nothing special happened today in shanghai. busy kaming lahat sa preparation ng conference namin at buong araw akong nasa loob ng conference room. medyo pagod at masakit ang paa dahil halos buong araw nakatayo. enjoy lang ako dahil nakasama ko ang mga officemates kong chinese at tuwang tuwa silang nagtuturo sa akin ng mga bastos na salitang intsik. hehehe… kung bakit mga curse words ang parati mung unang natutunan na foreign words. universal ata ito eh – kung may aliens siguro na taga ibang planeta ang mag landing sa ating mundo, mga mura siguro ang una nilang matutunan.
Monthly Archives: July 2003
LUMPIANG SHANGHAI, HERE I COME
nandito na ako sa shanghai. nag-aaral gumawa ng lumpia.
ang bantot ng katabi ko kanina sa eroplano. bwisit talaga – minsan pag sinuswerta ka talaga oo. parang may nag gigisa ng sibuyas sa tabi ko. hehehe. kaya mahal na mahal kong mga pinoy eh: kahit below freezing na eh naliligo pa rin araw-araw. o sige tama na – baka mapagbintangan pa akong
mainit ngayon dito. siguro dahil nasa tabi ng dagat eh medyo humid din. ang dating ng panahon ay parang nasa singapore pa rin ako. literally and fuguratively, shanghai is HOT. probably more than beijing, shanghai is the center of business in china. karamihan ng mga headquarters ng mga multinational corporations ay narito. kung kaya’t parang magnet ang siyudad na ito sa mga chinese. ang sabi sa akin eh 30 million ang population ng shanghai. tutuo kaya ito? parang sobrang dami ata. mataas ang standard of living ng shanghai compared to the other chinese cities. talagang cosmopolitan ang dating niya at di mo masasabi na communist country ang china pag narito ka. maraming matataas na building, maraming mga luxury cars, maraming mga kainan at inuman. kahit saan ka tumingin ay may mga ginagawang mga bagong structures – tulay, kalye, building. ang biro nga ng mga taga rito eh – shanghai, daw, changes its look every month. kung mawala ka raw ng isang buwan dito, pag balik mo di mo na makikilala.
ang paborito kong tanawin dito ay iyung mga office buildings. parang may contest dito sa shanghai sa pinaka out of this world shape na design. may patulis, may pahaba, may manipis, may korteng triangle, mayrong may mga bilog sa taas, may mga tagilid pa nga ata eh. yung skyline tuloy ng shanghai ay parang science fiction movie. ang galing.
FISHERMAN’S VILLAGE
kagabi, pumunta kami ni jet sa fisherman’s village sa pasir ris park. kasama namin si antonia at sharon, at yung aming bagong kaibigan na sina leah at eder. si leah ay isang pinay na singaporean citizen at asawa niya si eder. masarap silang kasama, cool na cool lang ang dating nila. si antonia naman ay dati kong officemate at kayosi. kahit singaporean chinese, eh napakatakaw niya sa adobo ni jet. hehehe… minsan kinulang nga ang kanin namin sa bahay dahil sa kanya eh. si sharon naman ay dj sa isa sa mga radio stations dito sa singapore.
nakilala namin si leah dahil nag-comment siya minsan sa isa kong kwento. simula nuon ay nagkausap na rin sila ni jet and the rest, as they say, is herstory. believe it or don’t, in 2 years dito sa singapore, sila pa lang ang pinoy na nakasama namin na lumabas. ewan ko ba, mahiyain kasi kami eh (lalo na pag walang suot na damit. hehehe). masarap talagang makipagkulitan sa mga kapwa pinoy, yung sense of humor kasi natin eh minsan di nasasakyan ng mga tagarito.
mayrong bandang pinoy na tumutugtog sa beach kagabi. pagkaupo namin ay nagsimula ang set nila. laking tuwa ko dahil una nilang kanta eh cover version ng “honky tonk woman” ng stones. “rock and roll!!!”, ang bulong ko, “this is going to be a great evening”. and it was.
