IMAGES OF KUNMING, CHINA

IMAGES OF KUNMING, CHINA

maraming mga kweba sa kunming. ang pinuntahan namin ay isa sa pinaka extensive.

IMAGES OF KUNMING, CHINA

nilagyan nila ng mga magagandang ilaw ang loob ng kweba at ginawan nila ng pathway para sa mga turistang tulad namin. medyo malamig nung araw na ito kaya kahit mahaba ang lakaran ay di masyadong nakakapagod.

NANDITO NA AKO SA KUNMING

mylab, nandito na ako sa kunming. swabe naman ang byahe namin. as usual eh tulog ako halos buong flight. di pa nga nag take off ang eroplano, humihilik na ako. comportable ang byahe dahil malaki ang leg room ng silk air kaysa sa singapore air lines. isa pa sandali lang from singapore to here.

kakadating lang namin from lunch at nagpapahinga dito sa hotel room. mamayang konti eh bababa na kami to prepare the room of the conference. mukhang gagabihin kami dahil may kasalan doon sa function room na paghahandaan namin at di kami makakapagayos hanggang di sila tapos. malamang ay mga alas 10 na kami makakapag start.

magbabasa na lang siguro ako dito sa kwarto. maganda ang room ko. nasa 13th floor at overlooking the city of kunming. sa bandang kanan ay isang maliit na lake na puno ng mga taong nag boboatingtingan… este, sumasakay sa maliliit na bangka. sa background na lahat ng ito ay mga bundok na pumapaligid sa buong siyudad.

parang baguio ang panahon dito. hindi masyadong mainit pag araw at malamig kapag gabi. tulad ng baguio, marami ring mga prutas at bulaklak sa buong siyudad at ito ay isang malaking negosyo rito. ang gusto ko lang sa kunming ay di siya kasing laki ng beijing at shanghai at may parang little town feel siya kapag naglalakad ka sa kalye.

habang sinusulat ko ito eh natanggap ko na ang text message mo. sagutin ko after i log-off. tapos, sige mylab, tawagan mo na lang ako mamayang kaunti. ingat ka na lang dyan. lab-U.

PALIPAD SA CHINA

lipad ako maya maya sa kunming. ang bayan na ito sa china ay tinatawag na “the land of eternal spring”, or sometimes “spring city”. located in the province of yunnan, southwest china: ito ay in between tibet from the north and thailand from the south. ang kunming ay nasa isang plateau na napapaligiran ng mga bundok at ang weather dito ay perpetual spring. hence the name.

A FAMILY PICTURE OF THE SAN FRANCISCO BASED SERENOS

family picture

ang tiyong anas at tiyang ging ko ang nagsimula nitong pamilyang ito. si tiyong anas ang gwaping na bunsong kapatid ng mommy ko. sabi nga ng marami eh kamukha niya si sean connery. siya ang balbas saradong lalaki sa 2nd to the upper right ng litrato. si tiyang ging naman ang nakaupo sa gitna namin ni donna.

narito rin sa litrato ang tatlong pinsang kasabay kong lumaki sa pasay. si sammy (extreme upper right), si simon (lower extreme right) at si jojo (extreme left). anim talaga silang lahat. wala sa picture si junjun, si maricel at si sever. in between sammy and jojo ay mga asawa at mga anak ng mga pinsan ko. naalala ko pa nung araw kung gaano kami kasayang naglalaro sa bahay namin sa pasay. baby pa si jojo noon. di katulad ng maskuladong lalaki sa picture. si sammy ang panganay at ang parating nanloloko sa amin. si simon naman ang ka-edad ko at ang siyang umalalay sa akin ng husto nung nasa US ako kamakailan.

alam mo, masarap talaga itong trip na ito sa akin. matagal kaming di nagkita kita pero in the two days that i was there last week, nag connect kaming lahat immediately. parang tinuloy lang namin yung huling kwentuhan nung huli kaming magkita many many years ago. you know the feeling of being a part of a big family? where everybody welcomes you into their homes and showered with the possessiveness, warmth and love that only a kamag-anak can? that’s what i experienced last weekend.

kahit dalawang araw lang kaming magkakasama, i really felt loved. now, while i am writing this a thousand miles away, i smile as i recollect everything that happened during my short stay with them, while at the same time, i feel the pain of our separation. bittersweet? i guess.

next time we meet, it will definitely be for a much longer time. AND this time, it will be with jet. i can’t wait to introduce them to her. i am almost sure it will be a blast.

ROLLING UP THE I-5 ON A CHEVY, ON THE WAY TO FLOWER POWER LAND

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relativessome of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmatesnung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

MGA KAUPISINA AT ISANG SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

kumain kami sa las brisas ngayong gabi kasama ang lahat ng mga officemates ko rito sa california. masaya ang lahat dahil maganda ang araw na ito sa amin. ang restaurant na ito ay malapit sa laguna beach. actually tanaw mo ang dagat dito, sa tabi niya ay magagandang mga bahay. from left to right, top to bottom: si serena (ang aking counterpart sa europe). feisty italian lady, masarap kasama dahil animated ang mga kwento niya. si tom, ang partner in crime ko na batang chicago but resettled na rito, si yves ang kasama naming galing pa ng montreal, si joe ang head ng studios department namin, si tom hanks star ng saving private ryan. hehehe. hindi, kamukha lang niya (pati salita at mga mannerisms, tom hanks na tom hanks ang dating). jim ang pangalan niya at nakatira sa san diego.

MGA KAUPISINA

may araw pa nang dumating kami pero di naglaon ay lumubog na ito at medyo lumamig na ng kaunti. alam nyo naman ako eh sucker for sunsets kaya kinuhanan ko siya kanina. sana mylab nandito ka para makita mo rin ito…

SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

ANG MGA STATESIDE KONG CLASSMATES

SI LEVI AT DENNIS DITO SA SOUTHERN CALIFORNIA

ang mga classmates ko since kinder na naka base na dito sa southern california. from left to right: si levi, si levi ay naka base sa san diego. si dennis naman ay malapit sa santa ana. matagal ko na rin silang di nakita. si levi ay umalis ng huli from the philippines halos kasabay ko more than two years ago. pero before that, pabalik balik siya rito sa US dahil hinihintay niya ang petition ng asawa niya. nang maayos na niya ito eh dito na silang pamilya for good. si dennis naman ay di ko na nakita simula nang mag graduate kami sa high school 20 years ago. maaga kasi siyang napunta rito. nagkita kami last saturday. pumunta sila rito sa hotel ko at nag dinner kami at uminom hanggang alas dos ng madaling araw. nag imbita nga si dennis ng dinner sa bahay nila ngayon pero di ako nakarating dahil ginabi kami sa meeting namin sa office. sorry pare. baka naghanda ka pa ng pagkain para sa akin. sa susunod na lang.

ang sarap talaga ng maraming kaibigan. kahit saan welcome na welcome ako.