MPH BOOKSALE

kung taga singapore ka at mahilig kang mag-basa, make sure to visit the Singapore Expo this week-end.

why? it’s the annual MPH bookstore sale!

ito, talagang book sale. hindi tulad sa national bookstore sa manila na 10% lang ang discount. dito sa book sale ng MPH, 10% lang ng value ang babayaran mo. hehehe. i bullshit you not. sa loob ng singapore EXPO ay isang malaking airconditioned na exhibit hall ay pinupuno nila ng libro – hardbound, paperback, magazines, etc. iba ibang genre, iba ibang bansa.

last year, malaking pera nawala sa amin ni jet. hehehe… di naman kami nahold-up. bumili kaming 4 na shopping bag na libro. di naman ako deprived sa libro nung bata ako. talaga lang mahilig kaming mag-basa. and so, ladies and gentlemen, liligo na ako at lalarga na papuntang EXPO (SARS be damned).

pero siyempre, ingat pa rin kami.

MR. GABERTAN – NOTRE DAME OF MANILA HIGH SCHOOL

sa pag-retire ng isang high school teacher: a short tribute to gabby, galing sa mga makukulit at antukin mong estudyante ng notre dame batch 1983

Dear Mr. Gabertan,

Maraming salamat sa natutunan naming history sa inyo. Maraming beses din akong nakatulog sa lecture mo at ilang beses ay nahuli mo ako. One time ay nahuli mo akong natutulog at bigla akong mapatayo sa silya. Di na ako tuloy nakatanggi nang bigla mo akong alukin na sumali sa debating team.

I still remember the debates. I was with Rey Opena and Arnold Ressurection. Our opponents were Ricardo Victorio (our Validictorian), Cornelio Lozada (Salutatorian) and Ricky Magpoc (now a gynecologist, kaya puro pek-pek nakikita niya araw-araw. Di ka ba naiinggit sa kanya sir?). Our debate: “Resolved that Japan be Re-armed”. I won a trophy (as Best Speaker). It was the only one I won in Notre Dame, and, it still holds a special place in my Library at home in Manila. To take part in the debates was probably one of the best decisions I made in High School. It made me a better person. I learned to be more confident speaking (and fighting) with people.

Ingat kayo at sana marami pa kayong magawa after retirement and I wish for you the best. Thank you very much for being part of the group of beloved teachers who’ve shaped my life.

Yours Truly,

Nick David

Letter Number 2:

Dear Mr. Roger,

Thank you din po sa mga history lessons nyo. Kaso nga lang 50% lang ang natutunan ko kasi yung kalahati, nananaginip ako. Minsan nga, sa sobrang sarap ng tulog
ko, bumaha ng laway sa sahig. Nagising lang ako kasi ang lakas ng tawa ni jayjay tsaka ni danny e.

Tsaka pahabol pa po, kung hindi dahil sa inyo hindi ako este kami pala gumaling sa game&watch, 999 score ko.

Ingat kayo at sana marami pa kayong magawa after retirement.

Gumagalang,

Bong Pedro

Letter Number 3:

Dear Sir,

Ako rin ay nagpapasalamat sa history lessons na naibigay ninyo sa amin. Kung hindi dahil din sa inyo, basta basta na lamang akong makakatulog kung saan saan.

Nagkaroon ako nang abilidad na umupo nang diretso kahit na gaano pa ako kaantok. Malakas kasi akong humilik kaya siguradong bistong- bisto mo ako. Natapatan ko ata ang ginawa ni Dolphy sa “Ibong Adarna” para huwag siyang maging bato.

Take care and Good luck sa inyong retirement !!!

