AGE CHECK POP QUIZ

o sige, mag check tayo ng mga edad…

1. sino ang artistang lead character ng hit TV series na “The Six Million Dollar Man”?

2. sino ang ex-wife niyang member ng “charlie’s angels”?

3. sino ang babaeng lead ng “the bionic woman”?

4. sino ang bida sa tang-ta-rang-tang na kalbong pinoy comedian?

WHAT I HAVE FINISHED READING

Q: what have i finished reading?
A: really old comic books

“Ronin” by frank miller. its release (20 years ago) was a graphic novel milestone. probably where some ideas on the matrix story came from, i’m not sure.

“Preacher: Gone to Texas” by garth ennis and steve dillon. hmmm… kung tatanungin mo sa akin kung may patayan dito sa comics na ito. hehehe… mayron. marami. definitely for mature readers only. it’s gory, it’s bloody, it’s violent, it’s really good. click the links above and read the reviews, tinatamad akong mag kwento eh.

and so, last weekend, in between taking naps and sleeping, i finished these two comic books. antonia came over last sunday afternoon for lunch. but other than than that, jet (bless her), just let me rest for the whole two days. one moment i’m watching tv, the next moment, it’s already 1 AM and i missed “ocean’s 11” and “six feet under” (that’s 4 hours i spent in front of the tv without really watching. dang). tapos, in that state between waking up and sleeping, i read the comic books. this is the way to read, when you’re in dreamland but already awake (or vice versa: you’re awake but still asleep). somehow, the stories seem more vivid.

i used to do this a lot when i was watching the mangga classic “ghost in the shell” on DVD. i come home from work and am very tired, switch on the DVD and let the cartoon put me to sleep. galing. next day, i do it again, and agan… until i eventually finished the damn anime. isa pa itong movie na ito na nag influence ng matrix story.

what i’m (still) currently reading:
a cook’s tour by tony bourdain

LONGGANISANG TUTUO

here i am back in singapore, riding the bus and train on the way to work. picking up the free newspaper at the train station so i won’t get bored on the 45 minutes that it takes me to travel from home to office.

inside the train: there i am, reading the weird news that once in a while pops up in the otherwise boring singapore newspapers…. whoa!!!! mahalagang weirdong balita ito: isang lalaki sa malaysia ang pumutol, nagluto at kumain ng sarili niyang pagkalalaki kahapon.

kundi ba naman sira ulo! puputol lang ng tarugo eh linggo pa ginawa. GAGO!

FISH EYES AND DRUNKEN PRAWNS

post conference lunch namin kanina. nagpakain ang opisina in celebration for the success of the conference yesterday. pumunta kami sa isang halal indonesian-thai restaurant at isa sa mga inorder namin ay curry fish head. pag lapag sa mesa, yung kasama naming tatlong babae eh nag-uunahan doon sa mata ng isda. hehehe… kakatawa tayong mga asians, walang kiyeme sa pagkain ng mga exotic animal parts.

pero teka, kagabi, si tom at si ceci (na mga amerikano) eh kumain din ng “drunken prawns”…ito yung buhay na hipong nilasing sa whiskey at kakainin mong gumagalaw-galaw pa.

POST CONFERENCE DINNER

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang… ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

WEDNESDAY MORNING BLUES

miyerkoles ng umaga… nandito na ulit ako sa singapore sa piling ng saging ni jet.

hirap talagang mag hanap buhay. kahapon lang eh nasa perth kami at nag bibigay ng isang conference. byahe ng overnight para sa preparations mamaya. bukas naman ay ang singapore version. ang maganda lang sa akin ay madali akong makatulog. kaya kanina, di pa nag take-off ang eroplano eh tulog na ako. pag gising ko eh preparation na for landing sa singapore. binibilang ko yung oras na gising ako sa eroplano… 20 minutes out of the alomost 6 hours na flight. di na masama ito. hehehe.

tumiwalag na ang isa sa grupo namin – si norman ay kasalukuyang nasa eroplano ngayon pabalik ng sydney. iniwan na namin ni gk sina ceci at tom sa hotel nila at magkikita mamayang lunch time. pahinga muna ng 2 oras, tapos trabaho na ulit. in the meantime, quality time muna dito sa bahay with mylab.

DOWN UNDER PART VII: PERTH PARTNERS IN CRIME

PERTH-2003-005

My partners in crime for the Australian User Conference: Norman, the country manager for Australia. Really funny guy, kind hearted and a good companion. He is a Chinese South African who’s now an Australian Citizen. Ceci is a Fil-American, really good and realiable. She has been instrumental in making this event a success. Then there is Tom, our Marketing Manager who is also based in the US. GK is not in the picture but he has been my idol during the conference and I have been very impressed with the depth of his knowledge. Pag laki ko, gagayahin ko siya.

This week, the four of us have been working as a great well oiled team. Isang maganda sa kanila eh lahat sila ay kwela. Ang laking bagay nito lalo na’t on the road kayo at ang tanging bagay lang na nakakapagpaluwag sa lahat ay ang mga biruan at tawanan habang walang ginagawa.

I have been fortunate to be part of this team in Australia and it has been a very successful week for us. Tomorrow is our conference proper here in Perth then we fly to Singapore for our last set. By Friday, they will fly back to the US and I will probably be with GK when we do the same thing in China before the end of the month.

