THE RING

uy, alas 12 ng madaling araw nag-ring ang telepono. aking inangat habang nanginginig ang kamay. pinaka ayoko sa lahat eh kiriring ng telepono sa madaling araw. aatakihin ako sa puso nito eh… si jet lang pala. binibiro ako. tumawag sa cell phone nya sa kwarto namin at pinapatulog na ako. hehehe.

COMING HOME

homephotos-027

makauwi kaya kami ngayong june? hmmm… naglalaway na akong umuwi. gusto ko nang tumambay sa garden ko. amuy-amuyin ang mga bulaklak, magputol ng damo, mag-ihaw ng liempo habang umiinom ng malamig na serbesa.

miss ko na kayo… iced tea o kaya kape on the side. kapitbahay na maingay. tunog ng tricycle. kalembang ng sorbetero. balut. lechon. alikabok (sa ilalim ng dagat? mwa-ha-ha), aso kong si datu, hot pan de sal na may palamang reno liver spread, tsitsaron, pork barbeque, amoy ng sahig na nilinis ng domex, alaskahan at murahan…hehehe. bwakanginangyan, putonginamoy, anakngpusakunting. tagalog na mura. malutong.

ah, di bale 2 buwan pa naman. may panahon pa para humupa itong tangnang SARS na ito. pwede pang magdasal at mangarap. sana, sana… makauwi na. hey! hey! (ayan panginoon, nakikinig ka ba, may cheer pa sa huli! hehehe)

Singapore SARS Update

News Flash..”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng pinakabagong pelikula mula sa REGLA Films. Si Gloria Romero sa kanyang unang Sexy Bomba Picture: “Nang Maglandi si Lola!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

TREATED AND DISCHARGED: 104 (up 13 from 5 days ago)
IN HOSPITAL: 58 (down 3)
IN CRITICAL CONDITION: 19 (up 3)
DEAD: 14+2 (up 1)
TOTAL NUMBER OF CASES: 178 (up 11 new cases)
INDEX CASES: 7 (no change, ibig sabihin wala nang galing sa abroad na nakakahawa sa local population)
SUSPECT CASES: 87 (down 4)
UNDER HOME QUARANTINE: 599 + 2400 (WOW! this is the largest jump in a single day, dahil sa isang palengke na bagsakan ng gulay)

BLACK SATURDAY, PART 2

dumating na yung aircom repair man. buti na lang at nagservice kahit holiday at gabi na. di niya rin alam kung bakit nahulog ang aircon sa dingding. sa sobrang high tech ng AC namin, eh automatic din ang pagtanggal. natatanggal mag-isa. hehehe… bwisit. ayun sa takot rin niya ay tinalian ang lekat. yung aircon namin ngayon: “with strings attached”.

ngya-ha-ha-ha.

BLACK SATURDAY

anakngpusakuting! bumagsak sa sahig ang aircon namin. i shit you not. bigla na lang nag-drop off sa mounting niya habang umaandar. di ko alam ang buong pangyayari. si jet ang nasa loob ng kwarto. bigla ko na lang narinig ang malakas na kalabog at isa ring napakalakas na sigaw: “FAFA, SAKLOLA! SAKLOLO!” hehehe… pupunta na rito yung repairman in 1 hour. weird man.

tinu-ninu-ninu-ninu… (twilight zone sound epeks)

LUMPIA

ang ulam namin ngayong tanghali ng biyernes santo ay… LUMPIANG HUBO!!! rapsadoodels baby. samahan mo na ng sarsa at sangkatutak na bawang na dinikdik. wala akong pakialam kung layuan ako ng mga tao sa amoy ng hininga ko pagtapos kumain. ang importante ay makakain ng LUMPIANG HUBO…hubo…hubo…hubo… (ayan, may echo pa).

SUMUKO NA KAYO! kayo…kayo…kayo…. NAPAPALIGIRAN NA NAMIN ANG HIDEOUT NYO! nyo…nyo…nyo… HEHEHE.

sige, mamaya na lang ulit… KAKAIN NA KAMI! kami…kami…kami…

DARNA!

LIPAD DARNA, LIPAD!

Hoy BatJay,

Tigil-tigilan mo nga yang pag-lalandi mo ha! Alam kong may SARS diyan sa Singapore pero yung mask mo eh sobra nang over-kill. At saka, ang init init diyan, bakit kailangan mo pang mag-suot ng capa? Sagutin mo nga yan, ha! Pa-kyut ka talaga kahit kailan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sinusuot nyo ang pantalon bago underwear. Mga Amerikanong Super-Hero…ang bobobo nyo talaga. Isa pa, yang si Robin ha, pagsabihan mo yan ha – lapit ng lapit sa kapatid kong si Ding. Himas ng himas ng kamay ng utol ko. Bakla ba yan? Kung gusto nyang magpalipas sa kapatid ko eh, sabihin mo na lang kay Robin na ikaskas nya na lang sa pader. Ang libog libog nya!

Sige, dumalaw lang naman ako as Blog site mo para tingnan kung may message si Valentina. Matagal ko na siyang hinahanap eh.

Ingat na lang sa mga Joker,

Darna

BATMAN AND BATGIRL

SI JAY AT SI JET SA SINGAPORE. NAIINGAT SA SARS KAYA MAY MASK

Dear Mommy,

Ok naman kami dito sa Singapore. Alam kong nag-aalala kayo sa amin dahil sa SARS. Sinusundan naman namin ang sinadabi ng gobyerno. Hindi kami masyadong lumalabas. Naghuhugas kami parati ng mga kamay at nagsusuot na rin ng mga protective mask. Sa katunayan nga, last week-end, nagpagawa kami ni Jet ng bagong mga damit. Para naman hindi nakakahiya pag suot namin ang mga aming mga maskara. Please see enclosed picture na kinuhanan sa studio malapit sa bahay namin. Nilagyan na rin namin ni Jet ng dedication ang litrato.

OO nga pala, kinakamusta kayo ni Robin at ni Alfred. At saka, huwag kayong maniniwala sa mga tsismis na bading ako. Porke ba parati kong kasama si Robin sa lahat ng mga lakad ko eh… kukurutin ko na yang mga bumubulong sa iyo eh. OO nga pala mama, huwag kang magagalit kung makita mo ako ha, nagpa-ahit ako ng kilay eh.

Ingat na lang diyan, ang inyong anak na nagmamahal,

BatJay

p.s. Nagpakulay nga pala si Jet ng buhok. Pag nakita nyo siya, batiin nyo naman ang magandang kulay.

SINGAPORE SARS UPDATE News Flash

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng pinakabagong pelikula mula sa BIBA Films. Si Joyce Jimenez sa kanyang Kung Fu Seksi Action Picture: “KICKING PINAY!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

TREATED AND DISCHARGED: 84
IN HOSPITAL: 62
IN CRITICAL CONDITION: 18
DEAD: 10
TOTAL NUMBER OF CASES: 158
INDEX CASES: 7
SUSPECT CASES: 72
UNDER HOME QUARANTINE: 599

TOTAL SINGAPORE POPULATION: 3,000,000