THE 1987 COUP

the night honasan launched the ’87 coup, nagtatrabaho ako sa rock of manila. graveyard shift ako (10 pm to 2 am) kaya minsan doon ako natutulog. target nila ang rj dahil ito yung radio bandido nung edsa revolution. if you were alive during that time, you probably know na dito nag broadcast sina june keithley.

Continue reading

NUNG GABING UMALIS SI MARCOS

nasa malacanang kaming magbabarkada nung gabing umalis si marcos. kasama ko si nes, mon, si rey, si kuya bong at si denden. nasa edsa kami nang ibinalita na umalis si makoy at agad kaming pumaroon sa palasyo. dahil maraming tao ay nag park na lang kami sa recto. from there nilakad na lang namin.

mataas ang tensyon nang malapit na sa palasyo ng malacanang. maraming nagtatakbuhan at nagsisigawan. very chaotic talaga. nung malapit na kami sa gate ng malacanang ay may nagpaputok ng M-16… “pak-pa-pa-pak”. dapaan lahat at sabay sabay kaming tumakbong paatras. si mon, na nasa hulihan namin, ay biglang napasigaw nang: “aaahh sheeeeet!”

“bakit pare, tinamaan ka ba?”, ang sabay sabay naming tanong sa kanya.

“hindi, tangina, yung argyle kong medyas, sumabit sa barb wire at napunit. kakabili ko lang nito eh”.

eventually, nakapasok din kami sa palasyo ng malacanang kasama ng libo-libong mga pinoy at (believe it or not) sa harap namin ay isang barangay na ati-atihan, kumpletong costume at instrumento at sumisigaw ng “hala-bira”. di ko alam kung saan sila nanggaling. very surreal but it really did sum up the festivity of that evening.