Wednesday ng umaga ay nasa Singapore na ulit ako at makakasama na ulit si Jet.

DOWN UNDER PART VI: Perth

Perth, the city besides the Swan River. Unpretentious and simple, about 2 million people call it home. This is the last leg of our Australian Tour and I do not mind ending our Aussie activities here.

PERTH-2003-002

Medyo malamig ngayon. Dumating kami kaninang hapon from Sydney. Limang oras din ang byahe – swabe naman at dahil medyo nakakainip sa eroplano, kinulit namin nina Ceci at Tom ang mga stewardess sa pamamagitan ng malimit na pagkanta, pagsayaw, pagtawa at paghingi ng libreng ice cream. Sikat nga kami sa buong eroplano at muntik na kaming palakpakan sabay tadyak. hehehe.

Pagka-landing, diretso kami sa hotel at pagkapahinga ng kaunti ay lumabas kami para maghanap ng makakainan sa syudad. Ang isang maganda sa malamig na lugar eh pwede kang maglakad ng buong araw at di mo mararamdaman ang pagod. Kanina ay naglakad kami simula alas singko hanggang alas siyete at dahil maganda ang panahon, di mo alam, ang layo na pala ng nalakad mo. Nagsimula kami sa isang park overlooking the city at natapos kami sa mismong kainan sa may siyudad.

PERTH-2003-011

Nag dinner kami sa isang Indian Restaurant na may may-aring Intsik. Paano nangyari ito eh di ko na naitanong. Pwede na rin ang lasa… siyempre hindi kasing sarap ng mga kinakainan namin sa India. Bukas haharap na kami sa aming host para ayusin na ang conference details. Medyo nadagdagan ang aking responsibility – ok lang naman iyon dahil lahat naman kami ay may additional work. Aral lang ngayong gabi…

PERTH-2003-001

Habang sinusulat ko ito eh nakaharap ako sa bintana ng aking hotel room, pinagmamasdan ang mga ilaw sa magandang syudad ng Perth at humihiling na sana ay madala ko rin dito minsan si Jet. Nakausap ko siya kanina at medyo parang wala sa mood. Wala naman akong magawa kundi tumingin ulit sa bintana at mag buntong hininga. Pagod lang siguro siyang tulad ko.

DOWN UNDER PART V: ARAW NG PASYAL

ok ang araw na ito. rest day namin at lumabas kami kanina. maganda ang panahon ngayon, maaraw at di masyadong malamig. pagtapos ng breakfast ay sinundo kami ni norman at pumunta kami sa koala park.

AU-2003-020

parang mini zoo ito at maraming mga australian animals ang makikita rito. may koala ba? hehehe… halatang obvious naman sa title pa lang. ok itong zoo na ito dahil maraming mga free roaming na hayup… maraming mga kangaroo at koala’s na gumagala sa park grounds at pwede mong lapitan at pakainin. may nakita pa nga akong isang lalaking na tumatakbo dahil hinahabol siya ng kanyang asawang sumisigaw nang “hayup ka! hayup ka talaga! taksil! (ang corny ko, ano ba yan). pero enjoy talaga ako rito.

after the park, sinundo namin si le-an at nag lunch kami sa seafood market. Habang hinihintay naming si le-an ay tumambay muna kami sa isang park bench sa labas ng opsina. Mala forest gump nga ang posing ko eh. If life is a bunch of cherries… ano ang cherry sa tagalog?

AU-2003-034

masarap kumain sa seafood market, medyo similar ito sa pike market sa seattle. umoder kami ng seafood platter. kumpleto recado – may octopus, mussles, talaba, hipon, isda at sangkatutak na chips. reasonable naman ang mga presyo at masarap ang pagkain.

AU-2003-063

after lunch, umakyat kami sa sydney harbor bridge. Isa sa mga pylons ng tulay ay pwede mong akyatin. Sa taas nito ay makikita mo yung paligid ng Sydney harbor. Maganda rito at dahil walang masyadong pollution sa Sydney eh malayo ang visibility at kitang kita mo ang buong paligid. After the bridge eh tuloy kami sa opera house.

AU-2003-081

on the way to the opera house from the harbor bridge ay dock at marasap maglakad dito. Malamig ang panahon kaya di masyadong nakakapagod. Maraming tao sa opera house, karamihan ay mga turistang tulad namin na paikot ikot na parang tanga sa labas. Hehehe.

AU-2003-085

etong group picture namin. Apat na sikat na mga organizers ng exhibition at user conference sa Sydney. Si GK ang aking kasama sa Singapore ay umuwi. Magkikita na lang kami sa Perth sa lunes ng hapon.

AU-2003-078

Habang pauwi ay dumaan kami sa isang tiangge. Maraming mga tinda rito. Masarap sanang bumila ng mga abubot kaya lang pagod na ako at malapit nang magdilim.

Kumain kami sa isang South African steak house malapit sa bahay nina Norman. Kami kami pa rin sama ng mga anak nina Norman at Le-an. Dito natapos ang aming araw… isang steak at ribs dinner na sa sobrang laki eh di ko naubos. Bukas ay lipad na kami sa Perth.

Good bye Sydney – you are one hell of a city. I wish one day to show Jet what you have to offer. Sa lahat ng mga travel ko rito sa Asia-Pacific, isa ang Sydney sa paborito ko. Sa architecture, sa pagkain, sa pulso at galaw ng mga tao, bow ako sa iyo.