NAHULI ANG BABI

lamang loob na baboy, nahuli sa malaysia-singapore border

1.7 tons na lamang loob ng baboy ang nahuli ng mga customs ng singapore habang ini-i-smuggle accross the johor strait. bakit hinuli? muslim kasi ang mga baboy na galing malaysia. hehehe… the real reason: mayron kasing sakit ang mga baboy sa malaysia at matagal na itong banned sa singapore. kung kaya ang baboy dito ay galing pa sa indonesia at sa australia.

yung company from australia na exporter ng baboy, cute ang pangalan: “AIR PORK”

KUMAIN NG MONGGO CONTRA SARS

i shit you not, this is a true story

balita ngayon sa cnn… doon daw sa cambodia, may mga taong naniniwala raw na kapag kumain ka ng ginisang monggo tuwing alas dose ng madaling araw ng miyerkoles, di ka magkakaroon ng SARS.

(pregnant pause…)

ang paniniwala ko naman, pag kumain ka ng ginisang monggo at saka lechon kawali na may sawsawang sukang maanghang na may toyo tuwing lunes ng gabi, eh mabubusog ka.

HAPPY VESAK DAY

ngayon ay isang malaking fiesta sa singapore, lalong lalo na sa mga buddhists… Vesak Day. ipinagdiriwang ang kapanganakan at pagkamulat ni Buddha at ang kanyang pagpasok sa Nirvana.

Come as you are, as you were
As I want you to be
As a friend, as a friend
As an old enemy

sa bahay lang siguro kami ni jet. bumili ako ng isang buong chocolate cake – kainin naming maghapon. hehehe… binili ko sa “bengawan solo”, ang paborito naming bake shop sa singapore. ito ay pag-aari ng mga indonesian chinese at isa itong malaking chain dito sa isla. marami silang kakanin na paborito ni jet. in fact, bumili ako ng isang kahon nung isang araw, inubos na niya ata lahat eh. masarap ang kanilang mga “sapin-sapin compatible”. halos kalasa na rin ng mga kakanin natin sa maynila. mayron din silang pineapple tarts na ubod ng sarap at ubod ng mahal! hehehe… kaya sa kakanin na lang kami (55 cents a peice) o kaya sa mga cake ($ 2.00 per slice).

SUPER SINGAPORE SARS BALITA

di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina na may gata!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

BAD BAD News: Fears of new Sars cluster at IMH – MAY 14, 2003

After 15 days of no new possible SARS cases, yesterday, the Health Officials have announced of a probable new SARS cluster in the Institute of Mental Health. Ito yung pinaka “Mandaluyong-LOOB” nila. Just five days to go before the 20 day ALL-CLEAR, singapore gets a big whammy. patay…. Twenty-four elderly patients and six nurses at the Institute of Mental Health in Hougang are down with fever, and Health Minister Lim Hng Kiang said last night that they should be treated as a new cluster of possible Sars cases.

BWAKANGNANGYAN…baka hindi na talaga kami makauwi ng june. ang mangyayari kasi rito eh, hahanapin nilang lahat ang mga pasyente, bisita at staff ng hospital. quarrantine na katakot takot at pinakamasaklap sa lahat… back to day 1. count uli ng 20 days na walang SARS para mabigyan ng all clear.

mother’s day at parenthood dito sa singapore, part 2

balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.

ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba’t-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.

mother's day at parenthood dito sa singapore, part 2

mother’s day at parenthood dito sa singapore

isa ang singapore sa pinakamababang birth rates sa asia. probably, it has the lowest in the entire south east asian region. in fact, it is now a major problem because the current population is not enough to fuel their future growth. ito rin ang dahilan kung bakit ako narito sa singapore. hindi, madumi yang iniisip mo…hindi nila ako gagamitin as a baby maker (o kaya pambulog). kulang kasi ang mga automation engineer rito at walang local skill silang makita kaya ako narito.

anyway, ang typical family rito ay husband, wife and one kid. normally, both husband and wife work para masustentuhan nila ang kanilang 4C’s (car, condo, credit card, country club membership). problema ngayon si anak. kung si mother at father ay working, sino ang mag-aalaga kay baby? solution: day care.

Continue reading

mother's day at parenthood dito sa singapore

KWENTONG TRAIN

punong puno ang train ngayong umaga. halos di ka na makakapasok sa sobrang dami ng tao. buti na lang, sumasakay ako doon sa mismong dulo ng byahe – sa pasir ris station, ang eastern most at last station sa MRT. by the 2nd station pa lang kanina eh di na sila halos makapasok. pag dating sa 3rd station, biglang may sumigaw sa pinto: “AYAW KASING UMURONG EH”.

muntik na akong matawa ng malakas. kung kasama ko lang si jet sa train, baka napahalakhak ako. pinag-iisipan ko kung ano ang igaganti kong sigaw eh:

1. “KABAYAN, INGLISIN MO KASI EH”
2. “SA SUSUNOD KA NA LANG PARE”
3. “PAHIRAN MO NG KULANGOT ANG MGA ULUL NA YAN, KABAYAN”
4. “KAIBIGAN, SUMIGAW KA NA NG DARNA, PARA UMUSOK SA MAY PINTO”
5. “REKLAMO NG REKLAMO… ITULAK MO NA LANG ANG MGA LEKAT!”
6. “ITAAS MONG 2 MONG KAMAY, TULAD NG GINAWA NI CHARLESTON HESTON SA 10 COMMANDMENTS”
7. “HUMATSING KA KABAYAN, MABILIS PA SA ALAS KWATRO ANG MGA KUPAL NA IYAN”

HAPPY MOTHER’S DAY MOMMY

116-1626_IMG

di na tayo masyadong nagkikita simula nang pumunta kami rito sa singapore. matagal-tagal na rin kaming di nakaka-uwi. gusto ko lang malaman mo na di naman ako nakakalimot…na parati kitang iniisip. di ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo sa buhay ko… ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya mo, para sa akin. nakalista itong lahat sa bato. kung mayron man konting tagumpay o kayamanan kaming naipon, di ito matatamasa nang di dahil sa iyo.

malapit nang birthday mo. actually, ito ang mas importante sa akin dahil 79 years old ka na. pero alam ko rin na senti ka at mahalaga rin sa iyo ang araw na ito. kung kaya’t binabati ka namin ni jet.

natanggap mo na bang regalo namin? sana naman ay masaya kayo diyan bukas… este, mamaya na pala. hayaan mo, next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. palakas ka pa, para pwede tayong magkantahan at sayawan. iimbita tayo ng banda para pwede tayong mag-rock-en-roll hanggang umaga.

punong puno ng pagmamahal at halik, ang iyong paboritong bunso.

jay