HAPPY MOTHER'S DAY MOMMY

116-1626_IMG

di na tayo masyadong nagkikita simula nang pumunta kami rito sa singapore. matagal-tagal na rin kaming di nakaka-uwi. gusto ko lang malaman mo na di naman ako nakakalimot…na parati kitang iniisip. di ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo sa buhay ko… ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya mo, para sa akin. nakalista itong lahat sa bato. kung mayron man konting tagumpay o kayamanan kaming naipon, di ito matatamasa nang di dahil sa iyo.

malapit nang birthday mo. actually, ito ang mas importante sa akin dahil 79 years old ka na. pero alam ko rin na senti ka at mahalaga rin sa iyo ang araw na ito. kung kaya’t binabati ka namin ni jet.

natanggap mo na bang regalo namin? sana naman ay masaya kayo diyan bukas… este, mamaya na pala. hayaan mo, next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. palakas ka pa, para pwede tayong magkantahan at sayawan. iimbita tayo ng banda para pwede tayong mag-rock-en-roll hanggang umaga.

punong puno ng pagmamahal at halik, ang iyong paboritong bunso.

jay

RP ADVISORY

Singapore advises citizens against travel to RP…bwakanginangyan, mayayari pa ata ang pag-uwi namin sa june. typical singapore kiasu mentality… dahil gumaganda ng SARS outlook sa singapore, playing safe na husto. pati pilipinas ay dinamay na.

SPIKY

dito sa building namin, may isang babaing empleyado ang legal department namin na may problemang konti. one time last week, dumaan siya sa kinatatayuan ko. nginitian ko siya na may kasama pang kaway. dinedma ako. tuloy tuloy lakad na habang papalapit sa akin, yung mata niya ay pumipihit na patagilid pa-side glance, as if looking kung ano ang ginagawa ko habang papaabante siya. pahiya ako man… kung pwede lang mamula ang kutis kong kulay betlog eh namula na ako.

Continue reading

KATE AND LEOPOLD NG MADALING ARAW

natulog kami ni jet ng late kagabi… kasi nanood ulit kami ng “kate and leopold” starring meg ryan and wolverine. tapos, nag low batt ang cell phone alarm clock ni jet at huminto naman ang alarm clock ko. kung kaya – 7:30 na kami bumangon.

nag taxi tuloy ako ngayong umaga, #$%@$*@!# yan! let’s do the math… $7 for a 10 minute trip taymis 30 equals 210 pesoses. tangnenek, ang dami nang mabibili ng 210 pesos sa maynila. pwedeng manood ng Xmen2 na may kasamang 2 piece Jollibee Chicken joy with extra rice, extra gravy and one large fries take home… oh and BTW, please give me breast and pak-pak, please. no, not your breast dear jolibee food crew na colegiala.

awa ni bathala, di pa rin nawawala ang pagka-pinoy ko. ngyahaha… kinokompyut ko pa rin ang conversion to peso.

THE TAXMAN COMETH

today i signed, sealed and deliverd my tax forms. i am paying my taxes in singapore for the first time since i arrived. ok lang – simple lang naman. nilagay ko lang yung kita ko sa isang form, pirma, lagay sa sobre at padala by mail. babayaran ko sana online, kaya lang di ako binigyang ng PIN number ng mga damuho. oo nga pala, ang isang maganda rito sa singapore, pwedeng hulugan ang tax. i opted to pay in 12 monthly interest free installments.

If you drive a car, I’ll tax the street,
If you try to sit, I’ll tax your seat.
If you get too cold I’ll tax the heat,
If you take a walk, I’ll tax your feet.

paying your taxes, bwakanginangyan, is one of the sure fire ways to make you feel that you belong to a country.

SUPER SINGAPORE SARS BALITA

…”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

Tatlong Good News:

  1. The US removed Singapore from the Travel Advisory List issued by the US CDC
  2. The SARS All Clear will be given by the Singapore Government in 10 days time
  3. I’m still Hungry and Handsome

Total Number of Cases: 204

Discharged: 149
Hospitalised: 28
Intensive Care:13
Deaths26
Suspected: 12
Under home quarantine: 952
Last update: Monday, May 5

Source: Ministry of Health

SAAN NA ANG BARKADA

Ha! nalaman ko na nasa binyagan sa malinta ngayong araw na ito ang mga barkada ko! ano ba yan, birthday nung friday tapos binyagan naman ngayong sunday. sobra na yan ah, naiinggit na naman ako…binyag ngayon ng bunso ni pareng lando, ang aking malapit na kaibigan nung high school. si abby, ang kanyang panganay ay inaanak ko. high school nang bruha at malapit nang may aakyat ng ligaw sa kanila… hehehe. gagantihan na ata ang pare ko. apat na ang anak ni lando. dami no? libog kasi eh… hehe.

si lando ang unang nag-asawa sa amin. siya ang original na chick-boy. lahat ata ng mga teacher namin eh niligawan niya. nung high school kami, maraming gimmick ang pare ko na pwedeng gawing x-rated na pelikula. di ko na ikukwento rito at baka mabasa ng asawa niya. masapak pa ako ng wala sa oras. parati kong kasama si lando nung high school. malapit din ako sa pamilya niya. parati kasi ako sa bahay nila sa malinta at kalookan – nakikikain.

Continue reading

OYA NI KALDERETA

alam mong nakakaiyak na kanta para sa akin… yung CHICHI WO MOTOMETE (Seeking Father), ito yung ending song ng voltes v. tangna, everytime na lang marinig ko ito, nalulungkot ako. ewan ko kung bakit… mourning for a childhood lost, remembrance of a world when it was still school and a small village in novaliches, happy days when the family was still complete.

ewan, perhaps one of those reasons, or maybe all of the above. nevertheless, may maliit na pinong-pinong kurot akong nararamdaman. tulad ngayon, pinapakinggan ko ang kanta… bittersweet, melancholy, infinite sadness. hehehe… i’m 37 years old, and cartoon theme songs make me sad.

oh well… LASER SWORD!!!