You got to roll me and call me the tumblin' dice

kahapon ng umaga, tinawag kami ng boss namin sa kanyang kwarto for a highly irregular (and definitely unannounced) staff meeting. akala ko nga magpapakain ng breakfast. naalala ko, di pala uso ang magpakain sa singapore. anyway, sabi niya, kaya raw hindi pumasok ang isa naming office mate ay dahil nag self quarrantine (kaba-kaba-kaba).

apparently, yung father in law ng office mate ko ay nagkaroon ng high fever after visiting a clinic whose former patient contracted SARS. hmmm…. “interesting”, naisip ko, habang maraming scenario ang naglalaro sa fertile kong imagination:

Continue reading

STARRY STARRY NIGHT

request sa karaoke: bossing, patugtugin nyo naman ang “starry, starry night” by vincent.

“Starry, starry night
Flaming flowers that brightly blaze
Swirling clouds and violet haze
Reflect in Vincent’s eyes of china blue
Colors changing Hoy”

Miron: “Colors Changing Hue. Hindi Hoy. BOBO!”

SINO SI BERT DOMINIC?

Habang nag-se-search ng mga artist na kasali sa “PHILIPPINE HITS – AROUND THE WORLD KARAOKE”, napadaan ako sa binebentang CD sa Pinoy Central na pinamagatang “Kukurutin Ko” ni Bert Dominic.

Sino si Bert Dominic? Naiintriga ako sa kanya. Bakit ganito ang title ng mga kanta niya?

Continue reading

the ultimate senti playlist bago matulog

1. “solitude”, nina simone

2. “god bless the child”, billie holiday (di naman ito love song pero, sa boses pa lang, suicidal ka na)

3. “come away with me”, nora jones

ayan tatlong kanta, para puno ng sipon at luha ang unan mo ngayong gabi.

oo nga pala, kinanta ni lisa simpson ang “god bless the child” ni billie holiday sa special episode na “the simpsons sing the blues”. kinanta rin ni homer dito yung “born under a bad sign”. hehehe… they made a CD out of this. find it if you can.

SOLITUDE

bigla tuloy akong napa-download ng “solitude”. hay… galing talaga. gusto nyong kopya? 3MB. hehehe… sinama ko na sa download yung “house of the rising sun” both by nina and the animals. tapos simahan ko pa ng nora jones na “come away with me”. walang kamatayanang kasentihan ang gabing ito. huhuhu… buti na lang at nandito ang partner ko sa tabi ko. di nga lang ako pinapansin dahil nag-ko-cross stich. hehehe. crotch tish? crotz tits? crotch tits?

Continue reading

SO LONG NINA SIMONE

namatay na pala si nina simone. isa siya sa mga unang artist na tinangkilik namin ni jet nung nagsisimula kaming nag-collect ng mga CD. marami siyang magagandang kanta at higit na maraming mga cover version ng mga standard blues, jazz at mainstream hits. siya ang naunang kumanta ng “House of the Rising Sun” (nung 1961), bago pa ito pinasikat ni eric burdon at ang “animals” nung 1964 (hindi animal husbandry, ha – ako yon eh).

Continue reading

WHAT TO DO WHEN YOU COME HOME AND YOUR WIFE IS SLEEPING

natutulog ngayon si jet, pagod sa kakaplantsa. wawa naman baby ko. alam ko na – ipagluluto ko siya ng spaghetti! at saka fried chicken! at saka kanin! at sala nilagang baka! bwa-ha-ha-ha. sandali lang naman itong gawin kasi… ipapa-init ko na lang! ngya-ha-ha. puro tira-tira lang na ulam namin nung isang linggo kasi ang ulam namin ngayong linggo! he-he-he… isang microwave ka lang! ngya-ha-ha

ang pag-iisip ang siyang nagbibilang.

SANA KUNIN KA NA NI LORD

taong bahay ako ngayon dito sa opis dahil yung 2 tech support namin eh naka leave pa. ka-tanggap ako ng email kanina galing sa malaysia…

hey,
send your latest training courses and shedules.
regards,
cc pang

simple lang ang request pero ang bastos ng dating sa akin. una, hindi “hey” ang pangalan ko – “Jay”. parang “Hoy, pssst…” ang dating eh. sinagot ko naman ng mahusay pero siyempre, deep inside, iba ang trying to exit ko. iba ang gusto kong palabasin.

Dear Mr. Pang:(tagalog translation: hoy ka rin, bastos na PANGIT!)

Thank you very much for your email. (translation: ang bastos mo. ano palagay mo samin dito, at your beck and f#$%#cking call? na pwede mo na lang kaming tawaging hey? ha!) It is really a pleasure being of service to you..(tagalog translation: huwag mo nang uulitin ito ha. next time na mang hoy ka, pupulbusin kong dibdib mo. pasalamat ka’t customer side ka kundi ikakaskas kong mukha mo sa semento. namumuro ka na sakin, isa na lang.) I have contacted our Malaysian Distributor and they will be more than happy to provide you with more information on Training in your area. They are CC’d with this email. (tagalog translation: huwag mo akong lalapitan pag kailangan mo ng tulong. etong piso, humanap ka ng ibang makakausap mo. ulul.)

Take care, (tagalog translation: kunin ka na sana ni lord)

Jay (ilocano translation: over there)

BINIBENTANG MGA BAGAY DURING THE TIME OF SARS

  1. air purifier, pantanggal ng bacteria sa air
  2. Tooth brush disinfectant tablet, tableta with tubig – sawsaw the toothbrush
  3. ear thermometer, immediate non-contact reading ng body temperature
  4. clorox cleaner, pantanggal ng virus sa bahay
  5. life insurance, hmmm… ito matindi. protection sa pamilya kung sakaling mamatay sa SARS?

Love in the Time of Cholera? hell no, baby…Business in the Time of SARS!