FISHERMAN'S VILLAGE
kagabi, pumunta kami ni jet sa fisherman’s village sa pasir ris park. kasama namin si antonia at sharon, at yung aming bagong kaibigan na sina leah at eder. si leah ay isang pinay na singaporean citizen at asawa niya si eder. masarap silang kasama, cool na cool lang ang dating nila. si antonia naman ay dati kong officemate at kayosi. kahit singaporean chinese, eh napakatakaw niya sa adobo ni jet. hehehe… minsan kinulang nga ang kanin namin sa bahay dahil sa kanya eh. si sharon naman ay dj sa isa sa mga radio stations dito sa singapore.
nakilala namin si leah dahil nag-comment siya minsan sa isa kong kwento. simula nuon ay nagkausap na rin sila ni jet and the rest, as they say, is herstory. believe it or don’t, in 2 years dito sa singapore, sila pa lang ang pinoy na nakasama namin na lumabas. ewan ko ba, mahiyain kasi kami eh (lalo na pag walang suot na damit. hehehe). masarap talagang makipagkulitan sa mga kapwa pinoy, yung sense of humor kasi natin eh minsan di nasasakyan ng mga tagarito.
mayrong bandang pinoy na tumutugtog sa beach kagabi. pagkaupo namin ay nagsimula ang set nila. laking tuwa ko dahil una nilang kanta eh cover version ng “honky tonk woman” ng stones. “rock and roll!!!”, ang bulong ko, “this is going to be a great evening”. and it was.
PABORITO KONG EPITAPH
HERE LIES AN ATHEIST
ALL DRESSED UP
AND NO PLACE TO GO
MGA BAGONG BINABASANG COMICS
1. Batman: Manbat
2. Batman: Year One
3. Batman: The Dark Knight Returns
4. Death: at Death’s Door
5. Preacher: Until the End of the World
6. Preacher: Proud Americans
pesensya na, ngayon ko lang na-e-enjoy. medyo kasi nahinto ang pagbasa ko sa comics nung bata ako eh. ngayon lang bumabawi.
The Matrix Reloaded + IMAX
The Matrix Reloaded + IMAX = bwakanginangyan, ang galing! the only place still showing “the matrix reloaded” in singapore is the Golden Village IMAX Cinema inside the Great World City. buti na lang at naging busy ako at ngayon lang nagka oras manood. watching “The Matrix Reloaded: The IMAX Experience” was the best theater experience i have ever had. man, i was really entertained.ibang klase ang IMAX experience: big and soft cushion seats, malaking leg room, unobstructed view of the eight story high screen (kitang kita ko ang mga tagyawat ni keanu), 12000 watts of digital surround sound, malinis na sinehan, mabait na staff…sulit ang bayad.
ANG BAGONG JAGUAR SA OPIS
mayron bagong securty guard sa opis namin. long hair, may malaking tinted na reading glasses. either malay siya or bumbay, or maybe a mix of both. kamukha niya si Roy Orbison. bihisan ko lang siya ng itim na amerikana, pwede nang pakantahin ng “only the lonely”, “crying” at “pretty woman”.
idol ko si roy orbison. paborito din siya ng halos lahat ng mga paborito kong rockers, in particular, the beatles, who toured with roy orbison in the 60’s. kung titingnan mo yung mga early mtv ng beatles, yung shades ni john lennon ay pareho ng kay orbison. sa isang interview, paul was talking about how roy started composing “pretty woman” at the back of a bus while he was touring in england with the beatles. “please, please me” was inspired by roy and later on when they were touring, their song writing really became competitive. the stones also loved orbison and “pretty woman” inspired them to write “i can’t get no satisfaction”.
IN SEARCH OF THE LOST CHORD
maganda ang panahon ngayong araw na ito sa singapore. maulap at malakas ang hangin na may konting ambon. parang panahon sa tagaytay. gusto ko nang umuwi kanina para makatulog ng kaunti.
ginawa ko na lang, in honor of this great windy day, ay pinatugtog ang “your wildest dreams” ng moody blues sa pc ko. wala lang – ito kasi yung laman ng cd sa kotse nung nag bakasyon kami ni jet a long time ago at paulit-ulit naming pinapatugtog habang paakyat-pababa sa bundok ng tagaytay .
i remember the first time i heard the moody blues. i was 11 years old and this was sometime in the late 70’s. nasa bahay ako ng mga auntie ko sa pasay at pinasahan ako ni dante ng “in search of the lost chord”. nakalimutan ko na yung mga cuts dito, pero what i remember is the great artwork of the LP and the admonition of my tiyong amon nung marinig nya yung mga kanta – “tangnang aga-aga, kung ano anong katarantaduhan ang pinapatugtog nyo!“. hehehe. rock and roll!
happy birthday to my brother dante. birthday nya kahapon.
IF YOUR NAME IS DUBYA…
if your name is dubya, try this link: Cannot find Weapons of Mass Destruction… hehehe. hoy georgie boy, fucking hilarious, don’t you think?
LONDON, England (Reuters) — A Web site lampooning the United States’ inability to locate weapons of mass destruction in Iraq has become one of the biggest hits on the Internet.
The site, which is designed to look like a genuine error message — replete with “bomb” icon — is the top result when “weapons of mass destruction” is entered into one of the Web’s top search engines, Google.com