QUARRANTINE

wala naman daw quarrantine ang pagpunta sa us, sabi ng travel agent namin. baka matuloy ang trip ko next-next week sa california. pero, baka hindi ko rin ituloy. ang ayoko lang kasing mangyari eh pagpasok ko sa conference… tatanongin ako kung taga-saan ako. siyempre, sabihin kong well, i live in “singapore”. baka magtakbuhan eh. hehehe…masapak ko pa ng wala sa oras ang mga lekat.

kaya lang, baka di naman nila pansinin ang origin ko. di ba eng-eng ang mga amerikano sa current events. karamihan nga sa kanila, di alam kung nasaan ang iraq eh. hehehe… yung balita kasi sa america: puro weather at traffice lang eh habang pumipikit pikit, todo ngiti at pa-kyut ang mga newscasters. ah oo nga pala, sama mo na yung mga breaking news na police car chase. hehehe.

Continue reading

ULYANIN

kanina sa banyo, muntik ko nang lagyan ng toothpaste ang pang-ahit ko. kung nagkataon sana, hehehe, sugat-sugat ang gilagid ko. (pregnant pause, habang nagmumuni-muni)…

…sabagay, maigi na iyon. kung shaving cream ang mailagay ko sa aking toothbrush, bubula bibig ko. bad yon.

THE HAUNTING HAUNTED KIND

natutulog pa si jet ngayon. pero siya ang gumising sa akin kanina. mayron kasi akong gustong panoorin sa tv ng 3:30 ng madaling araw. pag gising niya sa akin, may nakahanda nang kape at tubig na malamig. swerte ko talaga.

happy palm sunday sa lahat. iwagayway nang mga palaspas at kumanta ng hossanang galing sa Jesus Christ Superstar:

Crowd: “Hosanna! Superstar! Hosanna! Superstar! Hosanna! Superstar! Hosanna! Superstar!”

Critikong Pariseo sa pagdating ni Jesus sa Jerusalem: “Listen to that howling mob of blockheads in the street! A trick or two with lepers, and the whole town’s on its feet.”

kabisado ko ata yung buong “jesus christ superstar” dahil dumedede pa ako, pinapatugtog na namin ito sa bahay. tuwing holy week naman ay iaarkila namin ang BetaMax. gustong gusto ni jet pag kinakanta ko yung “pilate’s dream” na may kasamang gitara. it is a great song – slow, haunting at punong puno ng melancholy. teka nga at maharana. mamamalengke raw siya ng maaga eh.

STILL MORE SARS NEWS

News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng Birch Three Holland Powdered Milk, ang Gatas na may Gata… ding-dong (sound epeks ng time check)…

Police looking for CDC illegal escapee
SINGAPORE — The illegal Chinese immigrant who escaped from the Communicable Disease Centre last Wednesday might not have Sars, but police still want to locate her as a precautionary measure

Sars-tainted cruise ship docked at special quarantine zone
SINGAPORE — A Malaysian-owned luxury cruise liner with 13 crew quarantined on board for observation for Sars has been moved away from Singapore to an island in the south, officials said on Saturday.

Need to confess? Catholics can still see priests
CATHOLICS can still go for confession, even though, because of SARS, churches here have put a hold on individual confessions during special services in the run-up to Easter Sunday.

New fund honours health-care workers
IN JUST 10 days, more than $800,000 has been raised for Sars victims and their families, as well as health-care workers who are taking care of them.

NASAAN KA DARLING?

In every afternoon 3 o’clock
I read your letter, ahay
sa may bintana, ahay
sabay ang luha

from “nasaan ka darling” ni yoyoy villame. tungkol sa isang lalaking nag-sesenti habang binabasa ang sulat na galing sa syota niyang seksi dancer na nag abroad.

KIASU

Our SingLish Word of the Day

Kiasu (adj), pronounced ‘kee-a-soo’ – A Hokkien expression literally meaning ‘fear or dislike of losing out to others’. Generally refers to an attitude of overzealousness in an effort to be better than the next guy or not to lose face. “Kiasuism” (verb) – to make someone else lose out.

Continue reading

SI YVETTE, ANG MATAPANG AT MARANGAL NA PINAY SA AFRICA

yung pag-iwas sa gulo, pagtimpi at pangunawa streak ko lately ay natutunan ko kay yvette, ang may-ari ng isang magandang website na pinamagatang: A taste of Africa . Ang site na ito ay puno ng mga nakaka-inspire na kwento sa buhay ng isang matapang na pinay sa hargeisa, somaliland, sa sungay ng africa. last week, may pumunta sa kanyang site at nag-iwan ng mga nakaka-inis na salita sa message box niya. instead na awayin nya ang KSP na ito ay, instead, binigyan niya ng benefit of the doubt at sinagot niya sa disente at marangal na paraan. bilib ako man.