Gumagalang din,

Vic Perlas III

MORE THAN A FEELIN’

tangna, sarap ng pakiramdam ko ngayon. ewan ko kung bakit. feeling ko, para akong si maria… “blessed are you among…”. siguro dahil bagong ligo ako. hehehe… bukas ang pc, patay ang tv (ayoko nang manood ng news – puro guerra, puro guerra), tumutugtog si gershwin ng “someone to watch over me”, si jet nakaupo sa dilim sa likod ko’t nag mu-muni-muni. patay lahat ang ilaw except yung lamp dito sa tabi ko. sarap man. ayoko pang matulog…

Continue reading

MORE THAN A FEELIN'

tangna, sarap ng pakiramdam ko ngayon. ewan ko kung bakit. feeling ko, para akong si maria… “blessed are you among…”. siguro dahil bagong ligo ako. hehehe… bukas ang pc, patay ang tv (ayoko nang manood ng news – puro guerra, puro guerra), tumutugtog si gershwin ng “someone to watch over me”, si jet nakaupo sa dilim sa likod ko’t nag mu-muni-muni. patay lahat ang ilaw except yung lamp dito sa tabi ko. sarap man. ayoko pang matulog…

Continue reading

SARS UPDATE AGAIN

News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng Ruby Blade Pomade, ang Pomada ng mga Nag-aahit… ding-dong (sound epeks ng time check)…

BALITANG SINGAPORE: patuloy pa rin ang pagka-nerbiyos ng mga tao rito dahil sa SARS. takot na takot ang mga singaporean sa mga taong naka-puti. lahat ng mga nurse dito sa isla ay kawawa. tumutulong na nga sila sa mga maysakit, pag uwi pa nila, iniiwasan sila ng mga tao sa bus at train. yung ibang mga housing blocks daw, may mga sign na nagsasabing bawal gumamit ng elevator ang mga nurse at baka ma-contaminate daw. may isang buntis (7 months) na nurse ang nagreklamo: “paano na ako, buntis ako ng 7 months. hindi ko na kayang gumamit ng hagdanan papunta sa bahay ko sa 7th floor”. (hindi po marunong magtagalog ang mga singaporean, trinanslate ko lang).

anyway, tangnenek talagang ibang mga tao rito – nagseserbisyo na nga ang mga nurse para sa bansa, minamata pa nila. abangan ang susunod na balita.

SARSaPraninglia…

medyo at edge ang mga tao rito ngayon sa singapore. halos lahat ng tao ay natatakot sa Severe Acute Respiratory Syndrome ( or SARS). ramdam na ramdam mo ito sa mga bus at train. ang mga tao ay di mapakali. may uubo lang eh, naglalayuan na sila. may hahatsing? naku, kulang na lang tumakbo ang mga katabi.

malapit nang ma-praning ang mga tao rito.sa dyaryo ngayong umaga, 9 pages ang devoted sa SARS at 4 pages lang ang sa gulf war. sa office last monday, nag meeting ang mga boss at pinagusapan ang mga contingency:

  1. lahat ng galing sa hong kong ay may 10 day leave na free
  2. walang pupunta sa china this month
  3. sa business group ko – walang travel this month, period
  4. lahat ng nag sick leave the past two weeks ay pinapa-imbestigahan
  5. may sanitary soap na sa lahat ng mga pantry
  6. maraming memo about safety and precautions

Continue reading

INSTRUMENT ENGINEER

nung araw, may nagtanong sa aking kaibigan kung ano ang trabaho ko. sabi ko – “instrument engineer”. sabi niya sa akin: “marunong ka bang gumawa ng gitara?”. hehehe… simula noon di ko na nilalagay ang “instrument” doon sa engineer pag may nagtatanong.

sinasabi ko na lang – “engineer” po ako. pag may namilit kung anong klaseng engineer, sasabihin ko: “systems engineer”. pag tinanong pa ulit kung anong system, ang sagot ko: “automation and controls”. pag nagpursige pa sa tanong na, ano ang ino-automate, idadagdag ko: “mga process sa factory at planta”. pag tinanong kung anong klaseng process, sagot ko: “temperature, flow, pressure, pH, level, etc.”. eh, isa pang tanong, ano ang kino-control. tugon ko: “mga motor, valves, heating elements, etc”.

aaaaaahhhh…. (mag-iisip ng matagal) sabay bigkas: ano na nga ulit ginagawa mo?