DOWN UNDER PART IV: THE ORANGE PEOPLE

WWSydney-071

group picture ng staff sa conference namin. siyempre pag ganitong user conference ay kailangan identiafiable agad ang mga bida… kung kaya, orange ang kulay na mga t-shirt namin. actually, maganda siya at bagay na bagay sa kutis betlog ko.

DOWN UNDER PART III: PAGOD!

ano bang impression ko sa sydney? wala pang gaano. hehehe… simula nang dumating ako di pa ako nakakalabas sa siyudad. busy kasi kami rito sa hotel sa pag setup ng user conference namin. nandito kami sa isang hotel sa olympic village. katapat lang namin ang stadium kung saan ginanap yung sydney olympics. problema rito eh in the middle of nowhere at malayo sa civilization (so to speak), at kahit may free time ka eh wala ka ring makikita.

ok lang naman dahil so far, very satisfying ang trabaho namin dito. kanina ay nag bigay ako ng lecture sa mga aussie engineers at maganda naman ang reception nila sa akin. di ko alam what to expect dahil una kong bisita rito. all in all naman eh mukhang naniwala naman sila sa mga bola ko. hehehe… bukas, mababasa ko kung anong tutuong evaluation nila sa akin. sana naman ay favorable. ngayong gabi pagod ako pero maginhawa ang pakiramdam dahil tapos na yung major part ng trabaho ko. next time na haharap ako eh sa perth na next week. kung kaya, i am looking forward to tomorrow, ang last day ng conference, at siyempre sa week-end pasyal. pangako ng host namin na si norman ay ipapasyal niya kami bukas ng gabi at sa sabado. hopefully, to go around sydney and get a feel kung papaano sila mabuhay rito.

ah… may konsuelo na nga pala. kanina ay nag-dinner kami sa isang chinese restaurant malapit dito. liblib pa rin na area pero at least out of the hotel na. lima kami ritong nagtulong tulong – si norman na country manager ng australia/new zealand, si ceci at si tom na stateside, si gk at ako na galing sa asia-pacific regional office. si ceci ay fil-american kaya may kakampi akong pinoy. natulala nga si gk kanina dahil di niya maintindihan yung pag-uusap namin ng tagalog ni ceci (di kasi niya alam na pinoy rin si ceci). eh puyat pa naman si gk dahil sinetup ang demo computers hanggang alas-kwatro ng madaling araw. akala niya eh nahihibang na siya. sabi ko na lang – “it’s ok gk, you’re not hallucinating, were both filipinos and we’re talking in tagalog. si tom naman, ilang araw na naming niloloko. masarap kasing biruin dahil nakikisakay lang. eto namang si norman eh interesting… chinese siya na pinanganak sa south africa pero australian citizen. talk about being global. mabait si norman at kaibigan din ni jet ang asawa niyang si le-an. all in all, maganda ang team work namin at kitang kita ito sa resulta ng aming conference kanina. ok rin naman ang mga kiwi at australians na kasama namin dito. gusto ko ang sense of humor nila – self depreciating at medyo dry. tingin ko eh makakasundo ko sila kung magka sama sama kami ng matagal.

umaraw na rin sa wakas, pagtapos ng malakas na mala bagyong ulan simula nang dumating ako nung martes. good omen, isip-isip ko kanina bago kami magsimula… mukhang di naman ako nagkamali dahil very fulfilling ang araw na ito para sa akin.

DOWN UNDER PART II: MASAYA

Hi Ester.

I did get your letter but I was traveling so much this past four weeks that I had barely enough time to do other stuff. I was in Manila 3 weeks ago with Jet and I took some pictures of mom and the rest of the gang in Novaliches. Hope you got my previous email with the pictures. Last week I returned to Manila and went to Davao to close a project. We went back to Singapore this Sunday and I had to fly to Sydney this Tuesday. I am still in Australia as I write this letter. My life has been a blur this past four weeks and I apologize for not being able to answer you sooner than I wished.

I was so happy that you did get me letter, happier when you answered. It was a long shot as I was not sure if you were really in Florida. It turns out you were and para akong nabunutan ng tinik knowing that you are alive and well. Mom did get your letter and card and was very pleased that you wrote to her. She probably is still thinking of how she will answer you… we haven’t heard from you in a while and you can just imagine how it must have been a shock to her when she read your letter. Please give her some time.

I’m glad that Donna was able to send you that postcard. She is probably somewhere between New York and the Caribbean as I write. David is probably somewhere in the Pacific Ocean as well. Like I said, a lot has happened since you lost touch with us.

I have a big presentation tomorrow. I hope to impress these pesky Australians. Wish me luck. I will write often now that I know you email address. O sige. I still have to prepare. Ingat na lang diyan. I miss you so much and we hope to see you when Jet and I go to the states one of these days. Susurpresahin ka na lang namin – just you wait and see.

With much love,

Jay

DOWN UNDER PART I: ISANG PINOY, NALIGAW SA SYDNEY

first time ko sa australia. alis ako kaninang 9:30 ng umaga. pitong oras ang flight from singapore to sydney at dumating ako rito ng mga past six ng gabi (+2 kasi ang oras dito). puno ang eroplano at siksikan kami sa loob. nagbasa na lang ako ng presentation ko para sa thursday habang bumabyehe.

ok naman ang reception sa akin ng mga immigration officials dito. tinanong lang ako kung saan ako pupunta (sa olympic park) at kung may business card ako (mayron po!) at kung anong trabaho ko (callboy! sabay ilag, hehehe). pakiramdam ko ay parang may flag ang passport ko at medyo pinagsususpetsahan ako dahil pinoy. di naman siguro. may isa pang immigration official ang sumita sa akin – pinoy siya. wala, pinayuhan lang ako na uminom daw ako ng vitamic c dahil malamig ngayon dito sa sydney at ibang iba raw sa panahon sa singapore. sabi ko, oo nga po eh tingnan nyo nga itong jacket kong pagkabigat bigat, di na siguro ako sisispunin nito.

pagkalabas sa airport ay diretso kami sa hotel. sinundo ako ni norman, ang akong partner dito sa australia. nag dinner kaming grupo at kwentuhan sabay punta na rito sa hotel room para matulog. problema ko ngayon eh yung outlet ng australia ay iba sa british standard ng singapore. naubusan din ang hotel ng converter at problema ko ay kapag nawalan ng baterya ang notebook ko mamaya. hehehe… di bale, mangdidilihensya na lang ako bukas. alam mo naman ang pinoy eh… maabilidad.

maganda rito sa sydney, nag tour kami kanina sa sydney harbor habang papunta sa hotel. nakita ko na rin sa wakas yung opera house na parati kong nakikita sa mga postcard. may plano pa nga ang mga kasama ko na akyatin ang sydney harbor bridge sa sabado. tangina, wala pa naman akong excercise. mag dahilan na lang kaya akong may LBM para di makasama. hindi, tiisin ko na lang. minsan lang naman ako mapunta rito. lubusin ko nang lahat ang sydney experience.

kawawa naman ang mylab ko’t naiwan sa singapore. bi bale, sandali lang naman ako. sige mylab tulog na ako. ala una na rito at maaga pa kami bukas. ingat ka na lang diyan. bukas magkokodak ako para may makita ka naman na tanawin dito.