Continue reading

SIDE BICYCLE

as i was saying while i was interrupted by my bossing yesterday. nasagasaan ako ng bisikleta kahapon ng umaga while i was on the way to work from the train station. sa expo station kasi hanggang office is a five minute walk. eto akong mabilis na naglalakad sa sidewalk may narinig na ingay at biglang napatingin sa likod ko. bigla na lang may parating na bisikleta sa harap ko. inilag ko yung mukha ko at tinaas ang aking mga kamay pangsanga. tinamaan ng siko ko ang mukha ng mama. di naman siya tumumba pero siguro masakit pa rin ang panga niya hanggang ngayon. aawayin ko sana kasi meron akong “moral highground”. bawal mag bike sa sidewalk eh. kaya nga “sidewalk” ang tawag doon kasi pang-walking. sana kung “sidebicycle” yon. ang dami ko sanang sasabihin sa mama:

“you nearly killed me, you moron.”
“you’re not allowed to ride a bicycle in the sidewalk, you ipis brain”
“you @$%#@#$@$$^&(%#@$! watch where you’re going!”
“what are you trying to EXIT ha?” (in tagalog: anong gusto mong palabasin?”)
“what are you taking me for? granted?”

filled with righteous anger, gusto ko sanang hamunin ng suntukan. kaya lang naisip ko, ganito nagsisimula ang mga guerra. people claiming to have the moral highground, filled with righteousness and male hormones, trying to pick a fight. what was i trying to exit kung hamunin ko siya ng suntukan. wala. walang magandang kalalabasan. and so, hindi ako naging confrontational asshole (na kadalasan magiging reaction ko). naglakad na lang ako ng mas mabilis papuntang opis.

MONDAY MORNING IN THE TRAIN

monday morning rush to work. nakatayo sa loob ng train at nagmamasid ng mga pasahero. pasok ang mag-asawang bumbay. isa lang and silyang available para sa kanila. binigay ni mr. ang mga bag sa misis niya at umupo. lumakad ang train. habang lumalakad, nag-uusap sila – si mister nakaupo pa rin at si misis ay may hawak na bag ay nakatayo.

CHARACTERS

PI_SEPT02_173

ganda ni tj ano? si tj ay anak ni donna. si donna ay anak ni gigi. si gigi ay anak ni angela. si angela ay mommy ko. lahat sila ay magaganda. pinapatay kasi ang pangit sa amin eh. matalino si tj, mahilig siyang magbasa ng mga libro na bigay ng kanyang mabait na tito jay at tita jet. three years old na si tj. diretso na siyang magsalita at may accent ang english niya na slang na amerikano (di ko alam kung saan niya napulot ito). minsan naman ay sumasayaw din siya. mahilig siyang magpatugtog ng cd (alam na niyang i-operate ang cd player sa bahay) at mayron siyang sariling music collection. pag nag-swimming kami ay ayaw niyang umalis sa pool kahit nanginginig na sa ginaw. magaling siyang kumanta. manang mana sa mommy niya, sa lola niya, lola at lolo niya sa tuhod at sa kanyang mga tito at tita – lahat sila’y may magagandang boses. bukod sa lahat ng mga nursery rhyme songs ay kabisado niya ang “dancing queen” ng abba at lahat ng mga kanta ng sex bomb girls.

XMAS_02_138

luneta, chrismas vacation 2002: from left to right – si kuya bong, lucas, darlene, jet, dennis,axl at si ate lannie. si kuya bong ay classmate ko simula kinder. simula 1972 (30 years) ay kakilala ko na siya at isa sa pinakamalapit kong kaibigan. si darlene ay kapatid ni jet. anak nila si lucas. si lucas ay makulit. nagkakilala si kuya bong at darlene dahil napangasawa ko si jet. pinanganak si lucas dahil kaklase ko si kuya bong simula kinder. si axl ay si axl dahil rocker ang tatay niyang si dennis. si dennis ay bilas ko dahil napangasawa niya si ate lannie na kapatid ni jet. si ate lannie ay interior designer tulad ni darlene. di masabi ni axl ang pangalan niya kaya tawag niya sa sarili niya ay “atoy”. si atoy ay tahimik at parating umiiyak pag nilalapitan ko siya. si axl at lucas ay magpinsan, ibig sabihin nito ay bilas ko rin ang kaibigan kong si kuya bong. lahat sila ay magaganda at guwapo. pinapatay din kasi ang pangit sa pamilya nina jet.

linggo ngayon at family day. dahil family day, ipinapakilala ko sa inyo dahan dahan ang pamilya ko.

XMAS_02_118

ito si mang boy. kapitbahay ko siya sa antipolo. magaling siyang magluto ng bibinka, palitaw at ginataan. hindi ko siya kamag-anak kaya di ko masasabi na guwapo siya. malamang ay hindi pinapatay ang pangit sa kanila kasi buhay pa siya. pero sa kasuwertehan ay maganda naman ang kanyang anak. ganumpaman, katulad ng marami kong kapitbahay sa antipolo, likas siyang mabait, mapagbigay at marunong magpintura, magtanngal ng anay at gumawa ng mga sirang tubo.

disclaimer: (sabi ni jet ay gumawa daw ako ng disclaimer eh dahil baka raw may ma-offend ako, kaya eto…) sabi nila ay “beauty is in the eye of the beholder. sabi rin nila ay “beauty is relative”. kaya, para sa akin na beholder, lahat ng mga relatives ko ay magaganda at guwapo. kung sa tingin ninyo ay di kayo maganda o guwapo, sorry na lang. para kasi sa akin ang kagandahan at kagwapuhan ay hindi lang sa mukha. lahat ng nasa litrato sa taas (kasama na si mang boy) ay tunay na tao. mga magaganda’t guwapo sa aking paningin. in short, yung main lesson ng “the little prince” ang nangingibabaw sa aking definition ng beauty, i.e. what is essential is invisible to the eye. maliwanag ba? ok. bilang panghuli: doon naman sa mga naniniwala na “pinapatay ang mga pangit sa amin”, eto lang ang masasabi ko: mga uto-uto!

ayan, happy ka na my lab?