin yung wireless clip microphone pagkatapos niyang magsalita. tuloy tuloy na lumabas sa conference room habang naririnig namin sa sound system ang conversation niya sa kanyang kasama. parang tumuloy pa nga ata siya sa banyo dahil narinig kong nag flush ang toilet, afterwards mga kaluskos sounds, pregnant pause at barely audible na “oh shit, i forgot to take the microphone off“.

FOUR LEGS GOOD, TWO LEGS BAD

lahat ng application forms dito, tinatanong ang “race“. nang una nga akong nag apply for an employment pass, medyo natigilan ako. there it was in the form, “RACE: ____________”. pakingsheet, what’s my race? ni hindi ko alam kung anong race ako. brown race? human race? “kayumanggi race”? “filipino race”? “kapampangan”?

bigla kong naalala yung libro ni rafael palma tungkol kay rizal na “pride of the malay race” . naisip ko, kung si rizal ay pride ng malay race, ergo: malay race din ako. kaya ayun, nilagay ko sa application (if i might add, with a lot of trepidation and unease)… “RACE: Malay .

ilalagay ko sana: “RACE: Malay ko?.

as in walang ka Malay-Malay kung ano ang race niya. nagdalawang isip lang ako, baka dahil sa pagka pilosopo ko eh mapa uwi ako ng wala sa oras. alam ko na rin ang root cause kung bakit tinatanong ito rito. mahabang storya, pero ang summary ay medyo orwellian. right or wrong, ganito ang style dito sa singapore and they have had great success from this approach so far. but at what cost? now that IS the question.